Chapter 4

1.6K 86 34
                                    


Avril Chlea's POV

"Eya! Late na tayo! Hala!" Sigaw ni Match dahilan para malunok ko ng buo 'yong kinakain kong saging. Sisimangot na sana ako nang mapatingin ako kay Edris na ngayon ay nakangiti na.

Iiyak na naman 'to pagsisimangot ako.

"Mauuna na kami!" Edris sneered as she clung her arm to Clough's arm.

Tumango naman ako at saka nag-wave ng goodbye. Mauuna na sila dahil may bibilhin pa si Clough sa bilihan na nasa loob lang din ng campus.

"Tapos ka na ba Eya? Tara na!" Sigaw na naman ni Match na siyang ikinasimangot ko na.

"Ayaw na ayaw mo talagang ma-late 'no?" Komento ko.

Nasabi niya kasi sa'kin na ang pagiging late comer ang pinaka-ayaw niya. Mas lalo na pagdating sa klase kaya nga kahit alas sais palang ay nakagayak na kami kahit na alas otso pa 'yong simula ng klase.

Wala naman 'yong problema sa'kin kasi mas gusto ko rin ang maging maaga palagi.

"Oo 'noh!" Paksi niya at sinukbit na 'yong bag niya, "tara na. Baka maunahan pa tayo nila Clough sa room!" Sabi pa niya at nauna ng lumabas ng kwarto.

Napailing nalang ako at napatingin sa orasan na nandito sa loob ng kwarto. 6:30 palang ng umaga, 8 ang klase namin, sabi eh, late na kami. Sobrang late.

"EYA! BILISAN MO! LATE NA TAYO!" Sigaw ni Match habang tumatakbo na.

Gusto ko siyang pigilan dahil sobrang aga pa namin pero hindi ko nalang ginawa. Siguro kailangan ko ng masanay sa mga ugali ng kasama ko.

Isang hindi palasalita, isang madaldal, at isang iiyak o tatawa nalang bigla.

May narinig pa akong kumpulan at ingay sa may likuran ko pero hindi ko na 'yon pinansin dahil talagang nagmamadali ang kasama ko.

"Saktong-sakto lang tayo." Nakangiting sabi ni Match nang makapasok sa loob ng isang room, mukhang ito ang room namin.

Napatingin ako sa orasan na nakitang nakasabit sa loob ng room, 6:52 palang, saktong-sakto talaga. May isang oras pa kami para tumunganga rito habang naghihintay kailan magsisimula ang klase.

Napangalumbaba ako habang si Match ay naglabas ng libro. Napukaw no'n ang atensyon ko dahil may nabasa akong 'Whiteria' sa title.

"Nagbabasa ka pala ng ganiyan." Komento ko dahilan para mapatingin sa'kin si Match, "bakit? Mukhang wala naman 'yang kinalaman sa kapangyarihan mo o natin."

Ngumiti siya at hinaplos ang cover ng libro, "gusto ko kasing malaman ang pinagmulan ng kahariang 'yon. Malay mo, may matutunan akong isang bagay na minsan na ring nakalimutan ng lahat. I want to know the palace that everyone always look up." Nakangiting sabi niya.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti. May nakakaalala pa rin pala sa history ng kaharian namin. Ngayon ako nagpapasalamat na mas pinili ko ang ganitong set up kaysa ang magpakilala bilang isang Prinsesa na tatangalain ng lahat pero wala namang masyadong alam sa mga nangyayari sa mundo niya.

Sa ganito, malaya kong nagagawa ang gusto ko ng walang mga mata na nakatingin sa'kin.

"Puwede bang hiramin 'yan pagkatapos mong basahin? Nahihiwagaan din akosa kahariang 'yon eh." Nakangiting pahayag ko.

Tumango naman si Match, "sige. Teka lang, magbabasa muna ako."

Tumango ako at nang magsimula ng magbasa si Match ay hindi ko na alam ang gagawin. Kaming dalawa lang sa silid na 'yon at mukhang mababaliw ako kung tititigan ko lang ang pader sa gilid ko.

Nang ilang minuto na ang nakakalipas ay nagpaalam ako kay Match na maglilibot muna, pampatay ng oras. Sinabi pa niyang sasamahan niya ako pero tumanggi ako. Sabi nalang niya na magmadali dahil baka raw ma-late ako.

MPLWTFB 2: Whiteria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon