Chapter 3

970 41 4
                                    

Pumalakpak ako nang maideklara na naman si Eleov Montez na panalo sa isang kompetisyon na naganap dito sa RU. Ang laki-laki ng trophy na natanggap niya at mukhang tunay na ginto naman ang kanyang medalya.

Kahit wala siyang kinalaman sa akin ay proud na proud ako sa kanya. Walang kompetisyon ata na naganap dito sa unibersidad na hindi ko inabangan sa tuwing makikita ko ang pangalan niya na isa sa mga lalaban. Pero sa ngayon, kung may laban 'man siya sa ibang lugar ay nalulungkot ako dahil hindi ko siya masusubaybayan. Kahit na gaano ko iyon kagusto ay hindi ko naman magawa.

Hindi ko rin kasi pwedeng gamitin ang allowance na binibigay ng RU sa akin para lang igasta sa gano'ng bagay. Para iyon sa pag-aaral ko at wala ng iba.

Tumalikod na ako nang mag-simula ang mga estudyante at iba pang tao si Eleov. Sapat na akong makita siya kahit sa limitadong oras lamang. Dumiretso kaagad ako sa restroom para iayos ang sarili ko. Naglagay na muna ako ng powder at liptint para naman mukha akong presentable mamaya sa panggabi kong klase.

Pagkalabas ko nga ng restroom ay halos mapatalon ako nang makita si Eleov Montez! Mabilis akong napalunok at kinalma ang aking sarili. Pero paano? 'Yung crush ko, nasa harapan ko mismo!

Hahakbang na sana ako palayo pero narinig ko siyang nag-salita. "Uh, hey..."

Mabilis ko siyang nilingon at pinigilan ang sarili ko na 'wag manlaki ang mga mata. Ganito pala siya kagwapo kapag malapitan! "A-Ako ba?" Nag-aalangan na itinuro ko ang sarili ko.

Ang mas ikinagulat ko ay tumango siya sa akin! "I believe this is yours?" May kinuha siya sa kanyang bulsa at nakita kong hawak-hawak niya pala ang panyo ko. "Nakita ko na nalaglag mo kanina."

"P-Paano..."

Nagkibit-balikat siya. "Sa field kanina. I saw you leaving the premises earlier and I saw you dropped this handkerchief of yours."

Inilahad niya ang kamay niya na may panyo ko at kinuha ko naman iyon kaagad. "S-Salamat... uhm..." Kinakabahan talaga ako! Hindi ko pa alam ang pwede ko pang sabihin sa kanya pero sapat naman na nag-pasalamat sa kanya 'di ba?

"Eleov Montez, BS Criminology." Ngayon naman ay nagpakilala siya sa akin pero sa totoo lang ay hindi niya iyon kailangan.

Pero ako naman itong dapat hindi nagpahalata na crush ko siya ay makikisakay na lang ako sa agos nito.

"A-Arhaia Pascua," sabi ko naman sa kanya at nakipagkamayan.

"That's a beautiful name. Sa totoo lang, nakikita kita palagi sa mga laban ko." Doon na tuluyang nanlaki ang mga mata ko!

Alam naman pala niya!

Pero, ang alam ko, ginagawa ko ang lahat para hindi niya mahalata na palagi akong nakasuporta sa kanya.

"A-Ano kasi..."

"Salamat sa suporta. I've never seen someone as consistent like you—well, except for my family of course."

"W-Walang anuman 'yun. Ano kasi, idol kita." Oo 'yun na lang, saka ko na lang aaminin sa kanya na crush ko siya kapag niligawan na niya ako. 'De biro lang.

Malalim siyang natawa sa narinig mula sa akin. "Anyway, what's your course program?"

"BA in Theater Arts."

Nag-angat ako sa kanya ng tingin at nakita ko siyang maangas na nakangiti sa akin. "I guess... I'll see you around, Arhaia. Gusto ko nga palang sabihin na ang ganda mo." Umalis na siya sa harapan ko pero sinundan ko siya ng tingin. "I'll see you in my next match?"

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon