Exam pero nakuha ko pang mag-update. Yan tayo eh. Mwahahaha.
Update Time!--------
Nakauwi na ako galing sa party ni Joy which is Clawd's cousin. Enjoy yung party. Bago kami umuwi, nag-paalam muna kami kay Joy tapos yun, after 1 year pa kami bago naka-alis kasi ang daldal nya. Buti nalang sumingit si Clawd sa usapan namin kanina kundi naku. Aabutin siguro ako ng isang dekada dun.
Speaking of Clawd. Bwisit talaga yung epal na drug dealer na yun. Sarap sapakin eh. Kainis lang. Ang pingtataka ko eh bakit ako kinakausap ni Clawd na parang wala kaming past? Yung parang normal friends lang kami. I sighed.
"Janilla. Staph! You're thinking about Clawd again." I scolded myself before I reached my phone. I unlocked it and opened the Facebook application.
I tapped the status button before typing,
Janilla Oh
This day is so tiring. Gonna sleep later. Jalgayo!
#Watdapak
#GorgeousGalzPoreber
I tapped the post button and placed my phone on the desk near my bed. I laid flat on my bed and stared at the ceiling. I closed my eyes and tried to sleep but that Clawd bastard's face keeps on appearing.
"Syetness. Babangungutin ata ako nito eh." I mumbled before I stood up and stepped out of my room.
Bumaba ako at nakita ko si Sean na may kausap sa phone nya tapos nakaupo sya sa sofa sa sala.
"Okay. Good night...love." Narinig kong sabi nya. Muntik tuloy akong mahulog dito sa hagdan namin. Kaloka.
"Oy lalaki. Ke-gabi-gabi lumalanjutay ka! Matulog ka na. Aba!" I scolded him. Nagulat naman ata sya nung narinig yung boses ko. Unti-unti syang tumingin sa akin at nanlaki ang mata. Pa-suspense. Sarap sapakin eh, ano?
"A-ate?"
"Ay hindi. Baka auntie. Tss. Obviously. Matulog ka na nga. Ang landi-landi nito." Pambabara ko sa kanya. Nag-poker face naman sya tsaka tumayo. Lumapit sya sakin tsaka hinalikan yung pisngi ko.
"Good night na ate. Ke-gabi-gabi nambabara ka." Sabi nya tsaka umakyat na.
Kyuryos ako kung sino yung kausap nya kanina pero dahil mabait akong ate ay papatulugin ko muna sya at bukas ko na sya tatadtadin. Tatadtadin ng tanong, syempre.
Nag-lakad na ako papunta sa kusina at nagtimpla ng gatas. Ininom ko ito at hinugasan ang baso na ginamit ko bago ko binalik sa lalagyan.
I decided na pumunta muna sa garden para magpahangin. Umupo ako dito sa bench tsaka tumingin sa itaas. Ang daming stars. Biglang lumakas yung hangin kaya nilamig ako ng super. Tumayo na ako at pumasok na sa loob tsaka ni-lock yung pinto. Umakyat ako papunta sa kwarto ko. I walked inside before I locked my room. Sumalampak agad ako sa kama ko.
I yawned. Epektib talaga yung pag-inom ko nung gatas.
--
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Ugh. Pinatay ko ito at tiningnan kung anong oras na.
6:58 am
Psh. Bumangon ako tsaka dumiretso sa harapan ng salamin. My gosh. Ako ba 'to? Dapak lang. Ang ganda ko pa din kahit bagong gising ako. Hahaha. Pagbigyan nyo na ako. Minsan lang yan. Hihi.
Nag-inat-inat ako. Hm.. sunday pala ngayon. Sinuklay ko yung buhok ko tsaka nag-lakad papunta da bathroom. Nag-hilamos ako tapos nag-tooth brush. Pinunasan ko yung mukha ko ng face towel bago ako bumaba.
BINABASA MO ANG
False Love
RomanceYung feeling na minahal mo sya ng sobra-sobra pero sya niloloko ka lang pala. Masakit, syempre. Ganoon ang naramdaman ni Janilla nung nalaman nyang niloloko lang sya ng ex-boyfriend nya. Nasaktan sya, nang SOBRA. 2 years din kasi syang nagpakatanga...