FL 10

64 4 0
                                    

At dahil nga matagal akong nakapag-update, maga-update nanaman ako. Hoho. Nagre-reklamo na din kasi yung mga classmates ko. Bitin daw. Malamng. On-going eh.Pati adviser nga namin nag-reklamo nadin. XD. O sya sige. Ito na ang update. Saksak nyo sa mga bag nyo! Dali! Dejookkkee. Inspired si otor-nim habang tina-type nya 'to. Bakit? Kasi kumakain sya. K. Update time.

***

"Bakit ngayon ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Sean nang makarating ako sa bahay.

"May ginawa lang. Something very important." Pag-sisinungaling ko. I saw him frowned.

"Sya ba?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Sean.

"Huh?"

"Binisita mo nanaman sya, 'diba?"

"W-what do you mean?" I gulped.

"Alam kong pinuntahan mo nanaman sya kanina."

"Fine! Binisita ko sya. Happy?"

"Shit. I told you. 'Wag na 'wag mo syang bibisitahin."

"She's my bestfriend! Hindi ko kaya ang layuan sya!"

"You have to! Kailangan mo!"

"No! Never! As if naman kaya nya pa akong saktan.."

"She can't but her family can!"

"Kahit anong sabihin mo, hinding-hindi ako lalayo sa kanya. Palagi ko syang bibisitahin."

Umakyat na ako sa kwarto ko at malakas na sinerado ang pintuan. Umupo ako sa dulo ng kama ko at nag-buntong hininga. Kung nandito siguro sya ngayon, malamng maiintindihan nya ako.

Humans are so complicated. I sighed before I changed into a pair of pajamas and brushed my teeth. Hindi na ako kakain. I'm still full.

Humiga na ako sa kama ko at pinikit ang mata ko. Hoping na sana pag-gising ko, wala na ang sakit na nararamdaman ko.

***

Nagising ako dahil sa alarm clock ko. I groaned and reached for it before I pressed it's off button. I sat up and yawned while rubbing my eyes. Tumingin ako sa alrm clock ko. It's still 6:00 am.

Tumayo na ako at hinanda ang uniform na susuotin ko. Pumasok ako sa bathroom ng kwarto ko at naligo.

Saktong pag-labas ko ay 6:20 am na. Nag-bihis na ako at nag-suklay ng buhok. Nag-lagay ako ng konting powder at konting lip gloss tapos... TADAH. I'm done. Bumaba na ako at sinuot ang sapatos ko.

Nakita ko si Sean na kumakain sa kusina. Ang parents kasi namin nasa Korea, inaasikaso ang company namin dun.

Umupo na ako at nag-simula ng kainin ang sandwich ko. Ininom ko ang gatas ko pagkatapos ay nag-tooth brush na. Kinuha ko ang bag ko at akmang lalabas na ng bahay nang bigla akong hinila ni Sean at niyakap ng mahigpit. Sabi na nga ba hindi ako matitiis nitong kakambal ko eh.

I smiled as I hugged him back. We pulled away and I saw him smiled at me.

"Tara?" I asked and he nodded. Sabay na kaming pumasok sa kotse.

"Mukhang nagkakamabutihan a kayo ni Tzar ah?"

"Ha?"

"Crush mo sya ano?"

False LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon