Chapter 7

565 30 10
                                    

"Grab that weapon off the table and fire at the targets behind you."

Tumalikod si Eleov at biglang nag-bago ang lugar na kinatatayuan nila. Naging isang open field ito—gawa para sa mga ganitong klaseng pag-sasanay pag-dating sa mga baril.

Kinuha ni Eleov ang baril at ekspertong nilagyan ito ng mga bala. Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang ingay ng kanyang baril nang may biglang nag-lalabasan ng mga targets na dapat niyang asintahin.

"See what I mean? He sprayed bullets all over the damn place. You've got to pick your targets by aiming deliberately down your sights from a stable stance. Agent Montez, show the recruits how the MSC-Alpha One takes down a target. Crouch first, and then aim down your sight at the targets."

Sinundan ni Eleov ang pinapagawa at naging matunog muli ang baril na hawak-hawak ni Eleov.

"That's all there is to it. You want your targets to do down? You got to aim down your sights."

Ang gwapo niyang mag-karga ulit ng mga bala sa baril niya! Tinignan ko ang paligid at may mga babae na nanunuod, mukhang interisado na rin sa kanya. Napaangat tuloy ang gilid na parte ng labi ko.

"Now, if your target is behind light cover, remember that certain weapons can penetrate and hit your target. Agent Montez here will demonstrate."

Muling may mga lumabas na malaking bilog pero may kasama na itong manipis at parisukat na bakal para takpan ito. Pero natama pa rin ng baril niya ang dapat tamaan.

"Last but not least, you need to know how to toss a frag grenade. Agent Montez, pick up some frag grenade from the table."

Nakita ko kung paano kumuha si Eleov ng mga maliliit na bomba na nasa lamesa.

"T-Totoong mga bomba 'yan?"

"Yup," mabilis na sagot ni Earl.

"Toss the grenade down range to take out several targets at once."

Muling lumitaw ang mas madaming mga bilog at pinagtatapon ni Eleov ang mga bomba na kaninang hawak-hawak niya.

"Note that frags tend to roll on sloped surfaces. So think twice before tossing one uphill."

Napa-baling ang ulo ko sa kaliwa habang naka-tingin lang kay Eleov. Parang ang tagal-tagal na niyang alam kung ano ang mga dapat niyang gawin.

"Just in case this questions pops up on your mind, we were trained since we were kids. Bata pa lang kami, alam na namin kung paano humawak ng baril."

'Yan ang hindi ko alam tungkol kay Eleov. Kung sa normal lang na edad nila noon ay baka toy guns lamang ang alam nilang laruin pero hindi, tunay na mga baril ang kinalakihan nila. At dito... sa lugar na ito nila nahahasa ang ganitong talento.

"All right, thanks for the help, Agent Montez. Now get over to The Pit... I want to see you how you run the course."

"Now, for the real thing." Tumayo si Earl pagka-sabi niya no'n at pati na rin si Mason.

"Follow me, Ma'am. Are you going too, second prince?"

"I'm always a big fan of Kuya, Mason. 'Lika na."

Tumingin ako sa baba at pumasok muli si Eleov kung saan siya lumabas kanina. Nang mag-simula nang mag-lakad si Mason sa harapan ko ay sinundan ko siya muli. Sinundan ko si Mason hanggang sa makapasok kami muli sa isa na namang dome. Para lamang kaming tumawid!

Ibang lugar na ito muli pero hugis rektanggulo na ito. Ka-lebel na namin ng kinatatayuan si Eleov ngayon! Kasabay namin siyang pumasok sa entrada pero ang naka-pagitan sa amin ay isang see-through na salamin.

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon