Chapter 24

279 17 8
                                    

"THIS IS IT, baby..." Narinig kong bulong sa akin ni Eleov habang inaalalayan niya akong makalabas ng tent.

Nasa likod ko lang sila Gia at Jennifer para kapag kakailanganin ng retouch ay nand'yan kaagad sila. Nasa harapan naman namin si Ms. Pearl na sinimulan nang pagsabihan ang mga tao sa paligid na magsisimula na.

"Ang daming mga camera," hindi ko maiwasan na komento ko.

"You'll fill it with your face later, baby. It only focuses your beautiful face."

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. "Hindi ako mapakali. Para ang daming mga mata na nakatingin sa akin nang dahil lang sa mga camera."

"Hmm, how about this? Isipin mo na lang na ako ang tumitingin sa'yo kapag gano'n." Hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Will that be better?"

"Siguro..." Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Thank you talaga, Eleov."

"You deserve it, my queen." Hinaplos-haplos niya ang mga daliri ko. "Go do your best then, baby."

"Arhaia!" Nabaling ang atensyon ko kay Ms. Pearl na tinawag ako.

Sinenyasan ko si Eleov na pupunta na ako sa kanya at tahimik na tumango lamang siya sa akin. Lumapit na ako kay Ms. Pearl at pumunta na sa harapan niya.

"Ito nga pala ang direktor natin para sa shoot na 'to. Nagulat nga kaming lahat na gagawa siya ng commercial na ito." Napabaling ang tingin ko sa kaliwa ni Ms. Pearl. "Si Direk Clinton Abella. Kilala mo ba siya? Siya 'yong mga may gawa ng..."

Hindi ko alam kung mapapanatili ko ba ang ngiti ko nang makita siya muli. Sa harapan ng maraming tao, hindi na ako pwedeng umatras dahil nandito na 'to. Masasayang ang lahat, pero... para naman akong sinasakal sa naging biglaan kong sitwasyon ngayon.

"Arhaia?"

Ilang beses akong pumikit-pikit nang tawagin ako muli ni Ms. Pearl. "P-Po?"

"Na'ko, kinakabahan ata ang commercial model natin ngayon, Direk." Marahan na tumawa pa si Ms. Pearl pagkatapos no'n. "Sobrang big-time mo kasi, Direk!"

"I'm used to it. Besides, no need for introductions. Kilala ko naman na si Arhaia."

Pagkakarinig ko pa lang sa pagbigkas niya ng pangalan ko ay diring-diri na ako. Parang gusto kong umalis sa pangyayari na ito pero ako ang mas nakakaalam na wala nang atrasan ito.

"Oh, really? Kilala mo na si Direk Clinton, Arhaia?"

Lumipat ang tingin ko muli kay Ms. Pearl. "O-Opo. Naging guest of honor namin po siya sa isang subject namin last semester..."

"Don't tell me, nag-aaral ka sa RU?!" Gulat na sambit ni Ms. Pearl sa akin habang nahihiwagaan na nakatingin sa akin.

"Opo." Ngumiti ako ng peke pagkatapos.

Simula nang makita ko si Direk Clinton ay nagiging peke na ang emosyon na ipinapakita ko sa harapan nila. Sinulyapan ko si Eleov at mukhang nakilala niya muli si Direk Clinton—mukhang naging magaan ang ngiti niya pero ako—sobrang bigat ng pakiramdam ko.

"I can tell why you recruited her, Pearl. Bukod sa napakaganda ng bata ito ay may talento rin siya pagdating sa industriyang ito. Your instincts were never wrong—napatunayan mo na naman."

"I guess, I really have a pretty sharp pair of eyes, Direk!" Humagikhik si Ms. Pearl pagkatapos, malamang nagustuhan niya ang pagpuri sa kanya.

"It's nice to have you again, Arhaia..."

Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Hindi pwedeng masira ang lahat nang dahil sa kanya—dapat kong pagbutihan para magiging maganda ang kakalabasan nito. Hindi ko hahayaan na ang oportunidad na ito ay mawawala lang nang dahil hindi ako propesyunal sa paghawak ng sitwasyon na ito.

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon