Chapter 26

200 13 3
                                    

KAHAPON LANG KAMI nagkita ni Eleov pero heto ako, miss na miss na siya! Mahigpit ang ibingay kong yakap sa kanya at tatlong beses siyang hinalik-halikan sa kanyang mga labi.

"Good morning ulit, Eleov Izeck ko..." Magiliw kong bati sa kanya.

Ang bango-bango niya pa!

"Mas lalo kang gumaganda kapag nakikita kitang masaya, baby." Hinalikan niya ako sa aking noo pagkatapos.

"Hindi ka kasi nakakasawa. Mas lalo kang gumagwapo sa paningin ko kapag nagkikita tayo," nakangiting sinabi ko sa kanya.

Hinawakan na niya ang kamay ko at inalalayan na akong makasakay dito sa sports car na dala-dala niya.

"It seems like we can't get enough of each other, huh?" Tanong niya nang makapasok na sa loob at umupo sa driver's seat.

"Halos araw-araw may nadi-diskubre tayo sa isa't-isa, kaya hindi talaga nakakasawa."

Lumabas ang munting tawa mula kay Eleov.

"Iba talaga ang mood mo kapag workshop day mo, baby. You're really glowing." Hinaplos niya ang pisngi ko at kasabay no'n ay ang pag-suot niya sa akin ng seatbelt ko. "I love you..."

Ngumiti ako sa kanya. "I love you, too..."

Sinigurado na muna niyang nakasuot na rin siya ng seatbelt at saka siya nagmaneho papunta sa workshop venue.

"May training ka ulit ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Mmhm. I'll be training with knives this time."

Tumango ako. Napatingin ako sa kanang kamay niya at nakita ang medyo malaking band-aid doon.

"Ano'ng nangyari d'yan?" Turo ko doon sa band-aid na nakita ko.

"Oh—well, I had my sparring with Earl yesterday and two other higher-ranking professionals than us. Mas magaling si Earl sa akin kaya napuruhan niya ako." Kumunot ang noo ko sa narinig. "And the other two had me on my waist."

Nanlaki ang mga mata ko at ibinaba ang mga tingin ko sa bandang bewang niya. Takot na takot pa akong haplusin ang tagiliran niya.

"It's part of my training my queen, don't worry."

"Pero, kasi..."

Parang hindi ko kaya na maisipan 'man lang na masasaktan at masasaktan talaga si Eleov dito sa larangan na pinili niya. Alam ko naman kung gaano kadelikado itong ginagawa niya pero parang hindi na tuloy ako mapakali.

"Sanay na akong masugatan. I have multiple scars around my body. It's not that visible because our mother would take us to our family derma to treat those scars."

"Kukurutin ko 'yang si Earl kapag nakita ko siya ulit. Sino siya para saktan ka?" Maktol ko at sumimangot. "Ang gwapo-gwapo mo tapos gaganyahin ka niya!"

Pinagtawanan lang ako ni Eleov at ipinatong ang kanyang kamay sa aking hita. "Baby, I'm fine. I told you, I'm used to this," sabi niya habang nakatingin pa rin sa daan.

Biglang sumilay ang senaryo sa utak ko kung saan nasugatan ni Earl si Eleov. Napapikit na lang ako at mabilis kong winaksi iyon.

"Palagi kang mag-iingat, ha?" Payo ko na lang sa kanya. "Sa tingin ko hindi naman talaga maiiwasan na masaktan ka..."

"I will, baby. I can't promise you that I won't be showing up without any bandages and bruises around my body though—but surely, you'll see me alive."

"Sinasabi mo bang pwede mong ikamatay ang misyon na ibinigay sa inyo?!" Taranta kong tanong sa kanya.

Napakamot siya sa likod ng kanyang leeg. "That fact... was really hard to accept—even for my mother but, all we ask is to trust us that we can accomplish the mission."

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon