Chapter 30

149 6 2
                                    

Note: UNEDITED; ERRORS AHEAD

---

"She's still sleeping, that's why I need all of you to tone your voices down."

"Tahimik na kasi, sumunod na lang kayo kay Montez."

"Oo nga, baka mamaya palayasin pa tayo dito."

"Punyeta kasing mga bibig 'yan, ang lalakas. Nasa training ba kayo?"

"Hindi talaga kayo makikinig? Sabi nga ni Eleov na tumahimik na kayo."

"Nakinig lang, hindi sinunod."

"Ay boplaks mo naman p're!"

Bago pa ako dumilat ng mga mata ko ay 'yon kaagad ang mga narinig kong mga boses. Naginhiwaan naman ako ng loob nang marinig ko ang mga boses nila. Parang ang tagal ko na nga silang hindi nakita kasi parang na-miss ko sila.

"H-Hello?" Umupo ako sa kama at bahagya silang kinawayan.

Doon sila tumahimik at sabay-sabay silang napatingin sa akin.

"Did they wake you up, baby?" Tanong kaagad si Eleov sa akin.

"Arhaia!" Sabay-sabay nilang tawag sa akin maliban kay Eleov.

Tinignan ko si Eleov at alanganin na ngumiti. "Nagising ako sa mga boses nila pero okay lang naman."

Nang marinig niya ang sagot ko sa tanong niya ay binigyan niya ng masama at matalas na tingin ang mga kaibigan niya. Tinawanan lang siya ng apat, halatang hindi hahayaan ang mga sarili na humingi ng pasensya.

Dumapo ang tingin ko kay Jovanne na punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Tahimik kong inabot ang pareho kong kamay at doon na siya tumayo para yakapin ako.

"Nakakaloka ka!" May kahinaan pa nag pag-hampas niya sa akin habang naka-nguso ang kanyang bibig. "Halos hindi ako mapakali no'ng tumawag si Eleov tapos nasa ospital daw kayo! Akala ko kung anon ang nagyari sa'yo!"

"Akala ni Jovanne buntis ka daw, Arhaia!" Biglang singit ni Landon at natawa 'yong tatlo sa narinig.

"Oy, gago! Hindi kaya!" Mabilis na tanggi ni Jovanne.

Napalunok ako at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"You're all assuming the wrong one!" Dagdag din ni Eleov at kitang-kita ko kung paano namula ang leeg niya habang nakakunot ang noo.

"Itong mga 'to parang hindi nakinig kanina no'ng tinanong natin si Montez." Sumandal sa pader si Jace at nagkibit-balikat.

"Akala nga namin magiging tito na kami. Sayang," sabat pa ni Kenzo.

"Gago 'to! Sabi ngang napagod ng sobra si Arhaia!" Turo ni Matteo kay Kenzo.

Doon na ako humagikhik! Parang nawawala na rin ang bigat sa katawan ko kapag naririnig ko ang mga hirit nila.

"Pero kamusta na ba pakiramdam mo, Rhai? Ikaw naman kasi, 'wag mong masyadong pinapagod sarili mo," sabi sa akin ni Jovanne.

"Sorry, pinag-alala pa kita. Pero baka bukas naman kaya ko nang pumasok."

"Magpahinga ka muna! Hangga't walang sinabi 'yong doktor na okay ka na, hindi ka pwedeng gumawa ng school works, ha? Alagaan mo sarili mo."

Tumango-tango ako sa kaibigan ko at niyakap siya sa kanyang bewang. Naawa pa ako sa kanya kasi paniguradong mag-isa lang siya buong araw sa RU.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanilang lahat. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at napagtantong gabi na. "Teka, ano'ng oras pa ba kayo na nandito?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon