Chapter 6

696 33 22
                                    

Ilang beses ko na bang naririnig sa utak ko ang mga sinabi kanina ni Eleov? Sobrang dami na ata. Reyna niya... ako?

Tinignan ko siya habang prenteng minamaneho itong gwapo niyang sasakyan. Mahal ko si Eleov at gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat na maging reyna niya sa hinaharap.

"Baby, ang tahimik mo..." Hindi ko alam kung reklamo ba 'yun galing sa kanya o sadyang komento lamang. "Did I say something wrong?"

"W-Wala naman," mabilis kong tanggi.

"Is something bothering you? You can tell me. Papakinggan ko kahit ano pa 'yan."

Umiling ako. "Wala..." Pinagmasdan ko ang daan na tinatahak namin. "Mag-drive ka na lang d'yan."

"Alright."

Sobrang lalim na itong nararamdaman ko kay Eleov Izeck. Parang akong nalulunod at unti-unti akong nilalamon nito. Kung tutuusin, hindi ako ang dapat ng klase ng babae na nililigawan niya pero hindi ko rin alam kung ano nga ba ang nakita niya sa akin at ako ang niligawan niya.

"Eleov... may tanong ako."

"Ask away, baby."

"Bakit ako?"

"Why you?"

"Naging Ingles lang 'yang tanong mo!" Hirit ko sa kanya.

Natawa siya kasi nararamdaman na naman ata niyang nainis ako, kaso bigla na lamang siyang natahimik.

"Because you are Arhaia Vienth Schulz Pascua that caught my attention since the day you dropped your handkerchief in the open field on one of my tournaments in RU. Kinuha ko ang tyansa na 'yon para makilala ka. Ang ganda-ganda mo no'ng nahihiya kang makipag-usap sa akin, Arhaia. You also have the softest voice I've ever heard, baby. Natapos ang araw ko na iyon na iniisip lang kita at nag-iisip ng paraan kung paano ba kita makikilala ng mas mabuti."

Nakagat ko ang ibabang parte ng aking labi nang mapakinggan ko ang rason niya. Ang saya-saya ng puso ko ngayon!

"Pero, ordinaryo lang ako na babae..."

"'Wag mong mamaliitin ang sarili mo, Arhaia. It's just... there's something in you that left me speechless, baby. To me, you are an extraordinary woman."

Tumigil ang sasakyan at saktong nasa tapat kami ng stoplight. Kinuha ko ang pagkakataon na ito para tanggalin ang seatbelt ko at niyakap siya sa kanyang leeg upang mahalikan siya sa kanyang pisngi. "Salamat..."

Nagkatitigan kaming dalawa ni Eleov at parang nakita ko ang sarili ko sa kanyang mga mata na sobrang saya ko doon.

Nagulat kami pareho nang may marinig kaming malakas na busina mula sa sasakyna na nasa likod namin. Napalunok ako at nahihiyang pumunta sa upuan ko muli. Natataranta akong isuot ang seatbelt ko at naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin.

"B-Bakit?"

Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng lahat ng init sa pisngi ko! Nahihiya ako pero naging kuntento naman ako sa ginawa ko.

"S-Siguro pala... nag-isip muna ako bago ko gawin 'yon?"

Narinig kong tumawa siya. Hindi pa rin talaga ako makalingon sa kanya! "So, that's how your emotions can get the best of you, huh? Nanghahalik ka."

"Hiyang-hiya na nga ako, eh!"

"No need to be ashamed of baby. Kung hindi lang ako nag-mamaneho baka halik naman sa labi ang maibigay ko sa'yo. Pinipigilan ko lang ang sarili ko, alam mo ba kung gaano kahirap 'yon, Arhaia Vienth?"

Mariin akong napalunok. Siguro... wala namang kaso sa akin na halikan niya ako... pero, baka ang nasa isip niya ay dapat may relasyon na kami para magawa na niya ang bagay na 'yon.

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon