Napaka close nang laro! Kitang-kita na walang gustong magpatalo sa amin. 42-42 , yan ang score namin!
Ngayon nasa akin na naman ang bola (smirk)
"Wuuuuuuuush! 3 points ~" sigaw ni zia nung mai shoot ko ang bola.. oo 3 points na naman,, ngayon ako na ang nangunguna. :)
Gayun pa man hindi ko parin maiwasang mapatitig sa birth mark nya. Pati ang moves nya sa paglalaro ng basketball syang-sya lang.
Pero paano? Hindi pwede kasi wala na sya!! Naalala ko tuloy sya!! Bakit kasi sya pa!! At sino tong kasama ko sa court ngayon?
Flashback
“ jhon, turuan mo naman ako nyan. ” sabi ko sa kanya habang pinapanood syang maglaro ng basketball.
“gusto mo talagang matuto? ” tumango naman ako tyaka lumapit sa kanya.
Sya pala si jhon Llana ang bestfriend ko. Nagkakilala kami nung 12 yrs. Old ako sya naman ay 13 nun,, simula nung araw na nagkakilala kami walang ng araw na hindi kami mapaghiwalay.
“ayan sige e shoot mo. ” sabi nya.
“hindi ko kaya! Ang layo oh!! ” paano ba naman ang layo ko sa ring, ito ata yung paraan para maka 3 points eh.
“kaya mo yan :) magtiwala ka :)” sabay hawak sa kamay ko. Napahalukipkip naman ako. -.- saka sinubukan kong e shoot ang bola.. hinintay ko kung saan dadako ang bola nang —
“wahaha,, jhon! Nakita mo yun! Na shoot ko. ” tuwang-tuwa kong sabi. Saka niyakap sya..
“sabi ko naman sayo eh :)"
Simula nun natuto na akong maglaro ng basketball dahil sa kanya.
Hanggang isang araw naramdaman ko nalang ang kakaibang pakiramdam para sa kanya. Na hindi lang pagiging mag bestfriend namin kundi higit pa.
“jhon, may sasabihin sana ako sayo." Sabi ko habang naka upo kami sa swing ng park malapit sa village namin.
“ano yun? ”
Huminga muna ako ng malalim bago ko ituloy ang pagtatapat ko. Kailangan kong gawin to, kung hindi ko sasabihin sa kanya ngayon kailan pa?
“diba sabi mo wala dapat tayong sekreto sa isa't-isa -.-" tumango naman sya. “ ano kasi -.- hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman, jhon mahal kita ” sabi ko, bigla naman syang ngumiti kaya napangiti narin ako. Sabi ko na ngaba eh mutual yung feelings namin :)
“mahal rin naman kita sharla. Bestfriend kita diba :)” pagkasabi nyang yun bigla nalang nawala ang ngiti sa aking labi.Ngayon naiiyak na talaga ako.
“pero jhon! Ang ibig kong sabihin mahal kita! Mahal kita higit pa sa magkaibigan!!” sigaw ko at tuloyan ng tumulo ang mga luha ko.
“ sharla, please hwag kang umiyak—
Hindi ko na sya pinatapos at bigla nalang ako tumakbo. Wala akong paki alam sa mga nakakabunggo ko. At ramdam ko hinahabol nya ako.
Jhon! Bakit? Bakit hindi mo ako kayang mahalin tulad ng nararamdam ko ngayon? Bakit hanggang doon lang? Jhon please mahalin mo rin sana ako—
Beeeeeeeeeep. BOGSH!!
Bigla akong napahinto sa pagtakbo at dahan-dahan lumingon sa likuran.
Pagkakita ko sa kanya nanginginig ang katawan ko at bumuhos na ata lahat ng luha ko. J-JHON!
“JHON! ” sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya.
“JHON PLEASE. IDILAT MO ANG MGA MATA MO PLEASE! HUWAG MO AKONG IWAN! JHON PLEASE. ” nagsisigaw kong sabi. Pero wala. Nakapikit parin sya habang yakap-yakap sya. Wala akong paki-alam kung pati ako ay naliligo na rin sa dugo. Sa sariling dugo ng mahal ko.
“shasha! Ok ka lang?!! ” tanong sa akin ni Francis. Nagulat naman ako sa kanya.. naglalaro nga pala kami!
Teka 60 na score nya??!!! At ako ay 45 parin! Anong nangyari?!
“anong nangyari?? 60?45!” gulat kong tanong
“bakit ka umiiyak? ” sabi nya. Napapahid naman ako bigla sa mata ko. Bakit ako umiiyak? Sh*t dito pa talaga!!
“ tears of joy! Panalo kana eh. " nag fake smile naman ako. Grabeh lang dahil sa birth mark nya na kagaya ni jhon ay naalala ko na naman si jhon ang best friend/first love ko. Dahil doon na distract ako sa laro namin ni francis. Love is a distraction talaga!!
~~~~~~~~~~~~

BINABASA MO ANG
LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)
Dla nastolatkówMay kanya-kanyang panahon ang lahat ng bagay. Matuto kang maghintay. Lalo na kapag pagdating sa pag-ibig hindi mo dapat minamadali yan. Darating at darating ka rin sa LOVE na yan. Kaya WAIT LANG! Start: January 1, 2015 End: March 22, 2015 Innocen...