Chaptet 19 Choose

190 15 1
                                    

Sharla's POV

Titig na titig ako sa laro nila. Grabe kitang-kita sa mga mukha nila na seryosong-seryo sila.

Naguguluhan na talaga ako! Bakit ba sila nagkakaganyan?

Napansin ko rin na nag-uusap sila.

Ano kayang pinag-uusapan nila?

Para kasing isang maling salita lang na manggagaling sa bibig nila ay mag susuntokan na yung dalawa...

Mas lalo atang nagiging mabigat itong laro nila ah!!

Nagtuloy-tuloy lang sila sa paglalaro puro narin cheer ang naririnig sa buong court.. pero bigla nalang natahimik ang lahat nang magka sikohan yung dalawa...

Napahinto rin sina Francis at Ivan..

Mukhang nag-aaway sila.

Teka,

Iba na ata to!!

Bigla nalang silang nagsuntokan at lahat kami na nakatingin ay gulat na gulat.. Ano bang nangyayari sa dalawang to?

Agad kong kinuha ang bola na nasa sahig saka e-shoot ito ng malakas!

Susuntokin na naman sana ni Francis si Ivan ng bumagsak sa kanilang harapan yung bola at tumama ito sa kanila.

Sabay silang tumingin sa direksyon ko at gulat na gulat nila akong tiningnan.

"S-sha--

"Sige! Ituloy mo!! " pagbabanta ko sa kay Francis

"Sharla." naguguluhang sabi ni Francis

"Ano bang nagyayari sa inyo?! Bakit ba kayo nagkakaganito? Nung una akala ko simpleng one on one lang ito pero bakit umabot sa suntokan? Baliw na ba kayo?!! Ano bang problema ninyo?!!" naiinis kong tanong sa kanila habang tinitingnan ang pagtayo ni Ivan.

"dahil sayo. " Seryosong sabi ni Francis.

A-ano daw dahil sa akin?

Ano bang ginawa ko?

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan ko pa ring tanong.

" Dahil sayo kung bakit may one on one kami ngayon! Gusto kitang protektahan. Ayokong mawala ka sa akin Sha." Nagulat ako sa mga binitawang salita ni Francis..

Gusto nya akong protektahan?

Laban kanino?

Ayaw nya akong mawala?

Pero bakit?

Ewan! Naguguluhan pa rin ako!! Hindi ko na alam ang gagawin ko -.-

Tinalikuran ko sila.. Maglalakad na sana ako palayo ng sabay nilang nahawakan ang kamay ko.

Si Francis ay naka hawak sa right hand ko..

Si Ivan naman sa left hand ko.

"Stay" sabay nilang sabi...

Eh?

"b-bitawan nyo nga ako.." sabi ko! Ano ba tong ginagawa nila?! Nakakahiya na oh!! Ang daming studyanteng naka tingin sa amin -.-

"Sharla kung papapiliin ka sa aming dalawa, ako ba o si Francis?" Tanong ni Ivan..

WT!! Anong klaseng tanong yun?

"Ano bang klaseng tano--

" Sagutin mo nalang please?" Francis. At mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Kung may pipiliin man ako sa inyong dalawa? WALA!! pareho lang kayong mga basagulero!!" mataray kong sabi tyaka tumakbo palayo...

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapahinto ako sa garden nang school namin.

Ano bang pumasok sa mga kokote nila't pinapapili nila ako?

Napaupo ako sa may puno.. saka pinikit ang aking mga mata..

Naguguluhan na ako!!

" Sharla!!!" tawag sa akin ni Zia.. Tumayo ako't ngumiti sa kanya.. Sa mga panahong ganito , kailangan ko ng isang kaibigan :)

Nung nakalapit na sya sa akin ay akala ko yayakapin nya ako pero hindi!! Nagulat nalang ako sa ginawa nya.

SLAP !!
" Dapat noo ko pa yan ginawa sayo ehh!! Nakakainis ka.. Lahat nalang inagaw mo sa akin!!" Naiinis nyang sabi. Nakatulala ko naman syang tiningnan!

Ano bang ginawa ko?

" Inagaw? Wala akong inaagaw sayo!!" sabi ko habang hinihimas yung sampal nya sa akin.

" Wala? [Smirk] Kunwari ka pang wala!!! Masaya kana siguro ngayon noh?! Well ~ oo nga naman! Dapat maging masaya ka kasi nasa iyo na lahat!! Ang talino,ganda at ang pagmamahal ng ibang tao!! Pati ba naman kay Francis?!! " mahaba nyang sabi.

"All this time akala mo inagaw ko lahat sayo? Zia naman!! Best friend kita!! Kaya hwag mong isiping inaagawan kita!! Alam mo namang itinuring kitang parang kapatid ko na rin. Tyaka anong pati kay Francis?" sabi ko.

" Tanga ka ba o sadyang manhid ka lang talaga?!!" Zia..

"Ano--

" Urg! Hindi mo ba maintindihan!! Nag-aaway sina Francis at Ivan dahil sayo! Noon akala ko kapag napalapit ka kay Ivan hindi muna mapapansin si Francis. Makakalimutan mo na sya!! Pero bakit ganun, nag-aaway tuloy yung dalawa dahil sayo..." Zia.

" pero bakit sila nag-aaway? " naguguluhan ko pa ring tanong. Kaya nya ako sinampal para matauhan!!

" Tsk. Kasi mahal ka nila !! Pilit kong inilalayo si Francis sayo pero sya pa mismo ang gumagawa ng paraan para makalapit!! " nanggagalaiti nyang sabi.

Kasi mahal ka nila.

Kasi mahal ka nila.

Yun lang ang natanim sa isip ko!! T-talaga? Pero.

" Ano masaya kana? May naagaw kana naman sa akin!!" Zia.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na wala akong inaagaw sayo!! Zia naman!! Best friend kita kaya hwag mo namang isipin yan. Pantay lang tayo! Tandaan mo yan.." Ako.

" kailan man hindi ko naramdamang pantay lang tayo! Kasi puro ikaw lang yung nangingibabaw. Tyaka best friend? Wala akong best friend Sha!!" nanigas ako sa sinabi nya..

" Zi- n-ni minsan ba naisip mong best friend mo rin ako? " naluluha kong tanong.

"h-h-hindi." nakayuko nyang sabi.

" Tsk. Ang tanga ko nga talaga! Simula noon pa kasi itinuring na kitang best friend. Yun pala ikaw hindi!!" sabi ko sabay talikod sa kanya. Kasabay rin nung pagpatak ng mga luha ko.

Best friend is just a word.

Tsk. Ang gulo na ng buhay ko!

Una tungkol kay Francis.. mahal nya ba talaga ako? Siguro yun ang gusto nyang sabihin sa akin noon..

Pangalawa naman tungkol kay Ivan.. bakit pa ba sya nakikigulo? Ano bang pakay nya?

At ang huli, tungkol kay Zia.. totoo ba lahat ng sinabi nya? Hindi nya ba ako itinuring na best friend?? Grabe! Ang sakit.

~~~~~~~•~~~~~~~~

LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon