Chapter 16 Confession Part 2

228 16 5
                                    

Nandito kami ngayon ni Francis sa isang coffee shop malapit sa park.

Nung sinabi ni Francis na may kailangan daw syang sabihin sa akin ay sabi ko dito sa coffee shop nalang kami mag-uusap.

Ang tagal kasi mag update ni author kaya eto~ nasa coffee shop na kami.

[author:  –_– ✌ peace on earth..
eto na, eto na, eto naaaaaaa :)]

“ Sha, anong gusto mo? ” tanong ni Francis.. Nasa counter kami para umorder

“ Ice coffee nalang..” ako. Sobrang init kaya! Kailangan malamig yung iinumin ko para iwas heat stroke. xD

Isang ice coffee at black coffee.” Oh? seriously?!  mag b-black coffee sya sa ganitong panahon?!!

Agad naman kinuha nung tindera yung order namin.

“ahm,, sobrang init nyang coffee mo ah! Nakikisabay sa init nang panahon. Hehehe~” natatawa kong sabi nung naka upo na kami..

“ pampa-alis ng kaba” seryoso nyang sabi.

Pampa-alis ng kaba ang kape? Ang kape talaga ahh!! Tyaka bakit sya kinakabahan?

Tatanongin ko sana sya kung bakit pero napatigil ako sa pag-iisip dahil Tinititigan nya ako .. na conscious tuloy ako sa itsura ko. Umiyak pa naman ako kanina! Ang pangit ko na siguro ngayon.

“ uie! Huwag mo nga akong titigan ng ganyan!! Ang pangit ko na siguro -.- ” nakayuko kong sabi.

Nagulat nalang ako nung hinawakan nya ang kamay ko kaya napa angat ako ng mukha.

“ Ang ganda mo kaya. Ikaw ang pinaka magandang babae na nakita ko kaya huwag kang yumuko :) Gustong-gusto kong makita ang mukha mo lalo na ngayon na nakangiti kana :) mas lalo kang gumaganda ”  sabi ni Francis.. woaw! Nag init yung pisngi ko sa sinabi nya .. eeeeee ~ ano ba yan! Kinikilig ako. Bakit ganito? Napapangiti tuloy ako tyaka mas lalong humihigpit yung pagkakahawak nya sa kamay ko .. Nakakahiya! Siguradong pulang-pula na ako ngayon...

ewan ko sayo!” sabay bawi nung kamay ko tyaka bigla akong sumimangot para hindi nya mahalatang kinikilig ako ...

“ :) bakit namumula ka?” nanunukso nyang sabi.. sino ba namang hindi mamumula doon sa sinabi nya? Eeee.. kinikilig pa rin ako :)

“wala! Feeling mo lang yan..” ba't ba ang hilig kong mag deny? Haha

eh, mas lalo ka pang namumula oh :) yieeeeee ..” nanunukso nya pa ring sabi saka may pa ngiti-ngiti pa sya!! Ahw, ang cute nya talagang ngumiti :) na miss ko sya :) ito lang ulit kami nag-usap ng matagal ..

“ tumahimik ka nga!! ano ba yung sasabihin mo?” pag-iiba ko ng topic.

ha? a-ahm.... ano. ahm. b-b-bakit ka ba umiiyak kanina?” nauutal nyang sabi. Yung lang pala sasabihin nya akala ko ano na -.-

Francis POV

“tumahimik ka nga!! Ano ba yung sasabihin mo?” tanong ni sharla sa akin. Bigla naman akong kinabahan. Masasabi ko ba sa kanya? Kaya ko ba?

ha? a-ahm.... ano. ahm. b-b-bakit ka ba umiiyak kanina?” nauutal kong tanong!! Hindi ko ata kaya eh!! Kainis! Naiinis na talaga ako sa sarili ko..

ahh yun.. naisip ko lang si Jhon. Marami kasi kaming memories sa park! Happy memories and Sad!! Sobrang sad.” malungkot nyang sabi... Tss. Yung Jhon pa ata magiging karibal ko kay Sharla eh! Kainis.. hinding-hindi ako magpapatalo sayo Jhon!!

“Kaso... wala na sya! Iniwan nya na ako. Kinuha na sya ni Lord.” pagpapatuloy nya.. bago pa sya umiyak ay niyakap ko na sya..

Patay na pala yung Jhon. Naku sorry Jhon..

“ uie francis!! Nakakarami kana ah.. hehe..” binitawan ko sya agad. Mukhang nakakarami na nga talaga ako. Hehe

“ ok kana? ” nag-aalala ko pa ring tanong. Tumango naman sya pero malungkot pa rin.

“ Malungkot yun kapag nakikita ka nyang malungkot. [Ngumiti naman sya] ayan, nakangiti kana ulit :) siguradong masaya na yung si Jhon kaya huwag kana ulit malungkot ahh..” tumango naman sya..

“ salamat Francis ahh :) nung nakita kita kanina gustong-gusto ko sanang lapitan ka pero ayoko talaga sa mga park ehh! Natatakot ako. Naaalala ko pa rin sya.”

Sabi ni Sharla. Mahal na mahal nya talaga yung Jhon.. Huwag kang mag-alala Jhon aalagaan ko si Sharla :)

“Balang araw mawawala rin yang takot mo :) alam mo bang favorite place ko ang park.. pero bakit mo ba ako gustong lapitan kanina? Na miss mo ako noh? :) ” panunukso kong sabi..

“ Feeling! Ang kapal mo talaga.. haha” masaya ako kapag napapatawa ko sya.. Ito na yun! Sasabihin ko na :)

Sharla.. alam mo masaya ako kapag kasama kita :) lalo na kapag palagi kang nakangiti.. Yung sinabi ko kaninang maganda ka, totoo yun :) —

“alam ko! Haha” singit nya sa sinasabi ko.. Tsss. Napa inom nalang ako sa kape ko. “sige na seryoso na ako :)”

“hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman basta ang alam ko lang gusto kong palagi kitang nakikita, palagi kang nasa tabi, simula palang natutuwa na ako sa sayo :) simula palang nasabi ko na ibang-iba ka sa mga babae dyan. Pero hindi ko inaasahang sobrang iba ka nga talaga sa kanila kasi ikaw lang. Ikaw lang ang———

“Uie! Francis :) Sharla :) nandito rin pala kayo?”

Biglang nagdilim ang paningin ko!!  Bw***t na epal to!! Auuuuuurrrggggg!!!  Nandoon na eh!!  Bw***t talaga!!!

~~~~~~~•~~~~~~~~~

Wrong timing?!

Hala!!  Sino si epal?

Vote & comment :)

LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon