Zia's POV
"Ilang beses ko ba dapat sabihin na wala akong inaagaw sayo!! Zia naman!! Best friend kita kaya hwag mo namang isipin yan. Pantay lang tayo! Tandaan mo yan.." Sharla.
" kailan man hindi ko naramdamang pantay lang tayo! Kasi puro ikaw lang yung nangingibabaw. Tyaka best friend? Wala akong best friend Sha!!" Puno ng puot at inggit kong sabi.
" Zi- n-ni minsan ba naisip mong best friend mo rin ako? " naluluhang tanong ni Sharla.
"h-h-hindi." nakayuko kong sabi.
Pinagsisisihan ko ang mga sinabi kong yan!!!
Naiinis ako sa sarili ko.
Dahil sa inggit ko kay sharla nawalan ako ng kaibigan. Ng totoong kaibigan.
Ilang araw na rin ang lumipas simula nun. Ang araw na pinagsisisihan ko -.- sana hindi nalang dumating yung araw na yun.
Alam ko hindi na ako mapapatawad ni Sharla.
Alam ko hindi ako totoong kaibigan!
Alam ko ang tanga ko!
Alam ko ang sama ko!
Tama talaga ang kasabihan na kapag Ang puso mo ay punong-puno ng inggit lalabas sa bibig ay puro panlalait.
Noon, nilait ko si Sharla. Pinagsalitaan ko sya ng hindi maganda. Naging plastic ako!
Pero
Ngayon, nagsisisi na ako. Walang magandang naidudulot ang inggit at panlalait. Sana mapatawad pa ako ni Sharla.
Lunch break na...
Noon, kasama ko palagi si Sharla.
Ngayon, mag-isa na lang ako.
Nakaka miss ang best friend ko -.-
Best friend? Akala ko dati hindi ko sya best friend. Akala ko dati, hindi ko kailangan ng kaibigan o best friend man kaso Mali ako. Maling-mali.
Sharla's POV
Mag-isa lang akong pumunta sa canteen para mag lunch..
Nakakapanibago ang ganito. Ang hirap palang mapag-isa. Siguro nahihirapan din si Zia ngayon..
Masungit ako. Pero bakit ganoon, hindi ko kayang magalit kay Zia.
" Pwedeng maki-share?" napatingala ako sa nagsalita. Si Francis -.-
Kanina hindi ko sya pinapansin. Hindi ko alam kong bakit!! Basta ayaw ko muna syang pansinin .
Tatanggi sana ako kaso umupo na sya. Tsk.
" Sha, about nung one on one-"
pinutol ko ang sinabi nya. Hindi pa ako handa.
"hwag muna ngayon." Sabi ko nalang.. alam ko din naman ang dahilan nun.. sinabi na ni Ivan.
" sorry." francis.
"hwag munang isipin yun. Natapos na eh.." walang gana kong sabi..
Saan kaya si Zia ngayon? Ba't wala sya dito sa canteen?
" Sharla." seryosong sabi ni Francis.
Tinitigan ko naman sya at mukhang may gusto syang sabihin.
Siguro sasabihin nya na -.- hwag muna ngayon !
" hwag muna ngayon -.- " naka yuko kong sabi.
" maghihintay ako. " ngumiti naman ako sa sinabi nya..
~~~~~~~•~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
LOVE ? WAIT LANG !! (COMPLETED)
Novela JuvenilMay kanya-kanyang panahon ang lahat ng bagay. Matuto kang maghintay. Lalo na kapag pagdating sa pag-ibig hindi mo dapat minamadali yan. Darating at darating ka rin sa LOVE na yan. Kaya WAIT LANG! Start: January 1, 2015 End: March 22, 2015 Innocen...