Chapter 19

241 19 11
                                    

KINILABUTAN AKO NANG mag-angat siya ng tingin at isang ngisi ang ibinigay sa akin. Halos mapaatras ako sa aking kinatatayuan, ramdam ko ang higpit ng hawak sa akin ni Mama sa aking braso. "M-Mama..."

"Naging bisita daw si Direk Clinton sa isa mga subjects mo, Arhaia?"

Binigyan ko ng sulyap si Direk Clinton at tumingin kay Mama. "O-Opo..."

"Naging interesado na daw siya sa'yo simula nung araw na iyon. 'Wag mo 'kong ipapahiya."

Napasinghap ako sa narinig! "P-Pero, Mama—"

Hinila na niya ako para makaupo sa isa sa mga monoblock na katabi ni Mama. Kinapa-kapa ko ang bracelet na nasa aking palapulsuhan para masigurado lang ako na may tulong na paparating at nasa kabilang bahay lang si Paige. Dapat hindi ko ito makalimutan.

"Arhaia Pascua..." Hindi ko alam pero may pagkadisgusto sa akin ang dating na 'yon nang banggitin niya ang pangalan ko. Hindi ito ang nakilala kong batikang direktor na naging bisita sa unibersidad namin.

Hindi ko aakalain na ang isa sa mga hinahangaan kong mga direktor ay may pagkatao pala na ganito.

"Kanina pa kami nag-uusap ng Mama mo dito. Tutal payag naman na siya, I will go straight to the point already."

"A-Ano po 'yon?"

"You wanted to score a hit on the showbiz industry, right? Hindi ko na papatagalin ang panahon na 'yon para sa'yo... basta sa mga kondisyon na dapat magawa mo."

Napalunok ako. Bakit niya alam ang kagustuhan ko na maging artista sa madaling panahon? Plano ko rin sanang sumabak sa mga audition ngayong walang pasok at pati na rin ang mawala sa presensya ni Mama kahit pansamantala.

"Kayang-kaya k-ko po bang gawin?"

Tumango-tango siya sabay hithit sa sigarilyo na kanina niya pa hinahawakan. "Oo naman. Napakadali." Dumukwang siya at dahan-dahang kinuskos ang dalawa niyang palad sa harapan ko. "Become my woman, Arhaia."

"P-Po?!" Para akong masusuka nang marinig mula sa kanya iyon! Siningkitan ko siya ng mga mata. "Hindi po ako gano'ng klaseng babae!"

"Arhaia, ano ka ba?!" Hinigit ako ni Mama sa aking braso at pinilit na hinarap ako sa kanya. "Magandang pagkakataon na ito, gaga!"

"Looks like she doesn't like the offer, Davina," narinig naming sambit ni Direk Clinton.

Tarantang napalingon si Mama sa matanda. "Ako ang bahala sa kanya. Mapapapayag ko ito. Baka kasi hindi mo pa nasasabi lahat ng pwedeng mangyari kapag ginawa niya iyon?"

"Oo nga pala." Sumandal siya sa upuan. "Madaming endorsements at projects kaagad kung papayag ka lang sa gusto ko. I promised the network that I will be able to bring a new talent that can shock the country—or maybe greater than that. Ikaw kaagad ang naisip ko para dito, Arhaia."

Parang humihilam ang sikmura ko habang pinapakinggan ang mga pinagsasabi niya. "Pasensya na po pero kahit kailan ay hindi ako magiging ganyan na babae. Paghihirapan ko po ang isang magaling na artista na wala pong tulong mula sa inyo."

"Kahit na paulit-ulit kang tanggihan kasi ako ang casting director?"

"Opo," determinado kong sagot sa kanya.

Babae ako, may dignidad ako bilang babae at hindi ako magpapakababa para lang makamit ang isang bagay na wala 'man lang akong nailabas na dugo at pawis.

"Tangina mo talagang babae ka!" Napaigik ako nang maramdaman na dinuro ako ni Mama mula sa gilid ng aking noo. "Nand'yan na ang pagkakataon, bakit ba hindi mo na lang kunin?!"

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon