Chapter 9

494 30 8
                                    

Eleov:

Good morning, baby. Nag-breakfast ka na?

Mabilis akong napangiti sa nabasang mensahe mula kay Eleov. Umagang-umaga pero ito kaagad ang bumungad sa akin! Umupo ako sa banig na hinihigaan ko at mabilis na nag-isip ng isasagot sa kanya.

Ako:

Kakabangon ko lang. Ikaw ba?

Tumayo ako at ibinulsa ang cellphone ko at nag-ligpit ng aking hinihigaan. Nang matapos ko itong inilagay sa cabinet ay narinig kong tumunog ang aking cellphone. Mabilis kong isinarado ang cabinet at kinuha muli ang cellphone ko para mabasa ang text niya sa akin.

Eleov:

I'm still lazy to get up from the bed. Eat your breakfast now, baby.

Ako:

Kailangan ko pang mag-luto, eh.

Eleov:

What would you be cooking?

Ako:

Hindi ko pa alam. Titignan ko pa.

Eleov:

Hmm... gusto ko tuloy tikman ang luto mo, baby.

Napahagikhik ako sa nabasang text mula sa kanya! Pumunta ako sa kusina at tinignan ang pagkain na meron kami ni Mama para sa araw na ito. Mukhang makaka-luto ako ng Adobo.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-simulang mag-tipa ng text sa kanya.

Ako:

Adobo ang lulutuin ko, Eleov.

Ibinaling ko ang ulo ko sa kaliwa habang nag-hihintay sa kanyang reply.

Eleov:

Mag-baon ka, baby. Please?

Nakagat ko ang ibabang labi ko at tinignan kung sapat ba ang rekados para sa tatlong tao. Napangiti ako nang makumpirmang sapat nga.

Ako:

Sige. :)

Eleov:

Alright. I didn't know my girlfriend is already a wife material.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa! Mariin akong napalunok at binasa ulit ang text niya sa akin. Para akong nanghihina sa kinatatayuan ko at ramdam na ramdam ko ang init ng pisngi ko sa ganitong kaaga na oras!

Eleov:

Ang swerte-swerte ko ikaw ang girlfriend ko, Arhaia Vienth.

Mas lalo akong natunaw sa muli niyang text sa akin. Napa-paypay tuloy ako sa aking sarili gamit ang isang libreng kamay habang paulit-ulit na binabasa ang text niya sa akin. Kilig na kilig na talaga ako!

Inalis ko ang bikig sa aking lalamunan at nag-tipa ng reply sa kanya.

Ako:

Ako rin, Eleov. I love you.

Eleov:

I love you too, baby. I am distracting you from cooking, right? I guess you should start cooking now. Excited na akong tikman mamaya.

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon