Chapter 21

668 47 8
                                    


Third Person's POV

Tahimik lang ang paligid at walang nangahas na putulin ang matatalim na titigan nina Eya at ng bagong dating na lalaki, si Cralitos.

"A-Anong kailangan mo sa'kin?" Takang tanong ni Eya. Pilit na nilalabanan ang kaba sa kaniyang dibdib.

Ramdam niya ang malakas na enerhiya mula sa lalaki kaya alam niyang hindi ito basta-basta kung kakalabanin niya. Napapalunok at dasal nalang siya sa kaniyang isip.

Ngumisi ang lalaki, mapang-asar na tinignan siya, "if I say I want you? Would you come wholeheartedly?"

Kahit na kinakabahan ay umingos siya, "ano ako, tanga? Don't talk to strangers and much more don't go around the people with dangerous aura."

Claritos smirked even more, "what are you, a kid? Para lang 'yan sa mga bata." Malamig at seryosong sabi pa niya.

Wala sa sariling napanguso si Eya, "at dahil kasabihan ng mga bata, hindi na pwede gamitin?"

Ang kaninang nawawala na tensyon ay bumalik nang may dumating pa na ibang mga nilalang. Doon na napa-atras si Eya.

'Tengene! Isa laban sa kanilang lahat? Ganiyan sila magkaisa?'

"Nasaan ang mga tao rito, Cralitos? Bakit walang natira kahit na isa?" Matigas na tanong ng isang mataba at malaking lalaki na punong-puno ng awturidad habang nakatitig kay Eya.

"Umalis na sila, natunugan ang pagdating natin." Parang wala lang na sabi ni Cralitos saka tumalikod, "pero may isang natira, kunin niyo 'yan."

Parang natulos naman sa kinatatayuan si Eya sa sinabi ni Cralitos.

'Itong gagong 'to! Ang dami na niyang atraso sa akin. Pero pa'no ako lalaban ng hindi ginagamit ang lakas ko at hindi nila mahahalata na may kakaiba sa akin?'

Habang nag-iisip si Eya kung ano ang dapat na gawin ay bigla namang may nagpasabog sa may banda ng mga nilalang na iyon. Agad na umikot ang mga mata niya kung saan nanggaling 'yon at nakita niya ang isang nilalang na nakalutang at may maskara sa mukha.

'Tama!'

Agad na naglaho si Eya sa kinatatayuan at naghanap ng maskara sa mga tindahan na nandoon. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya ang kulay violet na maskara na maaaring matakpan ang buo niyang mukha.

Agad niyang kinuha iyon at isinuot saka hinarap ang mga nilalang na mukhang nagagalit na sa kung sinong gumawa ng pagsabog na iyon.

"Dakpin ang lahat na nilalang na makikita rito!" Sigaw nong matabang lalaki.

Napaismid si Eya sa likod ng maskarang suot.

'Makapag-utos ang baboy na 'to kala mo hindi inahin ang gago!'

MPLWTFB 2: Whiteria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon