Chapter 13: Iba na ang Baranggay captain sa Baki-an

235 7 7
                                    

Hindi na nga nagfile ng Coc si kapitan Elyong kaya si Temiong ang nanalong bagong kapitan sa tulong ng kanyang manugang na hilaw na si engineer Rusty. At komo tao ni Lazami ang engineer, nagkaroon din ng kapit sa palasyo ang bagong kapitan.

"Sa susunod na election, tatakbo akong konsehal kaya ngayon pa lang ay sabihin mo na sa presidente na tulungan ako, ha?"

"Consider it done papa! Ako'ng bahala sa political career niyo, hahaha! Sa ngayon, magpapayaman muna tayo nang husto. Para lalong sumigla ang Baranggay, ay maglalagay tayo dito ng beerhouse at sabungan, tutal dati niyo nama'ng hobby ang manok di ba?"

Nagdalawang isip si kapitan Temiong.
"Hindi ba masyadong maaga para sa ganyan? Dapat magpa bango muna tayo nang husto. Ang iniisip ko ay unahin muna natin ang kapilya, health center at talipapa. Saka na yung mga ganyan!"

"Okey po, sinabi niyo eh! Sige po, tutulungan ko kayong gumawa ng project proposal para yung maki-kickback natin ang pampatayo natin ng beerhouse at cockpit arena,hahaha!"

Nangislap sa tuwa ang mga mata ni Temiong, nagsalin uli ng alak at inisang lagok habang ang isip ay naglalakbay na sa iba't ibang panig ng mundo.
"Hindi magtatagal, tatawagin na ako'ng mayor Artemio Zagarin!"

"Bakit mayor lang papa? Sayang naman ang apelyedo niyo kung hindi natin gagamitin, Zagarin na natin ang mag ambisyon, gawin na nating President Artemio Zagarin,hahaha!"

Doon tunay na magkasundo ang magbiyana'ng hilaw.
"Yan ang gusto ko sa iyo eh, iniispoil mo ako, haha!"

At di nga nagtagal ay pinaumpisahan na ni Temiong ang kapilya at kasunod nun ay ang Baranggay health center. Kaya naman hanga'ng hanga sa kanya ang karamihan.
"Hindi kami nagkamali ng ibinoto, tunay na mas karapat dapat ka'ng maging ama ng Baranggay kapitan Temiong, isang taon ka pa lang sa posisyon mo ay marami ka na'ng napatunayan, haha!"

"Hindi lang yan ang ipagagawa ko mga minamahal kong kabaranggay. Kapag ako ang naging mayor, magpapatayo ako dito ng highschool para hindi na dadayo pa ang ating mga anak, sa halip ay tayo na ang dadayuhin ng mga karatig Baranggay. Kaya patuloy niyo akong suportahan dahil wala akong ibang iniisip kundi ang kapakanan nating lahat?"

*****

Samantala, fourth year highschool na sina Zam at Laura na nanatili ang pagiging mag bestfriend sa kabila ng apat na taong agwat ng kanilang mga edad.

"Anong kukunin mo sa college ate Lau?"

"Education siguro, para kapag natuloy yung pangako ni kapitan na highschool building ay doon na ako magtuturo! Ikaw?"

"Gusto ko sana ng political science, pero siguradong hindi kakayanin nina papa at lolo, kaya baka education na lang din, haha!"

Natuwa si Laura kaya niyakap niya ito nang mahigpit.
"Yes! Akala ko magkakalayo na tayo eh!"

"Hoy mga miss beautiful, sayang naman ang mga kagandahan niyo kung itutuloy niyo yan! Sa amin kayo pumatol, mas masarap pa rin ang romansa ng mga lalaking tulad namin, hahaha!"

Nagkatinginan ang magkaibigan, napagkamalan silang tomboy?
"Hoy mga bastos, ang dudumi ng mga isip niyo! Pag nagyakap ba ang parehong babae, tomboy agad?"

"Aw hindi ba? O eh di mas magaling! Sige ako na lang ang jowain mo miss Zamera, matagal na akong atat na atat sa yo eh, akala ko lang syota ka ng isang ito kaya hindi kita maligawan. Pwede ba kitang maging girlfriend?"

Nag init ang ulo ni Zam pero nagpigil siya.
"Tara na nga ate Lau, wala tayong mapapala pag pinatulan natin ito!"

Napahiya ang lalaki sa mga kasama nang pagtawanan siya nang mga ito.
"Whoaa ang campus heart throb, na- snob ng mga taga barrio lang hahaha!"

Hinabol nito ang dalawang dalaga sabay dakma sa braso ni Zam.
"Teka, hindi mo ba ako kilala?"

Tiningnan ni Zam ang kamay ng lalaki na naka hawak sa braso niya saka inilipat sa mukha nito.
"Kilala! Anak ka ng chiel of police sa bayan na ito, okey na? Bitiwan mo na ako!"

Lalong nag init ang ulo ng binata sa pagbabalewala sa kanya ng dalaga.
"Aba't...Huwag mong ipagmalaki sa akin na karatista ka dahil bale wala sa akin yun!"

"Pakialam ko sa opinion mo?"

Binilisan ng dalawa ang paglalakad pero naabutan pa rin sila ng kalaki sabay yapos sa bewang ni Zam.

"Hoy, wala pang bumastos sa akin ng ganito ha? Halika nga dito!"

'PAK!'

Gulat na napasapo sa sariling pisngi ang binata.
"WTF!"

Nang makabawi ay inilabas ang baril sa bag. Pero bago pa nito naikasa ay nasipa na ni Zam ang kamay niya kaya tumilapon sa damuhan ang baril na agad namang tinakbo ni Laura bago pa siya maunahan ng mga ka-tropa ng lalaki.

Gamit ang sariling panyo na dinampot ang armas saka itinutok sa may ari.

"You! You'll gonna pay for it!"

"Utot mo, ikaw ang malilintikan. I know your father, he's a good cop at alam kong hindi niya alam ang tungkol dito. Pero ngayon, malalaman na niya, huh!"

"Korek! At pati si manong guard ay malilintikan dahil hinayaan kang magpasok nito sa school!"
Sabat ni Laura sabay turo sa palapit na guard na mukhang ibinabad sa suka sa sobrang takot.

"N-naku, huwag naman miss! May mga anak ako at buntis pa ang asawa ko! P-pag usapan na lang po natin."

Biglang nawala ang angas ng binata'ng estudyante. Lumikot ang mga mata nito saka biglang lumuhod sa harap ni Zam.
"Boss Zam, ibalik niyo na ang baril ko at please, huwag niyo na'ng ipaparating kay daddy. Pangako, hindi ko na kayo guguluhin uli! Sorry na, please?"

Pigil ang mga ngiti na nagkatinginan ang magkaibigan. Ang dali lang pala'ng sindakin ng kumag, eh!
"Mangako ka muna na hindi mo na kami guguluhin at kahit sino sa school na ito, okey?"

"Sige, sige, hindi ng hindi na, pangako!"

Saka lang isinoli ni Laura ang baril sa binata.
"Ikaw din manong guard, gawin mo nang tama ang trabaho mo dahil sa susunod, hindi na kami mananahimik!"

"Yes maam, promise po!"
***

Two months bago ang graduation...
"Zam, hindi na siguro ako makakapag college!"

"Haa? Bakit naman?"

Tuluyan nang napahagulgol si Laura.
"A-ang tutuo niyan ay matagal na'ng hindi nagpapadala si nanay at hindi na rin nagpaparamdam. M-may balita kami na may ibang asawa na daw siya sa Kuwait?"

Halos madurog ang puso ni Zam sa sobrang awa sa kaibigan. Paano na silang magkapatid? At yung tatay nila paano nito natanggap na pinalitan na siya ng asawa?

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon