Chapter 22 Unexpected

165 15 0
                                    

Walang pasok ngayon kaya napag-isipan ko na pumunta muna sa mall para mag unwind.

Hay ~ hanggang ngayon kasi nabigla pa ako sa mga nangyari. Hindi ko yun inaasahan.

Expect the unexpected nga talaga.

"1,000 pesos po ma'am" sabi nung nasa counter.. Bumili kasi ako ng bag and shoes. Agad naman akong kumuha ng pera..

Pagkalabas ko doon sa store ay nagpunta ako sa kfc.. nagutom kasi ako..

Ang boring pala mag malling mag-isa noh! Noon kasi kapag nag m-mall ako palagi kong kasama si Zia. At dito sa Kfc rin ang paborito naming kinakainan..

Naalala ko na naman ang best friend ko -.-

Umorder na ako at umupo sa pinaka dulo..

kumakain na ako ng may napansin akong pumasok din sa Kfc.

Si Zia.

Pero hindi sya mag-isa!

Kasama nya si Francis..

Umupo na sila pero hindi pa sila umo-order. Malayo sila sa akin pero sapat na para makita ko sila.

Nag-uusap sila..

Ano kayang pinag-uusapan nila?

May gusto rin kaya si Francis kay Zia?

Akala ko ako! Tsk. Hwag nga kasing assuming!!

Sana natuloy nalang yung confession ni Francis sa akin noon para hindi na ako mukhang tanga ngayon.

Ang sakit palang makita na magkasama ang itinuring mong best friend at ang taong akala mo ay sya na ang tamang tao na nakalaan para sa iyo.

Hindi ko inaasahan na makikita ko silang magkasama.

Napahawak ako sa pisngi ko, umiiyak na pala ako.

Ang sakit lang kasi.

Napatigil nalang ako nang sampalin ni Zia si Francis.

Anong nagyayari sa kanila?

Bakit nya sinampal si Francis?

Bigla nalang tumayo si Zia at tumakbo palabas.

Habang si Francis naman ay nanatili pa ring naka upo. Ni hindi man lang nya nilingon si Zia!!

Tumayo rin ako't tumakbo palabas..

Susundan ko si Zia baka may mangyaring masama sa kanya!!

Takbo lang sya ng takbo habang umiiyak.

Huminto sya sa may fountain na nasa labas ng mall.

Lalapitan ko na sana sya pero naunahan na ako ni Ivan.

Niyakap nya si Zia. Niyakap rin sya nito.

" Good job Ivan. Dumating ka rin sa tamang oras :)" mahina kong sabi habang nakatingin sa kanila.

Di ba nga nasabi sa akin ni Ivan na may gusto sya kay Zia :)

Ito na ata ang tamang oras at tamang panahon para sa kanila.

Ako kaya? Kailan ko kaya mararamdamang nasa tamang oras at tamang panahon na ako para dyan?

Tinalikuran ko na sila at maglalakad na sana paalis nang marinig ko ang pagtawag nila sa akin.

Nilingon ko sila at nginitian.

~~~~~~•~~~~~~~

LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon