Chapter 13

412 28 11
                                    

PAGKADATING KO SA bahay, inayos ko na dapat ang mga dapat aasikasuhin para bukas.

Para ligo at bihis na lang ang gagawin ko dahil maaga ang pinag-usapang oras kung kailan kami magkikita-kita. Pati na rin ang hapunan namin ay niluto ko na hanggang bukas ng umaga at tanghali para kay Mama.

Nag-linis na din ako ng bahay dahil mukhang nag-dala na naman si Mama ng bisita dito kanina.

Naglalatag na ako ng kutsara't tinidor para sa hapunan namin ni Mama nang narinig kong mag-bukas ko ang pinto.

"Sakto pala, may pagkain na. 'Lika kayo."

Napalingon ako nang marinig kong mag-salita si Mama. Hindi lang siya ang pumasok sa bahay, kung hindi may kasama siyang dalawang lalaki at isa pang babae.

"Mabait naman pala anak mo, Davina! Pinagsisilbihan ka. Samantalang 'yung akin, ayun nakahilata buong araw! Walang kwenta!" Narinig kong sinabi nung babae.

Tumalikod ako sa kanila at kumuha ng plato, kutsara't tinidor din para sa kanila. Inilapag ko 'yun kung na saan sila naka-upo, samantalang ako sa sahig na lang ako kakain... para walang masabi si Mama at sabihin na nangingielam ako sa kanilang magkakaibigan.

Sa katunayan nga, hindi ko sila kilala. Mga panibagong tao na naman itong mga 'to dahil siguro nakilala ito ni Mama sa pag-susugal niya.

"Balita ko, sa magandang eskwelahan daw nag-aaral itong anak mo. Ano nga pala pangalan niya?" Tanong ng isa sa mga lalaking kasama niya.

"Ay, oo. Sa RU, alam niyo 'yon? Si Arhaia 'yan."

"Jackpot pala! Roosevelt University? Putangina, matatalino at mayayaman ang mga nag-aaral doon!" Sabi nung pangalawang lalaki na kasama ni Mama.

"Paano ba siya nakapasok doon? Balita ko, mahirap daw makapasok doon."

"Scholar 'yan. Mabuti nga at gano'n para hindi na ako makunsumi sa matrikula. Baka iilang panalo ko pa lang, wala pa ako sa kalahati."

"Gago, totoo 'yan!"

Huminga ako ng malalim at tumayo. Nauuhaw ako. Naglakad ako papunta sa mesa.

"K-Kukuha lang po ako ng tubig," paalam ko at nakahinga ako ng maluwag nang tahimik na tumango si Mama sa akin.

Kinuha ko na ang pitsel ng tubig at isang hindi nagamit na baso at nag-lagay ng tubig.

Nabitawan ko ang pitsel ng tubig nang may maramdaman akong kamay sa baba ng pwet ko!

"Ano ba 'yan, Arhaia!"

Inignora ko ang sigaw ni Mama at lumingon sa kaliwa ko. Sigurado ako, siya iyong namboso sa akin!

"Arhaia! 'Yung tubig! Putangina mong bata ka!"

Naramdaman ko na lang na sinasabunutan na ako ni Mama! Napadaing ako sa sakit at sinubukan na hanapin ang kamay niyang sumasabunot sa akin.

"M-Mama!"

"Ipapahiya mo pa ako?! Ang bastos mong bata ka, sa harapan pa talaga ng mga kaibigan ko!" Singhal niya sa akin at hinila ako palayo sa lamesa.

"M-Mama, meron p-po kasing—"

"Mag-dadahilan ka pa?!"

Pwersahan niya akong tinulak pababa at napangiwi ako nang bumagsak ako sa sahig at nauna ang siko ko! Mabilis akong napahawak doon pero tinapat ko ang tingin sa lalaking kasama ni Mama na pumasok dito sa bahay.

"Umalis ka nga muna sa harapan ko, baka kung ano ang magawa ko sa'yo! Punyeta ka!" Sigaw ni Mama.

Napaatras ako at kahit na hawak-hawak ko ang siko ko na tumayo at lumabas ng bahay.

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon