Chapter 10

550 30 7
                                    

"Kinakabahan ako," bulong ko kay Jovanne.

Nilingon niya ako at hinawakan ang kamay ko. Kinipkip ko iyon at tumango-tango siya, siguro nararamdaman din niya ang kaba ko para sa araw na ito. Paggising ko pa nga lang kanina sa umaga ay kinakabahan na ako.

Dahil ito sa subject namin na Theatrical Performance: Acting I. May pupunta daw na sikat na sikat na direktor para sa workshop na magaganap. Sa tingin nga rin namin ay parang audition na rin ito para kahit papaano ay rumaket kami bilang artista kahit maliliit lamang na roles.

Hindi nila alam na kahit maliliit lamang na roles ito ay baka pwede kaming ma-diskubre at makuha bilang bida para sa isang teleserye, movie, musical at iba pa.

Pumasok ang propesor namin at malawak ang ngiti niya nang tignan kami.

"Good morning, everyone. Ilang saglit lang ay tatawagin ko na ang special mentor natin para sa araw na ito. Sana kayong lahat ay handa para dito dahil isa itong pambihirang pagkakataon para makasama natin siya ngayong araw na ito."

Lumunok ako at tumingin sa pinto na medyo nakaawang. Dalawang linggo na ang nakalipas nang sabihin ito sa amin ng propesor kaya kaliwa't-kanan din ang pag-eensayo ko at nanood pa ako sa computer shop na malapit sa amin ng mga iba't-ibang matitinding eksena ng mga teleserye o pelikula 'man ito.

Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko para maiwasan ang pagkakamali mamaya.

"Hindi ko naman kayo paghihintayin pa. Please welcome, Director Clinton Abella!"

Nanlaki ang mga mata ko! Sunod kaming nagkatinginan ni Jovanne at alam na alam namin kung sino ang tinutukoy ng propesor namin! Kilalang-kilala siya sa larangan ng pelikula at teleserye, ilang beses na nga namin iniyakan ang mga pelikula na ginawa niya at mas lalo na ang mga teleserye.

Pumasok siya ng theater room na ginagamit namin para sa subject na ito. Malakas namin siyang pinalakpakan ng mga kaklase ko. Hindi ko aakalain na siya ang magiging espesyal na mentor namin para sa araw na ito!

Umupo ako ng maayos at inayos ang sarili ko. Sa edad niyang fifty-eight ay malakas-lakas pa rin ang tindig niya kahit na halata na ang katandaan.

"Maraming salamat sa pag-imbita sa akin dito—lalo na sa departamento ng sining dito sa RU."

Pumalpak kami muli at nag-alay ng upuan ang propesor namin para sa kanya at saka siya naupo doon.

"Ako si Clinton Abella at nasa industriya na ako mahigit thirty years na. I also studied here with the same program as what you are all taking kaya malaki ang utang na loob ko sa RU lalo na sa mga tagumpay na natatamasa ko pagdating sa napili kong sining."

Mataman lang kami nakikinig habang pinapakilala niya ang kanyang sarili. Hindi ko pa rin mapigilan ang mamangha sa mga naririnig mula sa kanya.

"Pero para sa araw na ito, gusto kong makita kung ano na nga ba ang pwedeng maipagmalaki sa larangan ng aktingan ng mga estudyante ng RU. I know that instead of taking the entrance exams, nag-audition kayo para makuha niyo ang kurso na ito—except for the scholars who took both."

Tumango ako dahil isa ako sa mga tinutukoy niya. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi mawala ang scholarship ko hanggang fourth year namin.

"Okay, shall we start?" Huminga siya ng malalim at ibinigay ng propesor namin ang class list sa kanya. Kinuha niya ito at tintignan kung sino nga ba ang una niyang tatawagin.

Siguro, kahit pangalawa o pangatlo lang ako ay ayos na sa akin.

"Bautista, Jovanne?"

Narinig kong huminga ng malalim sa tabi ko ang kaibigan ko nang tawagin ang kanyang pangalan. "Kaya mo 'yan," bulong ko sa kanya.

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon