Chapter 39

526 31 2
                                    


Avril Chlea's POV

Napangisi ako nang makita ang reaksyon ng magaling kong kakambal at ang sinasabi ni ama na lolo ko dahil ito ang kaniyang ama na siya ring sumira sa pamilya ko, ang nag kontrol ng lahat.

Tama ang sinabi ng orakulo... isa sa amin ang mapupunta sa kasamaan, at hindi ako iyon kahit na kakampi ko na si ama dahil ang totoong kalaban namin ay ang aking lolo, si haring Lamour.

Nang puntahan ko ang Dark king para kausapin ng masinsinan ay ipinaliwanag niya ang lahat, silang dalawa ni Ina. Kaya nga nang makabalik ako ay malaki ang ngiti ko dahil wala naman talagang giyera ang magaganap pero ayon nga, nagalit ang lahat sa akin nang malaman nilang ama ko ang Dark king.

Bumalik ako ulit kina Ama at ipinaliwanag ang nangyari, doon na nila sinabi sa akin kung ano at sino ang tunay naming kalaban.

Gusto kong sabihin sa lahat ang mga nalalaman ko pero alam kong nandoon sa Whiteria academy si Chloe na kakampi ng lolo namin kaya pinaniwala ko nalang ang lahat na ako ang nasa masama at si Chloe ang nasa mabuti.

Doon naman nagsimula ang plano kong mas lalong magpalakas. Ayaw ni Ina na kalabanin ko ang kakambal ko pero nang sabihin ko sa kaniya ang mga nalalaman ko mula kay Edris ay sinabi niyang siya na ang bahala sa kakambal ko. Kami naman ang bahala sa lolo ko.

Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako sa mga nangyari kina Ama at Ina sa pinagdaanan nila.

Si Ama at Ina ay totoong nagmamahalan pero dahil nasa magkabilang panig ang lahi nila ay nagpasya silang panatilihin itong lihim. They secretly started their love story and when it starte to bloom like a beautiful flower, that's the time that my grandfather, haring Lamour intervene.

Ginamit niya ang pagmamahal ng aking Ama para kontrolin ang lahat. He tried to convince my father to let my mother fall for their trap and my father agreed to him, not because he wants to broke my mother's heart but to let his father believe in him, that was his plan.

But everything crashed when the oracle told my mother what he saw through his powers. Totoo ang mga nakita niya, na niloloko lang ni Ama ang aking Ina pero hindi ipinakita doon na plano lamang iyon ng aking ama para mapapaniwala niya si haring Lamour.

Kahit na anong sabihin ni Ama ay hindi iyon pinaniwalaan ng aking Ina hanggang sa isilang kaming dalawa ni Chloe, iyon ang panahon na tuluyan ng natalo ni Ama si haring Lamour kaya nagpasya siyang puntahan si Ina para magpaliwanag.

But my mother and the Whiterians took that as a signal that the Dark king was about to invade our territory that's why father made it to the hard way just to talk and explain everything to my mother. Iyon na 'yong umalis ako at pumunta sa mundo ng mga tao.

After that, nong nasa poder na niya si Ina ay sinubukan niya itong paamuhin pero dahil sobra ng nasaktan si Ina ay hindi niya ito tinanggap.

Their story was tough and hard yet I learned a lot. At isa na doon ang 'wag na 'wag magsasayang ng oras dahil lang sa mga aktong hindi naman tama.

Don't be deceived by what your eyes can see. Believe to the person you think you can trusted enough.

At ngayon nga, magsisimula na ang giyera, ang totoong giyera.

Tinignan ko si Cloud na masuyong nakatingin sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya, "mahal kita, Cloud."

He smiled too and kiss my forehead, "I love you most, my mate."

Sabay kaming bumaba at iyon naman ang hudyat dahil nagsigalawan na ang mga tauhan ni haring Lamour.

MPLWTFB 2: Whiteria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon