Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang kinikilos ni Zia. Kahit na hindi sabihin sa akin ni Zia ramdam kung may malalim syang iniisip pero hindi ko alam kung ano yun. Gusto ko sana syang tanungin kung ano ang gumugulo sa isip nya kaso sa tuwing nagtatanong ako iniiba nya yung topic namin –.–
“ hey, malalim ata iniisip mo dyan ah.” tinitigan ko lang sya imbis na sagotin yung sinabi nya. Pati rin ito hindi ko maintindihan! Hindi rin ako makapaniwala na naging magkaibigan na sila ng best friend ko. Magiging sinungaling ako kung sasabihin kong pangit sya.
Shocks! Ang gwapo nya kaya!! heartthrob kaya 'to sa school. Pero mayabang sya!!
“Oo nga pala naikwento sa akin ni Zia na gusto mo raw to.. ” sabi nya habang inaabot sa akin ang favorite kong fudgee bar!! agad ko namang kinuha. Hehe
“Paano nga pala kayo naging magkaibigan ni Zia?? ” tanong ko habang binubuksan yung fudgee bar.
Si Zia dapat tatanongin ko nyan kaso naiinip na ako. Umalis-alis pa kasi yung babaeng yun eh!! Oo, iniwan nya kami ni Ivan dito sa bahay niya! Sabi nya may bibilhin lang daw sya at babalik daw kaagad!! Wow lang ha! Kanina pa kaya sya umalis.
“ewan?” nagtataka rin sya! Seriously??!!
“ anong ewan? Hindi mo alam kung paano kayo naging magkaibigan?? ”
“ nagpunta kasi sya sa court nung isang araw. Tapos yun kinausap nya ako.. pag alis nya naiwan nya tong notebook nya sa bench kaya tinawagan ko sya para makuha nya tong notebook nya kaso sabi nya kung pwede ba daw idaan ko nalang dito sa bahay nila. Binigay nya naman yung address nya kaya eto,, isasauli ko yung notebook nya.” Sa kahaba-haba ng sinabi nya wala akong masabi. Haha,, kasi naman eh! Si Zia yung nakipagkaibigan? Pero bakit!? Hindi naman ganyang Zia yung nakilala ko eh!!
“hey, guyz ~ I'm back ~ so kumusta ang pag-uusap niyo?” bungad sa amin ni Zia.
“ang tagal mo naman bumalik! Tyaka eto notebook mo oh.” Ivan. Ngumiti naman si Zia sa kanya. Hindi kaya may gusto si Zia kay Ivan?
“ ahm. Ivan, dito kana mag dinner ahh :) sumabay kana sa amin ni Sharla ~ wala rin kasi sila mommy.
“huh? Ahh.o-ok.. ” nauutal na sabi ni Ivan. Eeee? Habang nag o-observe ako sa kinikilos nilang dalawa ay biglang tumunog ang phone ko. May nag txt ~ oh? Galing kay Francis.
* sha, nagpunta ako sa bahay nyo kaso wala ka daw.. saan ka?
° nandito ako kina Zia. Bakit, anong kailangan mo?
* wala lang ~ haha. Sige punta ako dyan..
Wala lang ?!! Baliw na lalake yun. Hindi ko nalang sya nireplayan..
Nagkwentuhan lang kami nila Zia at Ivan sa sala ng maisipan ni Zia na kumuha ng pagkain.. mabuti naman at naisipan nya! Gutom na ako eh. Hehe ~
“ahm sya, tingnan mo to. ” sabi ni Ivan tyaka lumapit sa akin, may pinapakita kasi syang nakakatawa na video... Sabay naman kaming nagtawanan.. xD
“s-sha?” nagulat ako sa nagsalita. Si Francis.. pero bakit iba aura nya ngayon, napaaway ba to? Sinundan ko yung mata nya na kanina pa may tinititigan.
Doon ko narealize na sobrang lapit lang pala namin ni Ivan. Worst is, naka akbay sya sa akin. Agad ko namang tinanggal yung pakaka akbay nya sa akin. Lumayo naman sya.
Ano ba yan ! Nagu-guilty ako sa mukha ni Francis -.- para akong nahulihang may kabit.
Teka!! Hanuuuraw?! Kabit? Laugh trip naman oh!! Wala nga akong boyfriend. Tyaka never pa akong nagkakaboyfriend noh. Tapos kabit agad?! Ahahahaha.. Awkward ~
“Francis ?! OMG!! Hindi ka naman nagpasabi na pupunta ka rin pala dito.
Teka, kanina ka pa? Nakita mo ba sina Sharla at Ivan? Ang cute nila habang nagtatawanan noh :)”Nakita rin ni Zia yun? Eeeeee. Nakakahiya >.
“ hindi mo naman sinabing may unggoy pala dito!!” bulong sa akin ni Francis. Alam ko anong ibig nyang sabihin. Si Ivan ang tinutukoy nya.
--------"--------
Nasa dining na kami at masayang kumakain.. -.-
Ako lang ata naka feel na masayang kaming kumakain eh!!
Kasi naman yung tatlong kasama ko parang may galit sa mundo. Ang awkward naman -.-
Francis POV
Kanina pa talaga ako naiinis eh!! Bwisit kasi tong si Ivan kani pa lapit ng lapit kay Sharla!!
Si Sharla naman pumapayag na lapitan sya ni Ivan. Akala ko ba ayaw nya sa lalakeng yun?? Eh, di hamak na mas gwapo pa ako dun noh!
Lalo na ngayon! Nasa harap ni Sharla si Ivan habang kumakain kami, at ang mas nakakainis pa ay panay ang titig nya dito!! Aist. May gusto ba 'to kay Sharla?!
Kumunot ang noo ko sa naisip ko!! Kainis! Gusto ko atang suntokin tong lalaking to eh!!
Teka, bakit ako nagkakaganito?
Bakit naiinis ako?
May gusto na kaya ako kay Sharla?
Zia POV
Auuuurgh! Nakakainis!!
Dapat katabi ko si Francis ngayon eh! Pero naunahan na naman ako ni Sharla!! Insert*(evil stare).. Kaya ngayon si Ivan na ang katabi ko.. hmmm, ok narin kasi mag kaharap kami ni Francis ngayon :)
Magkaharap nga kaso kay Sharla sya naka tingin :( tapos si Ivan kay Sharla rin naka tingin -.-
Hello ~ nandito po ako oh -.-
Kainis!!
Sharla POV
Kanina pa ako tinitingnan nitong dalawang to ahh!! Eeeee -.- may dumi kaya ako sa mukha?
Hinawakan ko yung mukha ko, parang wala naman -.-
“may problema ba? ” nagtataka kong tanong.
“wala” Ivan
“meron? ” Francis
“siguro!!” Zia
Sabay-sabay nilang sabi.
°_____________° ako. Ano ba talaga?!
~~~~~~~.~~~~~~~~~
Vote & Comment
❤❤
BINABASA MO ANG
LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)
Novela JuvenilMay kanya-kanyang panahon ang lahat ng bagay. Matuto kang maghintay. Lalo na kapag pagdating sa pag-ibig hindi mo dapat minamadali yan. Darating at darating ka rin sa LOVE na yan. Kaya WAIT LANG! Start: January 1, 2015 End: March 22, 2015 Innocen...