Chapter 27

211 11 2
                                    

BUONG LAKAS KO siyang itinulak at nawala na rin ang lakas niya kanina habang idinidiin ako sa pader—kusa na niya akong pinalaya. Kinuha ko naman ang pagkakataon na 'yon para makatakas na sa kanya.

Sakto at tumatawag na si Eleov sa akin. Ramdam na ramdam ko pa ang panginginig ng katawan ko at pinuwersa ko ang sarili ko na kumalma.

"H-Hello?" Binilisan ko pa ang lakad ko at nakita ko na rin ang labasan papunta ng parking lot.

"Natapos mo na ba 'yung aasikasuhin mo, baby?"

"Mm-hmm..." Binagalan ko ng kaunti ang lakad ko at huminga ng malalim. "Nasa parking lot na ako. Sorry kung natagalan ako. May nakasabay din kasi ako kanina sa restroom tapos nag-kuwentuhan kami sandali..."

"Oh, no, it's okay. I was just worried because you were taking a little too long."

Isa pang buntong hininga hanggang sa inihanda ko na ang sarili ko na magpakita muli kay Eleov.

Sakto naman at humarap na siya sa akin. Halos sabay pa naming ibinaba ang tawag. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Sorry, ang tagal ko..."

"It's fine, baby." Hinalikan niya pa ako sa tuktok ng aking ulo. "How's the workshop today?"

"May final project nang na-announce kanina. Tapos Drama ang naka-assign sa grupo namin."

"Oh, that's nice then!" Hinawakan niya ang pareho kong kamay. "Can I watch the final performance?"

"Uhm, sige."

"I know you'll do great, Arhaia Vienth." Ngumiti siya sa akin pagkatapos. "Meron bang direktor na naka-assign sa group niyo o kayo-kayo lang din?"

Halos mawala ang ngiti ko. "May inimbitahan sila. Si... Direk Clinton ang napunta sa amin..." Sa kasamaang palad.

"The one who approached you at school, right? That famous director?"

Tumango ako. "Oo. Siya nga."

"It's good news then, baby. Your group is in good hands!"

Pinilit ko na lamang na ngumiti. Naninikip na rin ang dibdib ko. "Kagrupo ko rin pala si Maverick," imporma ko sa kanya.

Nag-iba kaagad ang ekspresyon sa kanyang mukha pero ito lang ang paraan para malipat ang usapan namin sa iba.

"I really have to get used to this..." Umiling-iling siya at saka huminga ng malalim.

"Babasahin ko pa lang 'yung script namin. Hindi ko pa alam kung may magiging kissing scene doon."

"Paano kung meron?"

"Eh, 'di meron..." Pabiro akong ngumiti sa kanya.

Ngumiwi naman siya. "Wala na akong pwedeng gawin?"

"Wala."

"Kahit gamitin ko kapangyarihan ng pamilya ko?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Para lang doon?!"

"Yup."

Tuluyan nang nanlaki ang mga mata ko! "Eleov?!"

"I mean, we can almost make things possible just by our name, my queen." Sinundot niya ang tungki ng ilong ko. "When we get married, you'll be able to experience this power, baby."

"K-Kasal..." Sa sobrang hindi ko inaasahan 'yon, 'yan lamang ang nabanggit ko na salita.

Tumango siya sa akin. "When we're both successful in our careers, I want us to get married and start a family, baby. What do you think? We will be having our own kingdom, my queen."

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon