Chapter 8 Memories

301 21 0
                                    

"sha, ok ka lang? " salubong sa akin ni zia.. natapos na ang laro, si francis ang nanalo wala na kasi akong gana bumawi pa wala rin naman mangyayari madi distract lang ako.

"ano kaba. Ok lang ako noh " sabi ko sa kanya sabay ngiti. Yan rin ang sagot ko sa lahat ng mga nakakasalubong ko. Pare-pareho lang naman ang tanong nila.

"ano ba kasi ang nagyari? Bakit bigla ka nalang nawalan ng focus? " malungkot ko syang tiningnan. Alam nya na kung ano ang ibig kong sabihin. Yun lang naman kasi ang nakakapag-palungkot sa akin.

"tara sa bahay mo na yan ilabas. "

"hey! Nakahanap ka ata ng katapat mo ah!! " harang sa amin ni ivan.

"Tss. " yung lang ang nasabi ko habang papaalis..

Francis POV

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kasi nanalo ako o magiging malungkot ako kasi natalo ko si sharla. Diba dapat maging masaya ako ? Ako yung naghamon sa kanya. Nakaka challenge kasi malaman na magaling syang mag basketball. Unang kita ko sa kanya akala ko puro kaartehan lang ang alam nya, ganun naman talaga ang mga babae ah! Ang aarte. Tyaka ang sungit nya rin! Akala ko ganun sya pero iba pala sya.

Kaya nung nalaman ko na natalo nya si Ivan bigla nalang akong na challenge sa kanya. Hindi pa ako nakakalaro ng basketball na ang kalaban ay babae , kaya nung natamaan nya ako nung bag na tinapon nya sa canteen . Bigla ko nalang syang hinamon kahit hindi naman masakit!wala ata yung laman eh!

Akala ko talaga kanina mananalo na sya pero anong nagyari sa kanya? Tyaka bigla nalang syang umiyak. Halata naman hindi tears of joy iyon. May ibang dahilan ang pag iyak nyang yun! Pero ano? Kailangan ko syang maka-usap.

Shasha POV

Kararating lang namin ni zia sa bahay ko. Wala sina mommy at daddy (as usual) dumiretso naman kami sa kwarto ko tyaka Inumpisahan ang pagkwekwento.

"hindi mo yun kasalanan! Aksidente lang lahat ng yun sha. " sabi nya nang matapos ako, hindi ko rin maiwasan ang maiyak!!

"kasalanan ko! Kung hindi sana ako nag inarte noon!! Kung hindi sana ako tumakbo hindi nya sana ako hahabulin hindi sana sya nasagasaan ng sasakyan!! Sana.. sana.. sana buhay pa sya hanggang ngayon!! " bumuhos na naman lahat ng luha ko. Kasama ko pa sana sya hanggang ngayon!!

" shasha aksidente lang lahat! hanggang doon nalang ang buhay nya. Hindi naman kasi natin alam kung kailan tayo kukunin ng Panginoon kaya huwag mo nang sisihin pa ang sarili mo. " lahat sila yan rin ang sinasabi sa akin na hindi ko raw kasalanan kasi aksidente daw ang lahat

"kung hindi ba ako tumakbo nun at hindi nya ako hinabol.. buhay pa kaya sya? " bigla ko nalang natanong. umiling naman si zia.

" hindi ko alam.. Pero kung hindi nangyari ang lahat ng yun hindi tayo magkakilala ngayon. Wala ako dito sa tabi mo -.-" sabi nya.. oo nga, pagkatapos kasing mailibing ni jhon napilitan ang mga magulang ko na lumipat kami ng tirahan kasi na trauma ako sa lahat ng nagyari at hindi ako nagsasalita noon. Kaya lumipat kami dito at dito ko nakilala si zia. Magkapit-bahay lang din kami. Simula nung kinulit-kulit nya ako doon lang ako nagsalita muli dahil kay zia.

"May dahilan ang lahat sharla. Lahat ng nangyayari sa atin ay plano ng panginoon. " zia. Napatango naman ako sabay yakap sa kanya.

"pero yung birth mark nya -

"may birth mark sya sa dalawa nyang kamay.." nagulat ako sa sinabi nya!!

"pwede ba yun? " nagtataka kong tanong.

"nangyari sa kanya kaya siguro pwede. Hehe "

"teka , paano mo nalaman? "

" ni research ko sya. Hahaha ~" napailing naman ako,,lahat nalang tao nire-research nya!! Tsk.x

"ano, ok kana ahh!! Wala ng luha dahil kay jhon! Maliwanag?!! Hahaha,, isa rin pala sha, baka hindi sya ang taong nakalaan para sayo. " inirapan ko naman sya.

"ewan ko sayo!!" sabay bato sa kanya nung unan ko.

"hahahaha,, kailan kaba kasi mag b-boyfriend? Sayang yung ganda girl!! "

"kapag nakatapos na ako sa pag-aaral! Aral muna bago landi noh!! " binatukan nya naman ako.

"heller ~ 2nd year pa tayo oh!! Tagal pa nun!! Ang sarap kayang ma inlove. :D " Ngayon ako naman ang bumatok sa kanya! Akala kung sinong may love life!! Hahaha

"kung maka pag salita ka! Akala mo may love life!! " napatawa naman sya sa sinabi ko xD,, nagtatawanan lang kami habang nagtatapunan ng unan,hehehe..

Ok na sa akin ang kaibigan ko noh! Hindi ko kailangan ng boyfriend.

~~~~~~~~~~

LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon