Chapter 17 epal !!

221 16 2
                                    

Sharla's POV

Uie! Francis :) Sharla :) nandito rin pala kayo?

WOW!!  Timing na timing !!! Nandoon na ehh..

Teka,

Totoo ba lahat ng sinabi ni Francis ?! Gusto nya kaya ako?

Heller ~ hindi naman ako manhid noh! Alam ko doon na yun papunta. Pero ayoko rin maging assuming!!

Ano ba?! Eeeee, paano kung yun nga ang gusto nyang sabihin?

Handa na ba ako para magmahal uli?

Ito na ba ang tamang panahon?

Lord, si Francis na po ba?

“Oh, bakit ang tahimik nyong dalawa? Tyaka makikishare ako ahh :) ” sabi nung epal !! Kainis!! Eeeeee, kilig na kilig na ako kanina *.*

“ Naka upo kana! Ano pang magagawa namin?!!!” naiinis na sabi ni Francis.

“hahaha ,, oo nga naman :) may hinihintay rin kasi ako .. ang tagal ng taong yun!!”

C.R lang muna ako.” sabi ko... kailangan kong huminga.. hooo ~ grabeh! I need air.

hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman basta ang alam ko lang gusto kong palagi kitang nakikita, palagi kang nasa tabi, simula palang natutuwa na ako sa sayo :) simula palang nasabi ko na ibang-iba ka sa mga babae dyan. Pero hindi ko inaasahang sobrang iba ka nga talaga sa kanila kasi ikaw lang. Ikaw lang ang——

Auuuurrrrrgggggh!!  Ano ba?!

Hindi ko makalimutan ang sinabi nya..sobrang kinikilig ako habang sinasabi nya yan kanina..

Hindi ko akalaing sasabihin nya yun :) akala ko talaga one sided love ang mangyayari -.-

Oo, gusto ko sya.

I really like him pero hindi ko masasabing love..

Hindi ko alam.

Nung nainlove ako kay Jhon nasabi ko agad na love ko sya pero infatuation lang naman yun. Tyaka ang bata ko pa nun!! 

Paano ba masasabing love muna ang like mo?

Hay ~ nakakabaliw ang ganito !!

Lord ikaw na po ang bahala sa akin..

Pagbalik ko sa table namin ay nandoon parin ang epal na yun! Grabeh!! Naiinis talaga ako sa kanya.. bakit ba kasi sya dumating?

Ano kayang pinag-uusapan nila ni Francis? Parang seryosong-seryoso sila ahh..

“Oh, Ivan :) sorry late ako ~ kanina ka pa?” masiglang sabi ni Zia nung makita nya si Ivan sa table namin.

Oo si Ivan yung epal at si Zia pala yung hinihintay nya.

May something ata sa dalawang to...

Mukha talaga eh.. :) naglilihim na sa akin si Zia -.-

Nakangiti akong bumalik sa table namin..

“ Sharla :) wow. Nandito ka rin pala akala ko nag-iisa lang si Francis ..” Zia

“ Nagkita kasi kami kanina.. hehehe,,
Uie Zi, bakit kayo magkikita ni Ivan? may date ba? Hahaha” pagbibiro ko.. si Ivan siguro yung sinasabi nyang crush nya :)

“Yay! m-may ibabalik kasi ako sa kanya.. Hoy Ivan! eto na oh..” Zia , sabay bigay nung jacket.. mamaya ko nalang sya tatanungin kong anong ibig sabihin nung jacket..

“kung maka hoy!! Salamat ahh.. nalinis mo na to?” Ivan..

linis na linis na po !! Tss.” Zia

“good!” Ivan.

Ok. Nandito pa kami ni Francis :) halata nyo??

Dalawa na silang epal ngayon.

Zia POV

Nandito kami ngayon ni Ivan sa coffee shop kung nasaan sina Francis at Sharla dahil kami ni Ivan ang dakilang epal sa kanilang whatever pag-ibig!!!

Sinadya talaga namin ito ni Ivan [smirk]

Alam kong nandito sila ni Sharla kasi kanina ko pa sinusundan si Francis.. Hindi ako stalker !!

Ang ganda ko namang stalker noh!!

Isa lang talaga akong good follower.. hahaha...

Kanina sa park ko pa na f-feel na may ipagtatapat si Francis kay Sharla lalo na nung lapitan nya si Sharla na umiiyak. Tss! Ang O.A talaga ng babaeng yun..

Tinawagan ko agad si Ivan para hindi matuloy ang plano ni Francis.

Ang galing ng timing namin! Halatang na bw***t si Francis.. [evil laugh]

Nakaplano na ang lahat!! Yung sinabi ko kay Ivan,yung jacket, yung pag-aaway namin SCRIPTED!!! 

Hindi man namin narinig yung pag-uusap nila pero alam ko. Alam na alam kong confession failed si Francis!! Hahahaha..

Sa akin ka dapat mag confess Francis! Hindi dyan sa baliw na babaeng yan!! Sa akin lang.

Akin ka lang!

Sharla's POV

Sabay-sabay na kaming umuwi.. Nasa iisang subdivision rin naman kasi kami.

Sina Zia at Ivan ayun nag-aaway pa rin. Ang cute nga nilang tingnan eh~ hehehe.. Si Francis naman, eto sa tabi ko! tahimik pa rin .. ang awkward nga ehh.. Hay ~

Una naming nadaanan ang bahay nina Zia..

“bye Zia :) see you tomorrow sa school :)” ako.

yeah :) bye guyz.. ” zia..

Lakad. Lakad. Lakad.

“oh paano,, ito na yung bahay namin :) ..” Ivan

“sige, bye.” ako.

“Francis! Bukas ha.. [smirk]” sabi ni Ivan saka pumasok na sa bahay nila.

Ano kaya ang ibig nyang sabihin doon?

“ano bukas?” tanong ko kay Francis habang naglalakad kami..

wala yun!!” Francis.. hmmmm. Ok?

“Pasok na ako :)” sabi ko nung makarating na kami sa bahay ko

“s-sige :)”

Papasok na sana ako nang bigla syang magsalita.
“mag uusap tayo bukas..”

Tumango lang ako.. OM!! bukas talaga??

Lord,, kayo na po bahala -.-

~~~~~~~~•~~~~~~~~~

Abangan kung anong mangyayari bukas :)

Vote & comment
VOMMENT :D

LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon