Chapter 7: Bad guys

265 7 0
                                    

Lumapit ang lalaki sa kinatatayuan ng kapitan at halos idikit na ang mukha nito sa mukha ng matanda.
"So, are you saying na madudumi ang mga babae sa lugar namin?"

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin anak, pasensiya na kung iba ang intindi mo sa sinabi ko. Patawad!"

"Hindi ganun kadali'ng mawala ang galit ko tanda. Pero...pag dinala mo dito sa amin yung maganda mong anak, patatawarin kita!"

Doon na nagdilim ang paningin ng kapitan.
"Bastos ka ah!"
'PAK'

Halos tumabingi ang mukha ng lalaki sa sobrang lakas ng pagkaka-sampal ni Kapitan. Namula ang mga mata nito sa galit at pagkapahiya sa mga kasama.

"Hayup ka'ng old man ka, gusto mo talaga ng laban ano?!""
Nagtayuan na rin ang apat na kasama ng bastos na blogger pero hindi natinag ang kapitan.

"Tinanggap ko kayo dito bilang tao, kaya magpaka-tao kayo!"
Buong tapang na sabi nito sa mga lalaki.

Isa sa mga ito ang sumubok na payapain ang kasama.
"Chill lang bro, he's too old para patulan pa natin. Ako na ang kukumbinsi na ipahiram sa atin ang anak niya, hahaha!"

"Bakit naman ganyan? Akala ko pa naman eh hulog kayo ng langit para mabago na ang kalagayan ng Baranggay na ito, mali pala ako!"

"Tanda, ang lahat nang magagandang bagay ay dapat na maganda rin ang kapalit, pero tumanggi ka na nga ay nilait mo pa ang mga babae sa amin!"

Dinig na dinig ni aling Puring ang sagutan ng asawa at nang mga lalake at ewan kung bakit si Bobby pa na nasa malayo ang naisip niyang tawagin.

"Nay, ba't napasugod kayo?"

"B-Bobby... Ang t-tahtay mo, mukhang mapapa-away!"
Hingal kabayo na sabi ng matandang babae habang sapo ang dibdib.

"Samahan niyo muna ang mag ina ko dito at pupuntahan ko siya!"

Hindi na naghintay ng sagot, kinuha ni Bobby ang itak na nakasabit sa tabi ng pinto at patakbong sumugod sa lugar habang isinasabit ito sa bewang.

Marami na'ng tao sa kinaroroonan ng gulo pagdating ni Bobby at kumulo ang dugo niya nang abutan na dinuduro -duro ng isa sa tatlong lalaking nakatayo ang ama amahan habang ang dalawa naman ay nagsusunog ng foil sa harap ng kandila'ng may sindi.

"TIGIL! Ligpitin niyo na ang mga dala dalahan niyo at magsi-alis kayo dito ngayon din!"

"Whoaa! Sino kayo para basta na lang magpalayas ng tao? Nabili niyo na ba ang lugar na ito? Eh kung kayo kaya ang palayasin namin sa pamamagitan nito?"
Binunot ng lalaki ang baril sa tagiliran niya at dahan dahang ikinasa na halata'ng naninindak.

'Ka-tsak'
Sabay tutok sa noo ng kapitan na di man lang kinakitaan ng takot.

Doon na kumilos si Bobby at ni walang nakapansin kung paano siya nakalapit at naagaw sa lalaki ang baril nang hindi man lang naka-piyok.

"TAYO!"
Utos niya sa mga sumisinghot ng kung ano na nasa binilot na foil habang nakatutok sa mga ito ang baril na naagagaw niya.

"Whoaa! Superman, ikaw ba yan?"
Sinadya pa ng lalaki na idikit ang sarili'ng mukha sa noozle ng baril na sadyang nang aasar.

"Bobby sa likod mo!"
Sigaw ni Kap Elyong nang mapansin na sasaksakin na siya ng lalaking unang nambastos.

Ipinalo ni Bobby ang hawak na baril sa panga ng lalaking lumapit sa kanya sabay ikot at salitang lumipad sa ere ang mga paa na tumama naman sa dalawang nasa likuran niya.

Hindi na naka porma ang dalawa pa nila'ng kasama nang pag tigisahan nina kapitan Elyong at ni kagawad Temiong na paluin sa ulo, bagsak.

Pinagtulong tulungan nilang gapusin ang mga kamay at paa ng limang lalaki at isa isang ipinasok sa limang tent.
"Bakit pa natin ipapasok sa tent, hayaan mo na'ng lapain sila ng mga baboy damo!"

"Okey lang po yun, hayaan niyong mamanghe ang loob ng mga tent nila sa sarili nilang mga ihi, haha!"

Kinabukasan, habang nasa loob pa ng mga tent ang mga adik na bloggers nagkakatuwaan at nagkatipon tipon na sa harap ng bahay nina kapitan Elyong at aling Puring ang mga tao. Iisa ang tanong nila...
"Sino ka ba talaga Bobby? Bakit ang galing mo?!"

"Kayo talaga, pinalalaki niyo na naman ang mga nangyari. Wala po yun, nagkataon lang, haha!"

"Hindi! May kakaiba sa inyong mag asawa, sabihin niyo na kasi sa amin ang tutuong pagkatao niyo para manahimik na kami!"
Sabi ni mang Temiong na tinawanan lang ni Bobby.

"Mang Temiong, simpleng tao lang po ako na nagkataong may konting alam sa martial arts. Magsasaka lang ang mga magulang ko kaya tutol sa akin ang pamilya ng asawa ko, yun lang po yun!"

Nang magising ang mga lalaki ay, binigyan sila ni Bobby ng almusal sa tulong nina Randa at aling Puring.
"Ayan kumain kayo! Nakakahiya naman sa inyo, baka sabihin niyong di man lang namin kayo inasikaso dito! "

Isa sa mga lalaki ang titig na titig kay Randa.
"O, asawa ko yan! Baka gusto mong umuwe na maiwan dito sa Baranggay ang dalawang eyeballs mo?"
Natatawang banta dito ni Bobby habang nakasukbit sa bewang niya ang baril na nakumpiska kagabi.

"S-sorry boss, parang f-familiar lang kasi ang mukha niya sa akin. N-nakita ko na siya dati, di ko lang matandaan kung saan!"

"Guni guni mo lang yun, epekto ng pagda drugs niyo kagabi. Sige kain na at pagkatapos ay umalis na kayo at huwag na huwag niyo nang susubukang bumalik pa sa lugar na ito!"

Nang matapos silang kumain, kanya kanya nang dampot sa mga gamit nila ang mga lalaki.
"Boss, p-pwede ba'ng makuha yung b-baril ko? P-protection kasi namin yun sa..."

"Ito ba?"
'BANG BANG BANG BANG BANG!'

Inubos ni Bobby sa putikan ang lahat ng bala ng baril bago ibinalik sa may ari.
"Meron pa kaya'ng natira? Try ko kaya sa inyo para malaman natin..."

"Ah, eh boss, h-hindi na pala namin kailangan. Sa yo na yan boss, hehe!"
Sabi ng may ari sabay karipas ng takbo.

"O loko kayo, akala niyo ha! Siya nga pala anak, nabura mo ba yung mga kuha nilang video?"

"Opo tay, baka kasi sa halip na mapabuti tayo ay malagay lang tayong lahat sa alanganin pag ganung klaseng mga tao ang pupunta rito.

Sumang ayon ang lahat sa sinabi ni Bobby kaya aasa na lang uli sila sa ibang pagkakataon.

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon