Chapter 2

1.1K 42 8
                                    

Facebook: Zamerra Del Valle

Facebook Page: Zamerra

Facebook Group: Zamerra's Stories

Twitter, Instagram, Snapchat: zamerradelvalle

---

Simula noong dinala ako ni Jovanne dito, palagi ko nang inaalam kung may laban ba si Eleov Montez o wala. Noong isang araw nga ay nahagilap ko pa ang buong Institute of Criminal Justice na tumatakbo sa malaking field ng eskwelahan at lahat pa sila ay walang suot na pang-itaas... at kabilang pa si Eleov doon.

Sumilip lang ako saglit dahil ayoko namang mag-pahalata na baka mapansin niyang palagi na lang akong nandoon kung na saan siya. Pwede ko na rin namang masabi na naging isa akong tahimik na tagahanga niya.

"Ayun!" Halos sigaw ko pero pinili ko na lamang bumulong nang makita ko siya na naglalakad.

Madami kaagad ang napapatingin sa kanya. Kahit nga na wala siyang laban at nasa parang pang-pulis niyang uniform lang 'yan ay nakakaagaw kaagad siya ng pansin! Oo, malayo ako sa maaaring magustuhan niya bilang babae pero sapat naman na sa akin na tignan siya sa malayo.

Sakto at narinig ko na kaagad ang bell hudyat na dapat pumasok na ako sa aking klase.

Tumabi kaagad ako kay Jovanne at pilit na tinatago ang aking ngiti kasi nakita ko ulit si Eleov ngayon bago mag-umpisa ang mahabang araw ng mga klase namin.

"Ayan! Ang laki-laki ng ngiti. Inaabangan mo na naman si Eleov Montez, 'no?" Tanong kaagad sa akin ni Jovanne.

"Grabe. Bakit, hindi ba pwede?" Naramdaman kong para akong namumula sa naging tanong niya sa akin.

"Paano kapag dumating ang araw na malay mo, ligawan ka niya o 'di kaya'y mapansin ka niya?"

Malabo mangyari kaya hanggang imahinasyon na lamang ako. "Magiging masaya ako siyempre. Pero, imposible naman 'yun, Jovanne. Ordinaryong tao lang ako kumpara sa kanya at sa mga posibleng magustuhan niya na babae."

"Alam mo, napaka-negative thinker mo, friend. Malay mo nga lang, eh."

"Kaya nga. Hanggang doon lang."

Saka ko lang napagkaalaman na Eleov Izeck Del Valle Montez pala ang kanyang pangalan. Napakalaki at napakatunog ng apelyidong Del Valle dito sa eskwelahan namin. Sila ang naging dahilan kung bakit naging ganito kaganda ang pasilidad ng unibersidad namin. Kung kaya ko lang mabayaran ang matrikula dito ay masasabi kong sulit ang bayad.

Nalaman ko din na may dalawa pa siyang kapatid. Kung baga, panganay siya sa tatlong magkakapatid. 'Yung sumunod sa kanya, si Earl Malachi na Grade 11 student pa lang tapos ang bunso nila na Grade 9 pa lang at lahat sila ay galing sa RU Integrated School.

Wala akong kagamitan para malaman ang mga 'yon pero may mga iilang napagtatanungan at naririnig ko tungkol sa kanilang pamilya ang naririnig ko araw-araw dito sa loob ng unibersidad namin.

"Oo nga pala, may bagong post na naman sa bulletin board—"

Nanlaki ang mga mata ko! Alam na alam ko ang tinutukoy ni Jovanne!

"Mag-tigil ka, Arhaia Vienth, ha. Sa loob ng limang minuto ay darating na rin ang professor natin. Mamaya ka na lumabas." Hinawakan niya ako sa aking hita para pigilan ako.

"P-Pero..."

"Alam kong gusto mong makita kaagad ang araw na kung kailan lalaban si Eleov." Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Bakit ko ba kasi sinabi ito kaagad? Pwede naman mamayang pagkatapos ng klase."

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon