Chapter 18

267 20 10
                                    

Hi, interact with me on my social media accounts listed below. 🤗

Facebook: Zamerra WP

Facebook Group: Zamerra's Stories

Facebook Page: Zamerra

Twitter & Instagram: zamerradelvalle

---

PATULOY KO PA ring inaamoy 'yung pumpon ng bulaklak na ibinigay kanina sa akin ni Eleov at paulit-ulit ko ring kinakapa ang kwintas na ibinigay niya sa akin.

"You must really love the flowers, baby." Nilingon ko siya sandali at inamoy muli ang mga bulaklak.

"Alam mo, pang-ilan na nating monthsary ito pero ito palagi ang ibinibigay mo sa akin na uri ng bulaklak. Tutal wala naman akong paboritong bulaklak, ito na lang," sambit ko na may ngiti sa aking mga labi.

"They're called Lilacs, baby."

Maingat kong niyakap itong pumpon ng mga Lilacs at inamoy-amoy sila muli. Hinayaan ko muna itong umupo sa hita ko at nilingon si Eleov na busy sa pagda-drive sa akin pauwi. "Eleov..."

"Yes, baby?"

Kinapa ko iyong kwintas na ibingay niya sa akin kanina. "Sorry... sorry kasi wala pa akong maibigay sa'yo na magarbo. 'De bale sa susunod naman mag-iipon na ako—"

"Baby, no need. I don't like it when you're stressing out about money. Masaya na ako na nasa tabi kita, nahahalikan... nayayakap. That's all I ever need, Arhaia Vienth—your presence is enough to make me smile and go crazy."

Bigla na lamang lumakas ang tibok ng puso ko mula sa mga narinig kay Eleov. Hindi ko alam ang nagawa kong tama sa buhay ko at nakilala ko ang isang lalaking katulad niya, at ang tanging lalaking ginagawa akong ganito para sa pag-ibig. Ganito nga ata talaga kapag mahal mo ang isang tao, maski ang mga simpleng bagay ay may napakalaking epekto sa'yo.

Hindi ko maiwasan na hawakan siya nang mahigpit sa kanyang kamay. "Mahal na mahal kita, Eleov."

Nagpapa-salamat ako sa mga ilaw na nasa paligid ng dinadaanan namin at nakikita ko kung paano mamula ang isang Eleov Montez. Napaka-angas ng mukha niya kapag naka-hawak siya ng baril pero ang sarap naman niyang pisil-pisilin kapag namumula siya ng ganito. "Baby, I'm driving. I really can't kiss you right now."

Kunwaring nag-tampo ako at ngumuso. "Wala 'yung 'I love you' ko?"

Marahas na suminghap si Eleov at nilingon ako sandali. "Baby—shit, not that face..."

Bigla na lamang akong napatili at napahawak sa seatbelt ko nang biglang tumigil ang sasakyan sa gilid. "El—" Nanlaki ang mga ata ko nang hatakin niya ako mula sa aking leeg at doon na lang niya ako hinalikan ng basta-basta!

Napahawak ako sa pareho niyang braso nang maramdaman kong gumalaw ang labi niya at ang traydor kong sarili ay rumesponde din sa halik na ibinibigay ni Eleov. Hindi ko alam kung ilang segundo ba o minuto ang itinigal no'n... basta... pareho kaming nalunod sa halik ng isa't-isa.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay doon pa rin ako nakatingin at hindi ko naiwasan ang sarili na dilaan ang sarili kong labi at napalunok pagkatapos. "You know I'll always give in when it comes to you, baby. I love you. There, I said it—'wag ka nang mag-tampo."

Binigyan ko siya ng munting halik sa kanyang pisngi at ngumiti. "Uwi..." Huminga ako ng malalim, para na akong naubusan ng hininga! "Iuwi mo na ako..."

Umupo na ng maayos si Eleov sa driver's seat at nagsimula na muling mag-maneho. Bigla na lamang may nag-ring mula sa screen dito sa gitna ng kanyang dashboard at nakita ko ang pangalan ni Mason na nandoon. "Yes, Mason?" Sagot ni Eleov sa kanya.

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon