Francis POV
" Ayieeee ~ kayo ah!! Hoy Ivan,, may gusto ka ba sa bestfriend ko?" Panunukso ni Zia kina Ivan at Sharla. Tsk!
"Zia!!-
"Siguro.Meron.Oo :)" May pangiti-ngiti pang nalalaman tong lalakeng to!
"Tumahimik ka nga!! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo!! " naunahan pa ako ng gagong yun kay Sharla! Tsk lang talaga.. Kainis lang talaga!!
Oo may gusto ako kay Sharla.
Hindi ko alam kung kailan at anong dahilan pero gusto ko sya. Gustong-gusto!!
"Tsss. " sabi ko nalang saka tumayo.. naiinis ako sa pinag-uusapan nila!! Baka masuntok ko pa ng wala sa oras itong lalakeng to!!
" Saan ka pupunta? " tanong ni Sharla.. sorry sha. Iiwan muna kita dito kasi hindi ko na kaya! Nagseselos ako.
"Gagawa pa pala ako ng assignment. " sabi ko bago umalis. Teka! Wala naman kaming assignment ahh..
Ay grabeh lang!! Hindi ko na ata to makakaya.. kailangan ko na talagang sabihin kay sharla itong nararamdaman ko. Pero baka tanggihan nya ako...
Sabi kasi sa akin noon ni Zia na NBSB daw si Sharla..
Flashback
" Zia, nakita mo ba si sharla? " nasa canteen kasi kami at nag paalam si Sharla na mauuna na muna daw sya pero hanggang ngayon hindi ko parin sya mahagilap. Nasaan kaya yun?
"baka may ka-date. " sagot ni Zia habang kumakain ng fudgee bar.
Mag bestfriend talaga sila ni Sharla ang hilig hilig sa fudgee bar.
"DATE?!! " napalakas yung boses ko kaya gulat nya akong tiningnan. Buti nalang wala masyadong tao ngayon.
" Maka sigaw! Wagas!!!
Biro lang naman yun! Tyaka paano yun magkakaroon ng ka-date eh wala naman yung manliligaw!! Haha,, tsaka NBSB kaya yun.. haha " natatawa nyang sabi."NBSB sya? Teka, may naikwento sya sa akin dati tungkol doon sa best friend nyang si Jhon ah.. akala ko naging sila nun... " sabi ko. Hindi kasi natapos yung kwento nya sa akin kasi tumawag ang mommy nya nun.
" Naku! Hindi naging sila nung Jhon. Mahabang kwento eh.. tyaka oo NBSB si Sharla.. ayaw nya raw magka boyfriend habang hindi pa sya nakaka-graduate sa college.. at sa tingin nya hindi padaw tamang panahon para dyan. "
Meron pa palang ganun ngayon? Ang galing ng paninindigan nya sa buhay ah!! Hahaha
End of flashback
Ayaw nyang magka boyfriend -.- pero bahala na! Kailangan ko parin itong masabi kay Sharla..
Mabuti na yung malaman nya ang tunay kong nararamdaman.
Kailangan nyang malaman na Mahal ko sya.
Handa akong maghintay para sa kanya.
Handa ako maghintay sa sinasabi nyang tamang panahon.
~~~~~~~°~~~~~~~~~
Pasensya na po kong maikli lang tong update ko ;/ .. POV lang talaga kasi ito ni Francis *.*
What can you say about his POV??
Weeeeew ~ comment naman kayo.. haha .
Confession will be next chapter :))
BINABASA MO ANG
LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)
Teen FictionMay kanya-kanyang panahon ang lahat ng bagay. Matuto kang maghintay. Lalo na kapag pagdating sa pag-ibig hindi mo dapat minamadali yan. Darating at darating ka rin sa LOVE na yan. Kaya WAIT LANG! Start: January 1, 2015 End: March 22, 2015 Innocen...