Chapter 5

938 41 11
                                    

"Arhaia Pascua?"

Bahagya kong itinaas ang kamay ko. "Ako po 'yun."

"Pasok ka."

Tumango ako at hinarap ang accountant dito sa Scholars' Society ng RU. Bigayan na naman ng weekly allowance at nakahanda na rin ang weekly report ko kung saan ko nagamit ang pera. Upang magawa iyon, kailangan ko ng resibo para maipakita sa kanila.

"Pakilabas na lang 'yung ginawa mong liquidation then, pakilagay dito." May itinuro siya at doon ko kaagad nilagay ang akin. "Just make sure that whatever you put in there are all true, ha? Paalala 'yan para sa'yo para hindi mawala ang scholarship mo."

"O-Opo, Ma'am."

May nilabas siyang puti at pulang sobre na alam kong naglalaman ng weekly allowance naming mga scholars. Mapalad pa ako dahil nakuha ko ang pinakamataas sa ibinibigay kasi hindi ako nagpabaya sa grades ko sa nakalipas na dalawang semester dito sa RU noong first year ako at ngayong second year na una at pangalawang semestre.

"Here's your weekly allowance." Tinanggap ko ang sobre. "Pakitawag na rin ang sumunod sa'yo, ha?"

"Opo, Ma'am. Thank you po ulit."

Tumango siya at may kung anong pinindot sa kanyang computer. Lumabas na ako ng opisina niya at tinawag na ang susunod sa akin para siya naman ang makapasok sa loob.

Mahaba-haba ang pila pero buti na lang ay maagang nag-pauwi ang propesor namin sa huli kong subject. Karamihan kasi sa mga kumukuha ng allowance nila ay sa mga ganitong oras kinukuha kaya binilisan ko na.

Lumabas na ako ng Admissions Building at nakita ko kaagad si Eleov na naghihintay sa akin. May kausap nga lang siya na lalaki at nang itinuro ako ay nagpaalam na ito para umalis na.

"You got your allowance?" Tanong niya sa akin nang tuluyan na akong makalapit sa kanya.

Itinaas ko ang envelope at tumango siya. Inilagay ko na ito sa bag ko at inakbayan niya akong muli. "Baby, do you want to have an early dinner? May alam ako."

"Sige, pero 'wag sa mahal, ha."

Huminga siya ng malalim. "Baby..." Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. "I wanted to treat you today. Medyo matamlay ka buong araw." Kinapa niya ang noo ko. "Wala ka namang lagnat."

Naalala ko bigla ang nangyari kaninang umaga sa pagitan namin ni Mama.

"What's this?" May itinuro siya sa bandang parte ng noo ko at hinawakan ko iyon. "Pasa ba 'yan?"

Dali-dali kong tinakpan ito ng aking buhok. Nag-resulta 'yung pagtapon ni Mama ng kutsara sa akin kanina! Ba't ba ngayon ko lang ito napansin? "H-Hindi."

Doon kumunot ang noo niya at pinindot ito upang mapa-igik ako sa sakit. "Pasa nga ito, Arhaia. Baby, saan mo ito nakuha?" Pag-aalala kaagad ang gumuhit sa mukha niya.

"A-Ano..." Ano bang magandang palusot?! "Baka nakuha ko kanina sa Theater Design na subject namin. Madami-dami kaming sinet-up na mga kagamitan kanina," kinakabahan kong palusot.

Nakatingin pala siya sa akin habang nakaiwas naman ako. Tinignan niya muli 'yung pasa at walang sabi na hinawakan ang kamay ko para hatakin ako na maglakad. Tumalikod kami at alam ko ang direksyon na ito—papunta ito sa clinic.

"Eleov, okay lang ako. Hindi na kailangan na pumunta ako sa clinic."

"Hindi ako papayag na may masakit sa'yo, Arhaia Vienth. We're going to the damn clinic right now."

Wala na akong naging reklamo at nagpatinaod na lang sa kanya hanggang sa makapunta kami sa clinic ng unibersidad. Kumatok si Eleov at pinapasok kaagad siya ng guard.

Through Changes (Los Herederos Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon