"So, magkasama sina Tzar at Sean ngayon? Akala ko ba susunod sila sa atin?" Nag-tatakang tanong ko.
"Yun din ang alam ko." Melody answered.
"Baka naman nag-ge-get to know each other lang sila. Remember, hindi nila kilala ang isa't-isa 'diba?" Gilia said. May punto sya. Tumango nalang kami at nag-patuloy na sa pagkain. Well, bagay naman silang dalawa kaya okay lang na magkatuluyan sila. 'Wag lang magkamaling saktan ni Sean ang bestfriend ko kundi ako talaga ang makakalaban nya. Wait, kami pala.
"Alam mo, sa tingin ko, tinamaan na yung kambal mo kay Tzar." Biglang sabi ni Maura.
"Yun din ang tingin ko." Pagsasang-ayon naman ni Cristine.
"Well, wala namang masama dun. Besides, single naman silang dalawa 'diba?" Sagot ko. Tumango sila.
"Kyaaaa! Clawd!"
"OMG! Clawd!"
"Clawd! Baby! Why are you so hot?!"
Narinig kong sigaw ng mga babae sa cafeteria. I rolled my eyes in annoyance as I continued to eat. I heard the four of them giggled.
"What?" I asked.
"Wala naman.." Melody replied, smiling like an idiot.
Psh. Crazies.
"Janilla." I heard someone who called my name. I looked up just to find an annoyed face of Clawd. Psh. What does he need this time?
"O?" I retorted.
"Come with me." He said and suddenly grabbed my wrist and pulled me up. The four girls just waved at me while similing widely.
"Ano nanaman bang kailangan mo?!" I angrily said when we reached the school's garden.
"Ikaw." He replied with a serious tone. I frowned at him as he sighed.
"I need a date this coming saturday. Wala na akong maisip na ibang babae kundi ikaw. Ikaw lang naman yung babaeng hindi patay na patay sa akin ngayon dito sa school eh." He added.
"Anong ibig mong sabihin sa ngayon?! Psh. Bakit naman daw ako papayag na maging date mo, aber?" Tanong ko at namewang.
"Debut ng pinsan ko ngayong sabado at sabi nya magdala daw ako ng date. Yun nga, ikaw yung agad na pumasok sa isip ko." He answered.
"Ayoko."
"Huh?!"
"I said ayoko. As simple as that."
"No! Hindi ka pwedeng humindi."
"Actually, naka-hindi na ako."
"Please lang, be my date. Ngayong sabado lang naman eh."
"Ayaw ko nga. Ba't ba ang kulit mo?"
"Kapag hindi ako nag-dala ng date ko, ipapa-arrange marriage nila ako."
"Then?"
"I don't want to!"
"Bakit ka ba nila ipapa-arrange marriage?" Syempre, curious ako eh. 'Wag ka nga. He sighed and looked down.
"Nung nalaman nila mommy na nag-break tayo, nagalit sila sa akin. She said you were like a daughter to her and she doesn't want you to get hurt pero sinaktan raw kita. That time, hindi na nila ako kinausap until dumating yung araw na sinabi nila sa akin na kapag hindi tayo nagka-balikan, ipapa-arrange marriage nila ako."
"So, you're only doing this for your sake?! You're so selfish Clawd! Hindi mo man lang ba muna aalamin ang mararamdaman ko kapag ginawa mo yun? Na babalikan mo lang ako because you were told so and because you don't want to be married?! How selfish of you. Hindi ka pa din talaga nag-babago." I exclaimed trying to hold my tears back. I turned my back at him and ran away.
Bakit mo ba 'to ginagawa sa akin Clawd?! You're only trying to get things worst! Mag-mo-move on na ako eh! Nandun na eh tapos bigla-bigla ka nalang e-epal! Tumutulo na ang luha ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong mga paa ko. Basta. Bahala na si batman.
Naiinis ako ng superb sa kanya. 'Tong pesteng puso ko naman kasi eh, napaka-assuming! Bwisit. Akala ko niyayaya nya akong mag-date dahil mahal nya pa ako, yun pala dahil sinabihan lang sya! Ang saya naman talaga ng buhay ko eh, ano? Potek na yan. Puro pasakit nalang ang binibigay ni tadhana sa akin eh!
Hoy tadhana! Ano bang kasalanan ko sayo at bakit parang galit na galit ka ata sa akin?! Psh.
'Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa gym ng school. Tumingin-tingin muna ako sa paligid bago pumasok. Walang ibang tao kaya safe mag-emote dito. Wala naman sigurong practice ang basket ball team mamaya kaya dito muna ako mags-stay hanggang sa uwian na. First time kong mag-cutting at dahil yun sa pesteng Clawd na yun! Pag talaga bumaba ang grades ko papatayin ko yung langyang yun!
Umupo ako sa isa sa mga bench na nandito sa gym at yumuko. Hindi pa din tumitigil ang mga luha ko. Hindi ba ako made-dehydrate nito? Baka mamaya maubusan ako ng tubig sa katawan kakaiyak. Psh.
Pinunasan ko ang mga luha na walang tigil sa pag-tulo galing sa aking mga mata at nag-buntong hininga. Kung pumunta kaya akong Korea at dun muna mag-stay? Pero ayaw ko namang iwan ang mga bestfriends ko dito at for sure hindi papayag sina mommy.
I think kailangan ko nalang talagang iwasan si Clawd para hindi ako mahulog sa kanya. Balon kasi sya eh. Tanga lang ang mahuhulog sa kanya at ako yun.
Akala ba nilang lahat naka-move on na ako? Pwes, akala lang nila yun. For pete's sake! Ang hirap mag-move on.
Ang daling matulog ang hirap bumangon. Ang daling mahulog ang hirap mag-move on. O diba? Nakakainis. Hindi ko din naman kasi alam na masakit palang mag-mahal. Okay naman kasi kami dati eh. Pero dati yun. Iba na ngayon.
Ang sakit. Super sakit. Pero kakayanin ko para sa mga kaibigan ko at para sa sarili ko.
"Janilla, fighting! Kaja!" I mumbled to myself and wiped the tears on my face using my handkerchief. May pupuntahan pa ako.
Sumakay ako ng taxi at huminto sa bilihan ng mga bulaklak. Ngumiti ako sa sarili ko nang makakita ako ng roses. For sure magugustuhan nya 'to.
Mahilig kasi sya sa roses. Especially yung color white. Nung tinanong ko sya kung bakit white yung gusto nya.
"Because white means peace." Ang sagot nya. Napangiti nalang ako sa sarili ko. Excited na akong makita sya!
***
A/N:
Sino sya? OMO. Hoho.
Follow nyo ako sa twitter guyth, @GoddessOfTemp. :)
BINABASA MO ANG
False Love
RomanceYung feeling na minahal mo sya ng sobra-sobra pero sya niloloko ka lang pala. Masakit, syempre. Ganoon ang naramdaman ni Janilla nung nalaman nyang niloloko lang sya ng ex-boyfriend nya. Nasaktan sya, nang SOBRA. 2 years din kasi syang nagpakatanga...