Chapter 17

270 23 9
                                    

DAHIL PINILI KONG hindi na muna ako makilala ng buong pamilya ni Eleov ay pinigilan ko ang sarili ko na hindi mukhang sagad na sagad ang suporta ko sa kanya. Pa-sikreto akong tumitili para sa kanya sa tuwing tumatama ang mga bala ng baril na ipinuputok niya. Sa katunayan nga, madami-dami din siyang mga fans na babae at napatingin pa ako sa aking sarili dahil ang gaganda nila at mga mukhang mayayaman din dahil kung sabagay... pang-mayaman nga ang sports na ito.

Natapos ang tournament ni Eleov na siya ang may pinaka maatas na rank na nakuha kumpara sa mga kalaban niya. Iba pa rin ata talaga kapag nakikita ko siyang lumalaban sa outside university na mga tournmaments. Masaya din ako na nakikita siyang masaya habang hawak-hawak niya ang kanyang baril.

"Arhaia?"

"Hmm?" Nilingon ko si Paige na may kasamang ngiti sa aking labi dahilan ng resulta ni Eleov para sa araw na ito.

"The first prince instructed me to tell you this: he'll meet you after talking to his family."

"Okay, pero saan daw?" Tanong ko sa kanya at tinignan muli si Eleov.

"Backstage daw po. Bibigyan naman po tayo ng signal ni Mason kapag siya na lang ang naiwan sa changing rooms ng mga participant po na katulad niya."

Tumango-tango ako kay Paige. "Sige." Napangiti ako nang lingunin ko muli si Eleov na paalis na sa naging entablado nila.

Napansin ko din ang mga tao na nagsisi-alisan na pati na rin ang pamilya ni Eleov. Ngayon na nakita ko na sila ng malapitan, pinaka-minana talaga ni Eleov ang mukha ng tatay niya. Pati rin siguro ang kaangasan ng itsura ni Eleov pero napakalambot naman kapag pagdating sa akin. Munti akong natawa sa naisip ko, baka gano'n din ang ama ni Eleov pagdating sa asawa nito.

Kung ang pag-uusapan naman ay ang ina ni Eleov, ay nakuha niya ang kulay ng buhok nito na mas maitim na kulay ng brown. Halatang-halata rin ang Espanyol na lahi ni Eleov at nakuha niya siguro ito sa kanyang ina na kahit na sa tingin ko ay may edad na, napaka elegante pa ring kumilos.

"Arhaia, the first prince is already requesting for your presence." Napa-lingon ako muli kay Paige at natagpuan siyang naka-angat na ang kamay at ipinakita sa akin ang phone niya na may text ni Mason.

"Tara na," aya ko sa kanya at halos sabay kaming tumayo para lisanin na ang lugar kung saan kami naka-upo kanina.

Nauna na siyang naglakad sa akin at nakikita ko rin sa kanya kung paano siya nagiging mapagmasid sa buong paligid at palaging tinitignan kung may banta nga ba ng panganib. Pa-sikreto niyang ginagawa iyon para hindi rin siguro pagdudahan siya ng mga tao sa paligid habang naglalakad kami.

Nagiging masikip na ang dinadaanan namin at napansin ko kaagad ang nakasulat na senyas na: Changing Rooms (Men's). Biglang tumalon ang puso ko sa saya sa ideya na makikita muli si Eleov at ang kagustuhan kong ibigay na rin ang premyo niya.

"Nandito na po tayo." Itinuro ni Paige ang pinto kung saan kami tumigil sa paglalakad. "Dito lang po ako sa labas."

Hindi ko na sinagot si Paige at mabilis na binuksan ang pinto kung na saan si Eleov at pumasok na sa loob. "Eleov!" Tawag ko sa kanya at isinara ang pinto sa aking likod.

Humarap siya sa akin na may ngiti sa kanyang labi at tumakbo kaagad ako papalapit sa kanya at niyakap siya. Medyo nawalan pa nga siya ng balanse pero mabilis niyang nagawan iyon ng paraan.

"Baby..." Bulong niya at niyakap na rin ako pabalik.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Ang galing-galing mo kanina! Walang mintis 'yung mga tama mo!" Puri ko sa kanya.

"Of course, baby." Ngumisi siya. "Oras na rin siguro para makuha ko na rin ang premyo ko 'di ba? You promised, baby..." Pinisil niya ang tungki ng ilong ko.

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon