Ilang linggo na rin ang nakalipas matapos nung one on one nina Francis at Ivan. Kasabay din nung araw na yun ang pag amin sa akin ni Zia na hindi nya ako itinuring na best friend.
Buong linggo lang akong nasa bahay. Nagtataka na rin si Mama kong bakit hindi ako lumalabas.
Ang sinasabi ko nalang tinatamad ako.
Palagi ring tumatawag sa akin si Francis pero hindi ko sya sinasagot. Hinahayaan ko lang mag ring yung cellphone ko... Ayoko muna silang kausapin!
Ngayon, may pasok na naman..
Papunta na ako sa Med Triangle University. Makikita ko na naman sila! Gusto ko mang takasan ang mga nangyayari pero hindi pwede!
Kailangan ko tong harapin!
" Sharla. " agad akong napalingon sa likuran. Tinitigan ko sya !! Kailangan ko na talaga tong harapin.
" Sorry -.- " sabi nya..
" Ivan ~ bakit ka nag s-sorry?" tanong ko..
"tungkol doon sa nangyari. Yung one on one namin ni Francis." Ivan.
" Ano ba kasing trip ninyo nun ?" ako.
Ivan's POV
Naglalakad na ako papasok nang Med Triangle University ng makita ko si Sharla na naunang naglalakad..
Tinawag ko sya kaya napalingon sya sa direksyon ko.
" Sorry -.- " sabi ko. Alam ko kailangan ko paring humingi ng tawad kasi nalaman kong nagkaalitan rin sila ni Zia nun.
" Ivan ~ bakit ka nag s-sorry?" tanong nya... ba't ba ang bait nya?!!
"tungkol doon sa nangyari. Yung one on one namin ni Francis." sabi ko.
" Ano ba kasing trip nyo nun?" tanong nya..
Kaya sinabi ko lahat.
Simula nung mga plano namin ni Zia para mapaghiwalay sila..
Nagawa ko lang naman kasing um-oo sa mga plano ni Zia naaawa ako sa kanya. Pinilit nya ako ng pinilit! Yun yung araw na naging epal ako sa naudlot na confession ni Francis. Nakonsensya ako nun kaya sinabi ko sa sarili ko na babawi ako. Pero, sa tuwing nakikita ko ang kaligayahan sa mga mukha ni Zia ay nagiging masaya rin ako.
Siguro nga kapag nag mahal nagtatangahan!!
Mahal ko si Zia kaya lahat ng gusto nya ginagawa ko kahit mali.
Oo tama kayo ng pagbasa.. mahal ko si Zia at ang masakit lang may mahal syang iba!
Sinabi ko rin kay Sharla ang tungkol doon sa paghamon ko kay Francis ng one on one sa basketball.
Mabuti ang intensyon ko doon.
Hindi yun alam ni Zia kaya nagalit sya kay Sharla ..
Hindi ko kasi iyon ipinaalam sa kanya..
Gusto kong makatulong.
At ang tanging paraan lang na naiisip ko ay ang hamonin si Francis ng one on one..
Ipapamukha ko sa kanyang kailangan nyang aminin kay Sharla ang totoo. Hindi yung magagaya pa sya sa akin!
Kaya ayun sinasabi kong may gusto rin ako kay Sharla. Sinasabi ko ang mga bagay na ikakagalit nya para mas may lakas pa sya ng loob aminin ito kay Sharla...
Ngunit, sa huli ~
Hindi ganun ang nangyari !!
Walang nasabi si Francis .. G*go talaga yun!
Sa halip ay naunahan na naman sya ni Zia.
Pagkakataon na sana yun! Nasayang pa...
" pero bakit gusto ni Zia na magkalayo kami ni Francis?" tanong ni Sharla nung natapos ako sa pagsasalita.
" kasi mahal nya si Francis." mahina kong sabi..
" at mahal mo rin si Zia." napatitig ako sa kanya.. halata ba?
"tsss. Ang tanga ko noh?! Tinutulongan ko pa sya noon para magkalayo kayo at magkalapit sila!!" sabi ko.
" hindi ka tanga. Sadyang nagmahal ka lang... hay ~ ano ba yan!! Pasok na nga tayo." sharla.
" ahm, galit kapa ba?" ako.
Umiling naman sya saka nauna nang pumasok.
Sharla's POV
Kaya pala.
Kaya pala ganun nalang ang galit ni Zia kasi may gusto rin pala sya kay Francis.
Pagpasok ko sa room ay nakita ko agad si Zia at nakatingin sya sa direksyon ko. Sabay naman kaming nag iwasan.
Hay ~ nakakamiss yung mayroong best friend -.-
Umupo na ako sa upuan ko sa katabing upuan ni Zia..
Awkward ~.~
Dumating na naman si Francis napatingin ako sa direksyon nya at nagtama ang aming mga mata..
Nakakamiss yung dati. Ngayon, nagbago na ang lahat.
~~~~~~~•~~~~~~~~~

BINABASA MO ANG
LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)
Teen FictionMay kanya-kanyang panahon ang lahat ng bagay. Matuto kang maghintay. Lalo na kapag pagdating sa pag-ibig hindi mo dapat minamadali yan. Darating at darating ka rin sa LOVE na yan. Kaya WAIT LANG! Start: January 1, 2015 End: March 22, 2015 Innocen...