Chapter 11

870 41 15
                                    


Avril Chlea's POV


Maraming nangyari pagkatapos ng pagsulpot ng pitong prinsesa at sinabi ang mga bagay na 'yon na nagpagulo sa buong sistema ko. At isang araw lang ang nagdaan, maraming nagbago.

Nakatingin lang ako sa mg alaga ko nang makita silang umakyat na stage matapos tawagin ang kaniya-kaniyang bagong pangalan. Ipinaliwanag ng pitong prinsesa ang lahat at ngayon nga, tanggap na tanggap na ng lahat ang mga totoong prinsepe.

Ngumiti ako bago tumalikod sa stage at naglakad palayo. 

Malaki ang magiging pagbabago ng lahat. Ang dating mga alaga ko na kailangan kong protektahan at itago sa lahat, ngayon ay ipinagsisigawan at tinitingala na ng lahat.

Dapat maging masaya ako pero hindi ko alam kung bakit ramdam ko ang lungkot sa sistem ko. Feeling ko, lalayo na sila sa'kin. At hindi malabong mangyari 'yon.

Napailing-iling ako at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko at saka pumunta sa lugar kung saan walang makakakita sa'kin.

Naalala ko ang mga dating prinsepe na gumabay sa akin at ngayon, may mga bagay na akong nagagawa tulad nila. Kaya ko ng gumawa ng sarili kong mundo kung saan hindi maaaring makapasok ang iba na wala ang pahintulot ko.

Ramdam ko ang bigat sa dibdib habang kinakalaban ang isang nilalang na binuo ko sa isip ko.

Napadaing ang halimaw na kalaban ko nang mahiwa ko ang braso niya. Ngumisi ako at saka naglabas ng earth ball at pinatama sa kaniyang tiyan dahilan para tumilapon siya sa malayo. Umikot ako at gumawa ng espada gamit ang lupa saka tumalon doon sa halimaw at winakasan ang buhay niya.

Napailing nalang ako habang tumutulo ang pawis mula sa mukha. Mukhang napasobra ang ginawa ko.

Nagkibit-balikat nalang ako at saka nagpahinga ng saglit.

Ilang oras na tulog nang maisipan kong umuwi na sa dorm. Ano na kayang oras? Sa mundo kasi na ginagawa namin ni Philip ay walang oras at bawal ang tamang oras. Nasa amin kasi iyon kung anong oras ang pamamalagi namin sa mundong ito pero hindi naman naka-apekto sa totoong mundo. Kung nandito ako ng limang oras, maaaring limang minuto lang sa totoong mundo.

Papasok na ako sa dorm nang mapansin ko na hindi mapakali si kuyang guard. 'Yong naka-usap ko sa unang araw ko sa paaralan. 'Yong guard na malabong kausap, sumira sumira daw. Sus.

"Kuya guard! May problema ba?" Takang tanong ko. Para kasi siyang nauutot pero pinipigilan lang.

"I-Ikaw si Eya di'ba?" Balisang tanong niya.

Nang tumango ako ay mabilis niya akong nilapitan saka hinawakan. Papalag na sana ako nang sa isang iglap lang ay nasa ibang lugar na kami.

Napakunot ang noo ko nang makitang parang nasa isang kaharian kami dahil sa gara ng mga gamit.

"Kuya! Saan niyo 'ko dinala?" Napasigaw na ako.

Tumingin naman si kuya guard sa'kin  na parang walang ginawang kung ano saka bubulong-bulong. Naku po! Baka natuluyan na ang isang 'to!

Akmang aalis ako sa tabi niya nang bigla nalang sumulpot ang lima kong alaga habang masamang nakatingin sa akin.

Napalunok. Umiwas ng tingin.

"Where the hell have you been, Eya?!" Sigaw ni Drake sa'kin.

"Oo nga! Kanina ka pa namin hinahanap!" Sunod namang pagsigaw ni Louie.

"Lakwatsera! Si Dora ka? Si Dora?" Pagsikmat ni Rhen sa'kin.

Hindi ko alam kung anong nangyayari basta ay inirapan ko lang sila. 

MPLWTFB 2: Whiteria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon