FL 5

66 4 0
                                    

Bored. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Nandito ako sa classroom at hinihintay ang prof namin. Wala din akong maka-usap kasi ang layo ng upuan naming anim sa isa't-isa. Ewan ko ba sa teachers namin at ayaw nilang nag-tatabi kami. Mga KJ.

After a few minutes ay pumasok na ang prof namin at nag-simula ng mag-lesson. Ako? Ayun. Naka-tunganga. Ayaw kong makinig. Nakakatamad kaya.

***

"Hate ko talaga yung first subject prof natin. Napaka-boring mag-turo." Reklamo ni Cristine. Nasa cafeteria kami ngayon kasi break time na. May reserved table ang GG dito sa cafeteria. Wala pang ibang umuupo dun except sa amin.

"Agree." I seconded.

"Hindi naman. Actually, she's one of my favorite prof. Ine-explain nya kasi ng maayos yung lesson kaya naiintindihan ko agad kahit na medyo mahirap." Maura said.

"Para sayo. Mahilig kang mag-aral eh." sabi ni Gilia. Maura just shrugged her shoulders.

Umupo na kami sa table namin dala ang foods na inorder namin. Sandwich at iced tea lang yung inorder ko. Busog pa kasi ako.

Nagsimula na kaming kumain nang biglang may sumigaw ang ibang mga babae.

"Kyaaa!"

"OMG! So hot!"

"Clawd!!"

"Christian!"

"Kent!"

"John!"

"Kevin!!"

"Sayang wala si Sean!"

Edi sila na ang mga sikat. Psh. Mga pasikat. Nakita kong tumingin si Clawd sa dereksyon namin at ngumiti sa akin. I rolled my eyes at him. Ang fc nya. After nyang makipag-break sa akin, ngingitian nya lang ako? Ha. Mamatay na sana sya. Bwisit.

"Janilla? Why are you murduring your sandwich?" Nabalik ako sa reality kasi narinig kong nag-tanong si Tzar sa akin.

"H-huh?" I asked and looked at my sandwich.

OMG. Namurder ko nga sya. Napangiwi nalang ako at umiling. Juice nalang ang iinumin ko. Kawawa naman ang sandwich ko. Langya kasi yung Clawd na yun eh. May pangiti-ngiti pang nalalaman. As if naman gwapo sya! 

"I saw it. He smiled at you right?" Biglang sabi ni Melody at ngumisi. I rolled my eyes at her.

"Sino?" Tanong ni Maura.

"Ngumiti si Clawd kay Janilla!" Gilia answered.

"Ang ingay nito. Kailangan i-announce?" Pambabara ni Cristine.

Natawa nalang kami at nagsimula nalang ulit kumain.

***

Uwian na! Dumeretso agad ako sa parking lot. Nakita ko ang kotse namin. Pumasok na ako sa loob.

"Hi manong." I greeted our driver pero hindi ako nakatingin sa kanya. Tinetext ko kasi ang GG na mauna na akong umuwi.

Hindi nag-salita ang driver namin kaya hinayaan ko nalang.

Maya-maya pa ay nagulat ako kasi hindi ako sa bahay dinala ng driver namin. Sa park.

Sa park kung saan kami nag-kakilala.

"Manong, ano pong ginagawa natin dito?" I asked our driver.

Lumabas sya sa loob ng kotse at pinag-buksan ako ng pinto. Lumabas ako at nagulat ako sa nakita ko.

"Clawd?!"

"The one and only." He replied with a smirk.

**

Sarreh sa late UD guyth. May sakit kasi si Otor. Huhu.

False LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon