Nilingon ko sila at nginitian.
Lumapit ako sa kanila ganoon din ang ginawa ni Zia.
Nagtitigan muna kami saka --
"zia."
" sharla" sabay at naluluha naming sabi.
May sasabihin pa sana sya pero hindi na sya nakapag salita kasi niyakap ko na sya..
Grabe! Nakakamiss ang mayakap ang isang best friend :)
" na miss kita -.- " naiiyak kong sabi.
" Sharla, sorry. Sana.. mapatawad mo pa ako.. hindi ko sinasadyang sabihin yun.. siguro nadala.. lang ako sa inngit ko sayo... sorry talaga.. hindi ko kayang mawala ang best friend ko.." sabi ni Zia habang umiiyak..
"ssshhh ~ hwag kanang umiyak Zi.
Hindi ka palang humihingi ng tawad, pinatatawad na kita..." sabi ko." T-totoo? Pinapatawad muna ako?" Tumango naman ako..
" eeeeee. Sharlaaaa ~ thank you :) alam mo ba miss na miss na talaga kita!! Payakap nga ulit :) " Zia. Tyaka niyakap nya ako ng mahigpit..
" Naman oh! Hindi ako makahinga.. hahaha ,, " ako.. niyakap nya pa ako ng mahigpit.. baliw talaga to! Haha
" Na miss kasi kita ng sobra-sobra ehh.. haha" Zia..
"Nagseselos na tuloy ako..." agad namin kaming naghiwalay ni Zia at tiningnan yung nagsalita. Si Ivan!
Haha,, sabay naman kaming napatawa ni Zia..
Ang saya ng ganito :) Wala ng sama ng loob. Puro kasiyahan lang!
Magkaibigan na ulit kami ni Zia :)
Sa pagiging magkaibigan uli namin parang walang nangyari.
Balik ulit kami sa dati! Asaran, pikonan, at tawanan..
Sabi nila, kapag once na trinaydor ka ng isang tao. Mahirap na raw ibalik yung trust at mahirap na din magpatawad.
Hindi yan mahirap kung magsisimula ka ulit.
Matutu kang magpatawad. Yung buong pagpapatawad. Yung wala ka nang duda sa kanya.
Kapag nagawa mo yan, hindi na ulit mahirap ibalik yung tiwala mo sa kanya.
Pero alam ko, hindi mo agad maibabalik ang tiwalang ibinigay mo sa kanya.
Maghintay ka lang!
At sa tamang panahon. Magagawa mo rin syang pagkatiwalaan muli.
" Zi, nakita kita kanina sa Kfc.. anong nangyari?" tanong ko kay Zia.
Yumuko naman sya tyaka hinawakan ang kamay ko.
" Nagkita kasi kami ni Francis nung papasok ako ng Kfc... sabi nya kung pwede ba daw kaming mag-usap. Tumango naman ako at sinabi kung sa loob na lang.
Kaya ayun umupo kami at nagsimula na syang magsalita."Zia's POV
" Nalaman ko na ikaw raw ang may pakana para hindi ko masabi kay Sharla ang tunay kong nararamdam." umpisa ni Francis.. Nanginginig ako sa susunod nyang sasabihin.
" Bakit? Itinuring kang kaibigan ni Sharla pero ikaw pa mismo ang--
Pinutol ko na ang sasabihin nya. Alam ko! Alam ko! At ang sama ko!
" Nagawa ko lang yun dahil gusto kita!
Pero nagsisisi na ako! Nagsisisi ako kung bakit kita nagustuhan!! At dahil dun nawala sa akin ang kaibigan ko." naiinis kong sabi." Ikaw din naman ang may kagagawan kung bakit nawala sa iyo si Sharla! Napaka inggitera mo kas-
SLAP!
Sinampal ko sya!! Hindi ko na kinaya ang mga salitang binibitawan nya.
Alam ko tama lang sa akin na masabihan ng ganun pero ang sakit pala!
Nagmahal lang naman ako.
Nagmahal ako sa maling tao pa!
" Alam ko inggitera ako! Sorry ha!! Akala ko lang kasi gusto kita. Akala ko lang." huli kong sinabi saka tumakbo..
Akala ko mahal ko sya. Akala ko sya ang para sa akin pero HINDI.
Nainggit ako noon kay Sharla kaya pati sa mga taong nagmamahal sa kanya naiinggit ako.
Ayoko na nang ganito!
Sana mapatawad pa rin ako ni Sharla.. pangako magiging iba na ang lahat. Wala ng inggit ang mangingibabaw sa akin. Pangako yan.
Sana hindi pa huli ang lahat.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa may fountain sa labas ng mall..
May bigla nalang yumakap sa akin.
Si Ivan pala..
At ayun,, tuluyan na naman akong naiyak...
Si Ivan ang palaging nandyan sa tuwing nasasaktan ako.
Palagi lang syang nasa tabi ko.
Kahit alam nyang ang sama-sama ko ng kaibigan hindi nya parin ako iniiwan.
Palagi syang nandyan para e comfort ako.
Si Ivan na ba ang para sa akin?
Palagi syang nandito sa tabi ko pero ngayon ko lang naisip na di kaya sya na ang para sa akin? Sana tama ako.
Sana totoo na to! Pagod na kasi akong masaktan eh -.-
Sharla's POV
Kaya pala...
Hay ~ si Francis talaga -.-
Unti-unti ng nabubuo itong puso ko..
Una si Zia, naging magkaibigan uli kami :).
Pangalawa si Ivan, sana hindi nya saktan si Zia -.-
Kulang nalang si Francis.
~~~~~~~~•~~~~~~~

BINABASA MO ANG
LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)
Fiksi RemajaMay kanya-kanyang panahon ang lahat ng bagay. Matuto kang maghintay. Lalo na kapag pagdating sa pag-ibig hindi mo dapat minamadali yan. Darating at darating ka rin sa LOVE na yan. Kaya WAIT LANG! Start: January 1, 2015 End: March 22, 2015 Innocen...