Rhen's POV"Bullshit!" Inis na mura ni Drake nang itulak na naman kami nitong mga weird creature na nakita namin kanina nang pumasok kami do'n sa weird hole kung saan pumasok daw si Eya, sabi pa ni Louie.
"Careful! You dimwit!" Inis namang singhal ni Brandon do'n sa kanina pa tumutulak sa kaniya.
Well, they were pushing us to nowhere. We don't even know what is this place yet I felt really excited. Yeihh!
"Kuyate!" Tawag ko sa weird na nilalang na kanina pa kami tinutulak.
Iba ang suot nila kaysa sa mga tao at dahil may nakaharang sa mga mata nila, hindi ko alam kung lalaki sila o babae kaya 'kuyate'. Kuya plus ate.
Tch. I'm really awesome!
Instead of answering us, those weird creature talked to each other like we never exist in their eyes.
Napasimangot ako, "snob!" Inis na sabi ko at nang samaan ako ng tingin nong isa ay nag-peace sign ako saka ngumiti ng malawak. Hindi man lang ako pinansin, walang'ya!
"Do you think, Eya's... engkanto?!" Bulong ko sa mga pinsan ko.
"What the fvck are you saying?!" Singhal sa'kin ni Cloud at base sa tingin niya, parang gusto na niya akong kainin.
I pouted, "nagtatanong lang naman eh. Sungit!" Bulong ko.
"Well, this place is so weird." Komento ni Drake.
"Weird nga nong pinasukan natin, ano pa kaya ito. Pero isa lang ang alam ko," napatingin kaming lahat kay Louie nang seryoso niyang sabihin 'yon, "ang gwapo ko at ang hot! Shit!" Sabay-sabay namin siyang binatukan dahil sa pagbubuhat niya ng bangko.
Humalukipkip ako habang naglalakad pa rin at tulak nitong mga weird creature sa likod namin.
Wah! Ang chocolate ko! Sana naman may ref sila rito para lagyan ng mga chocolate kahit na weird ang lugar na 'to... sana lang may chocolate sila at ref. Okay na ako do'n.
"Hindi kaya nasa ibang dimension tayo?!" Tanong ko dahil 'yon lang naman ang naiisip ko.
"Obviously, Rhen." Bagot na sagot sa'kin ni Drake.
Napasimangot ako, "sa ibang dimension ba may chocolate?"
"Ask them." Utos ni Brandon na ang tinutukoy ay 'yong mga weird na tumutulak sa'min.
"Snob sila! Walang social life!" Singhal ko at inirapan 'yong mga tukmol na kanina pa kami tinutulak.
Kung alam lang talaga namin ang pasikot-sikot ng lugar na 'to, kanina pa kami tumakas pero plano kasi namin na magpahuli, baka kasi dalhin kami kung nasaan si Eya eh.
Napasimangot ako nang maalala si Eya. Ang babaeng 'yon! Walang utang na loob!
Pagkatapos bihisan, pag-aralin, at pakainin, lalayasan kami at hindi man lang nagpaalam?!
Hindi puwede sa amin 'yon!
Kung kailangan namin siyang singilin ng ilang milyon para hindi siya makaalis, sisingilin talaga namin siya!
"Nandito na tayo!" Sigaw nong isa sa mga nagtutulak sa'min at tinulak na naman kami papasok.
Ibang dimension pero nagtatagalog, iba!
"Kuyate! Anong mother tongue niyo rito? Nagtatagalog kasi kayo eh pero ang we-weird niyo naman." Pagtatanong ko pa habang papasok kami sa mataas na gate na kulay itim.
May nakasulat sa bandang itaas ng gate pero dahil sa taas ng gate ay hindi ko mabasa 'yon.
'...ria Academy'
BINABASA MO ANG
MPLWTFB 2: Whiteria Academy
FantasyA Queen will be chase by the five hot and gorgeous men she left on earth. She's the Queen. She's the rule. She can do whatever she want. But... Kaya ba niyang maprotektahan ang lahat lalo na ang limang lalaking basta-basta nalang pumasok sa mundo ni...