Chapter 20

287 19 11
                                    

ILANG LINGGO NA rin ang nakalipas simula ng engkwentro na 'yon kay Clinton Abella at kay Mama. Pero kada papasok na lamang ako dito sa parttime na trabaho ko ay palagi niyang isinisisi sa akin na kung sana tinanggap ko na lang ang alok ni Direk Clinton ay hindi na ako magpapakahirap na mag-trabaho ng ganito.

Sino'ng niloloko niya?

Mas marangal pa itong trabaho na ito kaysa sa alok nilang dapat kong gawin!

"Arhaia? Pakilinis 'yong table four," rinig kong utos ni Ma'am Meeka, ang may-ari ng milktea shop na ito.

"Opo." Kinuha ko na ang pamunas at nilisan nang maigi ang lamesa. Pagkatapos ay binanlawan ang pamunas para magamit ko muli.

Mabuti nga sa pamamagitan ng parttime job ko na ito ay may mga oras na wala ako sa puder ni Mama. Imbes na parehas kaming naghihintay sa wala, at umaasa na lamang sa natitira sa scholarship allowance ko, walang mangyayari sa amin. Makakawala naman ako sa puder ng Mama ko pero gusto ko sa paraan na marangal at paghihirapan ko.

Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang bell, hudyat na may bagong pasok na customer. "Welcome to—" Bakit... siya nandito?

"Arhaia, pakiasikaso 'yong bagong dating na customer," rinig kong utos ni Ms. Meeka.

Napalunok ako ng mariin. Ang alam ko, hindi alam ni Mama kung saan ako nagtatrabaho!

Naghanap siya ng bakanteng mesa't upuan at nang makahanap siya ay doon siya dumiretso para umupo. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang lapitan siya, at kinuha ang maliit na notebook at ballpen para doon isulat ang order.

"M-May I take your order?"

Isang ngisi ang ibinigay niya sa akin. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa bago mag-salita. "Kung okay lang sana... ikaw na lang."

Napaatras ako sa narinig at hinawakan nang mariin ang ballpen at maliit na notebook na hawak-hawak ko. "S-Sir, 'yung order po ang kailangan ko—"

"Hindi mo ata ako narinig? Ikaw nga ang gusto ko."

Sinulyapan ko ang paligid at mukhang naririnig nila ang mga pinagsasabi nitong matandang 'to. "Sir, m-madami na pong nakatingin—"

"Oh? Hindi mo pala sinabi kaagad na gusto mo ng tayong dalawa lang pala—"

"Sir!" Hindi ko mapigilang bulyaw sa kanya.

Isang tamad lang na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "How rude. Na saan ang manager niyo dito? Naninigaw pala ang mga trabahador dito, e!"

"Excuse me! Ako po ang may-ari ng shop na ito," sabi ni Ms. Meeka nang makalapit siya sa amin. "Ano po ang concern nila?"

"Bastos itong staff niyo! Sinigawan ba naman ako?!"

"M-Ms. Meeka, hindi po totoo 'yan—"

"Arhaia..." Pinigilan ako ni Ms. Meeka nang nakataas ang isa niyang palad sa harapan ko.

"Balita ko pa naman masasarap ang milktea niyo dito, pero sayang naman kung ganyan kabastos ang staff na hina-hire niyo! I was going to promote this to my fellow workmates pero 'wag na lang! Masasayang pa pera nila."

"Ikaw ang bastos!" Hindi ko napigilan ang sarili kong sumabog. "Hinihingi ko naman ng maayos ang order mo pero ikaw itong—"

"Arhaia, tama na. 'Wag ka nang sumagot. Customer siya," pagpigil muli sa akin ni Ms. Meeka at nilingon si Clinton. "I'm sorry for the inconvenience, Sir. Pagsasabihan ko na lang po siya."

"Aba dapat lang! You must screen your potential employees from the start. Para naman hindi na ulit magkaroon ng ganito. Malaki rin ang tyansa na mangyayari ito ulit, why not fire her already?"

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon