FL 17

35 4 1
                                    

Pagpasok ko sa loob ng unit ni Clawd eh gusto ko ulit lumabas. Jusme. Ang dumi! Ilang taon bang hindi naglinis 'tong nilalang na 'to?! Yung mga basura na pinagkainan nya, naka-kalat sa sala tapos yung ibang shirts nya nasa itaas ng t.v, sa table, or di kaya nasa sofa. Yung unit nya parang nasalanta ng bagyo!

Inilapag ko yung dalang paper bags ko na may lamang foods sa table ng kusina nya. Paglabas ko ng kusina ay nakita ko si Clawd na naka-upo lang dun sa sofa ng sala habang nanunuod ng t.v. Hindi ba sya naba-bother dyan sa damit nya na nasa itaas ng t.v?

"Psst. Kailan ka huling naglininis ng unit mo? Harujusko. Parang nasalanta ng bagyo 'tong unit mo." Sabi ko tsaka tumabi sa kanya dun sa sofa.

"Yesterday." Maikling sagot nya.

"Yesterday?! Nagpapatawa ka ba?!"

"Mukha ba?" Humarap sya sakin nang naka-poker face. I cleared my throat.

"Sabi ko nga hindi. Pero seriously, bat ganito 'to? Ang kalat."

"My brother came here earlier."

"Oh, tapos?"

"He's the one who did this to my unit."

"Ni hindi mo man lang nilinis?"

"I'm too tired to do that."

"Tired? Jusme. Eh ito ka nga oh, naka upo sa sofa mo habang nanunuod ng t.v. Anong nakakapagod dun, aber?"

"You talk like a mom." Inis na sabi nya.

"So what? Aish. Maglinis ka nga ng unit mo."

"Don't wanna."

"Maglinis ka kasi. Ang kalat oh."

"Para namang hindi ka pa sanay na makitang ganito kakalat ang unit ko." Sabi nya. Natahimik ako. Oo nga pala. Madalas akong dumalaw sa kanya dito sa unit nya dati nung kami pa. Aish.

Tumayo ako at kinuha yung damit na nasa ibabaw ng t.v nya then yung mga ibang naka-kalat  na damit sa unit nya. Nilagay ko sa isang basket tapos nag walis ako then nag-mop na din. Kinuha ko yung basket na may lamang damit nya then dumiretso sa kung saan pwedeng mag-laba.

Hinanda ko yung washing machine tsaka nilagyan ng tubig then powder tapos hinintay ko na bumula then nilagay ko na yung mga damit nya doon. Bakit ako naglalaba? Wala lang. Paki mo ba? Eh sa trip ko eh.

Pagkatapos kong mag-washing eh sinampy ko na yung mga damit nya sa sampayan. Pumasok ako ulit sa unit nya tapos dumiretso sa kusina. Sinuot ko yung ginagamit sa pag-hugas na gloves then nag-simula na akong mag-hugas ng plato.

"What are you doing?" Biglang tanong ni Epal na nasa likod ko.

"Baka kinakain yung plato. Malamang nag-huhugas. Duh." Pagsusungit ko. Naramdaman ko namang umalis sya. Aish.

Natapos na akong mag-hugas ng plato kaya naman ay nilagay ko na sa dapat kalagyan. Paglabas ko ng kusina eh wala si epal. Narinig kong umaandar yung shower sa kwarto nya. Naliligo ata. Inayos ko yung sofa nya tsaka umupo. Kinuha ko yung phone ko tsaka in-on yung wifi. Pinindot ko yung wifi sa unit nya. May password. Psh. Ano naman kaya 'to?

Sinubukan ko pero wala pa din. Ti-nry ko yung birthday nya tsaka pangalan nya pero wala. Aish. Na-try ko na din yung full name nya pero hindi pa din. Ti-nry ko yung pangalan ko tsaka birthday then boom! Authenticating..CONNECTED. Yehet!

Pero wait. Pangalan at birthday ko?! Wtf?!

"Owl." Nagulat ako kasi may biglang nag-salita. Paglingon ko. OMG. Agad akong umiwas ng tingin. Dapak. Naka-topless si Clawd. Emeghed. I kennat. Narinig kong nagpipigil sya ng tawa. Tumabi sya sakin pero this time may shirt na sya. Hoo. Grabe lang. May abs sya ah. In fairness.

Itinuon ko nalang yung attention ko sa cellphone ko tsaka nag-facebook. Weh? Birthday pala ni baozi nung March 25? Bat diko alam. Hm.

"Movie marathon tayo?" Sabi ko sa kanya. Bored kasi.

"Ano naman papanuorin natin?" He asked.

"Pinocchio!" I exclaimed.

"Ano tayo? Bata? Tss."

"Yung pinocchio na korean ang ibig kong sabihin! Eneber."

"Tss. Wala akong cd nun."

"Poor. May dala ako. Oh." Inabot ko sa kanya yung pinicchio na cd. Nabili ko lang 'to kanina sa flower shop. Astig diba? Flower shop pero may bentang cd's tsaka pagkain. Hahaha.

"Poor ka dyan. Tss. Akin na nga yan." Hinablot nya naman yung cd tsaka nilagay dun sa dvd. Nag-play na yung episode 1. Omona! I'm so excited. Ang gwapo pa naman ni Jong Suk beb dito. 

Otor's P.O.V (Walang pakialamanan! Perstaym to!)

Habang nanunuod ay nakaramdam ng antok si Janilla. Kahit na gustong-gusto nya pang manuod eh hindi na kaya ng mata nya. Nakatulog sya at aksidente nyang nalagay ang ulo nya sa balikat ni Clawd. Napatingin si Clawd sa natutulog na sya at hinawi ang buhok na nakaharang sa maganda nyang mukha.

Hinalikan ni Clawd ang noo ni Janilla tsaka ngumiti bago tinuon ulit ang atensyon sa palabas na pinapanood.

Maka-lipas ang isang oras eh hindi pa din nagigising si Janilla. Halatang napagod sya sa ginawa nya kanina. Dahil malapit ng mag-gabi ay ginising na ni Clawd si Janilla. Pero bago nya yun ginawa ay hinalikan nya muna ang pisnge nito tsaka ginising.

Janilla's P.O.V

Naramdaman kong may humalik sa pisnge ko tapos may parang sumampal-sampal sa pisnge ko. Mahina lang naman pero sapat na para magising ako. I opened my left eye then umayos ako ng upo. Pumikit ako tsaka binuksan ko ulit yung mata ko.

OMG! Nanunuod nga pala kami ng Pinocchio kanina pero naka-tulog ako. Huhuhu. Baka magalit si Jongsuk beb sakin nito kasi hindi ko natapos panuorin yung movie nya.

"What's with that face?" Tanong ni Clawd.

"Wala." I answered. Tiningnan ko kung anong oras na.

5:56 pm.

Aish. Malapit na palang mag-gabi. Tumayo ako tsaka nag-inat. Inayos ko yung sarili ko. Nag-lagay ng lipgloss, nag-pulbos tapos nag-perfume.

"San ka pupunta?" Tanong ni Clawd.

"Sa bahay malamang."

"Bakit kapa nag-aayos kung bahay lang din naman ang pupuntahan mo?"

"Paki mo ba? Malay mo may makita akong gwapo dyan sa daan oh edi hindi nakakahiya."

"Tss."

May period nanaman ata 'tong epal na 'to eh. Hinayaan ko nalang. Kinuha ko na yung bag ko tsaka akmang aalis na nang biglang nag-salita si epal.

"I'll send you home."

"Weh? Paano yan? Ite-text mo ako sa bahay namin?"

"Corny mo. Let's go." Hinila nya ako palabas tapis ni-lock nya yung unit nya. Naka-hawak lang sa kamay ko hanggang sa nakarating kami sa parking lot. Aba't ang epal, pinag-buksan ako ng pinto.

Pumasok naman ako. Umikot sya tsaka pinaandar yung kotse then nag-simula nang mag-drive papuntang bahay. Tahimik lang yung buong byahe. Eh sa ayaw nyang mag-salita eh.

Naka-rating na kami sa bahay kaya naman bumaba na ako. Akala ko aalis na sya pero bumaba pa sya sa kotse nya tsaka nag-lakad palapit sakin.

Nag-lean sya tapos bigla nyang hinalikan yung lips ko! Wtf. Nanlaki yung mata ko. As in. He broke the kiss tsaka tiningnan ako.

"Thanks for cleaning my unit. That's my thank you gift for you." Sabi nya. Hinalikan nya yung cheeks ko. "Bye." Tapos kumindat pa sya.

Ako? Eto. Nakatunganga pa din sa harap ng bahay namin. Bumosina sya tapos umalis na. That was the second time he kissed me!

--
A/N:

Dedicated 'to kay TheSupahVenus dahil sabi nya gusto nya raw may kissing scene ulit sina Janilla tsaka Clawd. Hi! Eto na yung request mo beh. Pinagbigyan kita kasi maganda ako. Charot. Hahaha.

By the way, greet nyo naman ako. Graduate na ako. Huhu.

Mami-miss ko si kras T^T hashtag: Yolandiiiii

Ge bye. Thanks for reading. :*

False LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon