LAKAD. TAKBO. LAKAD. TAKBO.
Yan ang paulit-ulit kong ginawa habang hinahanap si Francis..
Tinatawagan ko rin sya pero hindi nya sinasagot -.-
“Nasaan ka na ba?” mahina kong sabi..
Malapit na ring gumabi at kailangan ko na ring umuwi..
Kung kailan ok na kami ni Zia, kung kailan wala na akong ibang pinoproblema saka naman sya mawawala !
Noon, hindi ako nakapag focus kay Francis!! Napaka dami kong inaalala nun. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari pero ngayon handa na ako.
Sana hindi pa huli ang lahat -.-
Mahal ko si Francis at ayokong mawala sya! Ayokong mawalan muli.. hindi ko na kakayanin..
Naglalakad na ako pauwi nang mapadaan ako sa park ng subdivision namin.
Alam mo bang favorite place ko ang park..
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin noon ni Francis..
Nandito kaya sya?
Dahan-dahan kong tinungo ang park..
Alam nyo namang ayoko sa mga park, takot ako. Pero para kay Francis lalabanan ko ang takot ko.
Para sa kanya gagawin ko ang lahat hwag lang syang mawala sa akin.
Naglibot-libot ako pero di ko sya nakita... Francis naman eh !!
Aalis na sana ako ng may mapansin ako sa taas, isang tree house..
Umakyat ako doon..
and there , I found him :)
“Sharla? Anong ginagawa mo dito?” gulat nyang tanong..
“Ayaw mo ba akong makita? O sige. Goodbye -.-” nagtatampo kong sabi.. pero joke lang na aalis ako noh! Maghapon ko kaya syang hinanap tapos kung kailan ko sya nakita saka ako aalis? Ano to, jinoke ko sarili ko? Haha..
“ Nagtamo agad .. hahaha ~ hindi ko lang kasi inaasahang makita ka dito.. akala ko ba ayaw mo sa mga ganitong lugar?” tinutukoy nya ata ang park..
“ Ayaw ko nga! Pero pakiramdam ko dito kita makikita eh.. kung saan-saan kaya ako napunta makita ka lang!” sabi ko..
“hinanap mo ako? Bakit?” tanong nya sabay ngiti ng nakakaloko!!
Nasabi ko ba yun?? Urgh. Sharla ang dal-dal mo !! Kainis.
“hindi ka kaya nagpakita sa school tyaka nag-aalala syo sina Zia at Ivan noh! Baka daw kung ano na nagyari sayo.. ” palusot ko.. dinamay ko pa yung lovers. Hehehe
“Thank you sa concern mo :)” sabi nya habang hindi parin nawawala yung nakakaloko nyang ngiti.
“a-anong ako?h——
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin.
Nung naka recover na ako ay niyakap ko rin sya..
Hindi mo lang alam kong gaano kita na miss ..
“ Sharla ” tawag nya sa akin habang niyayakap pa rin ako..
“hmmmmm ” ako..
“Sobrang na miss kita.. Akala ko tuluyan ka ng mawawala sa akin. Ayokong mawala ka sha! ( Humiwalay ako sa pagkakayakap nya at tiningnan sya ng maigi ganun rin ang ginawa nya habang nagpatuloy pagsasalita) Sha, noon palang gusto ko na 'tong sabihin sayo
-.- noon palang Gusto na kita.. hindi ko alam kung kailan kita nagustuhan! Ang alam ko lang mahal kita :) mahal na mahal. Hindi ko kakayaning mawalay sayo..
Sharla, I love you .. I really do :)”“francis -.-” mahina kong sabi.
“ Sharla please,, kung hindi mo rin ako kayang mahalin-.- tatanggapin ko kahit ako nalang. Hayaan mong akong mahalin ka” sabi ni Frnacis!!
Ano ba pinagsasabi nya? Tss.
“ At sinong may sabi nyan?!” mataray kong sabi.. naguguluhan nya akong tiningnan.. xD
“ Hahanapin ba kita? Pupuntahan ba kita dito sa park kung hindi.... kung hindi kita mahal?” sabi ko.. bigla naman syang napangiti ng malapad, ganun rin ang ginawa ko :D
“ Ibig sabihin mahal mo rin ako?” tanong nya, sabay ngiti ng nakakaloko.
“oo” mahina kong sabi..
“ hindi ko narinig eh!” sabi nya.. kumunot naman ang noo ko..
“so, uulitin ko? Sasabihin ko ulit na OO tapos sasabihin mo na namang di mo narining tapos uulitin ko na naman?! Eh, kailan pa tayo matatapos nyan?!” ako..
“ Tapos na!! Epic fail na eh.. hahaha ” napatawa naman ako sa sinabi nya..
“ Ahm.. Sha, can you be my girl?” sincere nyang tanong..
Is it the right time?
Oh wait!!
Paano na ang goal ko na papasok lang ako sa isang relasyon kapag natapos na ako sa pag-aaral?
Pero hindi ko kayang mawala sya!!
“ Francis -.- ” nakayuko kong sabi..
“ Alam ko -.- alam kong hindi pa ito ang tamang panahon.. kailangan mo pang makapagtapos sa pag-aaral..” sabi nya..
“ Tayo Francis. Kailangan pa nating makapagtapos.. sabay nating aabutin ang mga pangarap natin..” sabi ko..
Ngumiti naman sya dun..
“ Tama ka :) sabay nating aabutin :)
Pero Sha, ito ang lagi mong tatandaan maghihintay ako.. Hihintayin kita hanggang sa maging handa kana:) Maghihintay ako sa hanggang sa dumating ang tamang panahon.” Francis..“ Thank you Francis :) thanks sa pagiintindi mo ~ I am so lucky to have
you.” sabi ko tyaka niyakap sya..
Ang sarap sa pakiramdam na may taong nagmamahal sayo at handa nyang hintayin kung kailan handa ka na :)
~~~~~~~•~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)
Teen FictionMay kanya-kanyang panahon ang lahat ng bagay. Matuto kang maghintay. Lalo na kapag pagdating sa pag-ibig hindi mo dapat minamadali yan. Darating at darating ka rin sa LOVE na yan. Kaya WAIT LANG! Start: January 1, 2015 End: March 22, 2015 Innocen...