Hila-hila pa din ako ni Clawd at mahahalata mo talaga sa mukha nya ang pagkainis. Huminto sya kaya napahinto din ako.
O___________O
"Pasok." He commanded. Agad naman akong pumasok at isinara yung pinto ng kotse. Gosh. Totoo ba yun? Pinag-buksan nya ako ng pinto! Kahit nung kami pa hindi nya yun nagawa! What is with him? Pero kahit na ganun, kinikilig pa din ako.
"Tss. Damn." Narinig kong bulong nya. Tiningnan ko sya at nakita ko ang inis sa mga mata nya.
"Fuck that waiter." Ano namang kinalaman nung gwapong waiter na yun? I shrugged my shoulders off and checked my phone. Baka may text message, naka-silent kasi 'to eh. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko sa screen. As in.
From: Lil'Bro
Ate ate ate! Where are you? -3- I'm at our house now! Didn't you miss me? Why aren't you here? I miss you ate! GO HOME NOW. :D :*
Ansabe? Nakauwi na sya? Akala ko next month pa? Ugh. 'Tong batang 'to talaga.
"Ah, Clawd. Pwede paki-bilisan ang pag-drive? Naka-uwi na kasi ang kapatid ko eh."
"Si Sean?"
"Yeah." Tumango nalang sya and yun nga. Binilisan nya ang pag-drive. Magkakilala kasi silang dalawa. Infact, sobrang close nila. Yung tipong parang silang dalawa yung talagang magkapatid. -__-
After a few minutes ay nakarating na kami sa bahay. Naka-park sa garage namin yung sasakyan ni Clawd. Para siguro maka-uwi sya mamaya. Kasi diba, yung sasakyan namin yung gamit nya.
Pumasok na ako sa loob at isang mahigpit na mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ng aking nakababatang kapatid. Meet Sean Oh. My little brother. Close kami sa isa't-isa. Friendly sya, jolly basta. Lahat na ata ng positive na pag-uugali nasakanya nya. Ang swerte ng mapapangasawa nito.
"ATEEEEEEEEEEEE~!" Sigaw nya. I hugged him back.
"Ate, namiss kita. Sobra!" Sabi nya habang nakatingin sa akin. Ang kapatid ko binata na. Huhu, iyak. Mas matangkad pa sya sa akin.
"Namiss din kita SeanSean. O, look who's with me." I stated at pinapasok si Clawd. Nagulat si Sean pero maya-maya pa ay nag-palitan sila ng ngiti.
"Have you eaten?" Tanong sa akin ni Sean. I nodded and smiled.
"Yep. With him." I replied pointing the guy beside me. Tumango-tango nalang si Sean at hinila si Clawd papuntang sala.
"Ate, may pag-uusapan lang kami ni Clawd." Pagpapa-alam nya. Tumango nalang ako at umakyat na papauntang kwarto ko. Magbo-boys talk siguro.
Hindi nag-ku-kuya si Sean kaky Clawd. Hindi ko rin alam kong alam kung bakit. Hindi din sya galit kay Clawd nung hiniwalayan ako. Hindi ko talaga minsan maintindihan yung batang yun pero sa tingin ko, may matutuwa sa pag-dating ni Sean. Sino? Ang mga ka-barkada nya. Pero bukod sa ka-barkada nya, meron pa. Hoho. I can't wait for tomorrow to come.
Hindi ko pa pala naikwento sa inyo kung saan galing si Sean. Well, it's obviously obvius na galing sya sa Korea. Seoul, Korea to be exact. Remember, we're half korean. Nag-stay sya dun ng 5 years. I know it's hard for him to leave his friends here 6 years ago but wala syang ibang nagawa. Kailangan nyang sundin sina mom.
Sa pagkaka-alam ko, habang nag-aaral sya dun ay tine-train din sya. Mamanahin nya kasi ang company namin sa Korea while ako naman dito sa Philippines. Wala talaga akong alam sa business pero dahil related sa airplanes ang company namin dito sa Philippines, parang naging interested ako kaya ayun, I tried hard.
Ako ang magiging CEO ng company namin. May airport kami dito sa Philippines pati sa Korea. Pero malayo pa yun.
***
"Tara na?" Yaya ko kay Sean. Sabay kaming papasok. Palagi naman.
"Tara." He replied and dragged me towards the car.
Sumakay na kami at magkatabi kami sa backseat. Habang tinatahak ang daan papuntang paaralan (naks. Makata.) ay nag-ku-kwentuhan lang kami. Yung mga karanasan nya sa Korea. Nakakapunta rin daw sya sa mga concerts ng BTS, EXO, BIGBANG, 2NE1, A-PINK, GOT7, BTOB. Basta madami na syang napuntahan. Huhu. Buti pa sya! Ako na may kamukha sa A-pink hindi nakapunta.
"Tapos alam mo ate, kamukha mo si Oh Hayoung. Yung maknae ng grupo nila!" He stated. Parang amaze na amaze. Ngayon nya lang na-realized? Psh.
"Matagal ko ng alam yan." I proudly replied.
"Yabang." He said and chuckled.
"Ma'am, sir, we're here." Sabi ni kuya driver. Tumango nalang kami at sabay na bumaba.
Habang nag-lalakad kami ay ang mga estudyante naka-tingin sa amin. Well, nagtataka siguro sila dahil nagbalik na si Sean. Kabarkada kasi sya nila Clawd at syempre sikat sya kaso nga lang biglang umalis ang kapatid ko papuntang Korea.
Classmate kami ni Sean sa lahat ng subject. Actually, we're twins. Hindi nga lang halata kasi palagi akong tinatawag ni Sean na ate but the truth is we're twins. Kaso, una akong lumabas kesa sakanya kaya sabi nya ate nya raw ako kahit na magka-edad lang kami. Ang weird nya.
Pumasok na kami sa classroom. "GG." I shouted to get the GG's attention. With matching clapping pa yan ah. Agad naman silang huminto sa mga ginagawa nila at gulat na napatingin sa akin at sa katabi ko. Maya-maya pa ay sabay-sabay silang tumakbo sa dereksyon namin ni Sean. Dinamba nilang apat ng yakap si Sean sabay sigaw ng, "SEAN! WE MISSED YOU!"
Natawa nalang ako. Apat lang silang yumakap kay Sean kasi si Tzar, hindi nya kilala si Sean. Masyado kasi syang busy sa ex-boyfriend nyang ugok dati eh. May call sign pa nga sila nun, babe ata yun. Malandi masyado pakinggan. Like, ew.
BINABASA MO ANG
False Love
RomanceYung feeling na minahal mo sya ng sobra-sobra pero sya niloloko ka lang pala. Masakit, syempre. Ganoon ang naramdaman ni Janilla nung nalaman nyang niloloko lang sya ng ex-boyfriend nya. Nasaktan sya, nang SOBRA. 2 years din kasi syang nagpakatanga...