Chapter 15

685 36 1
                                    


Avril Chlea's POV

"Damn!"

"Fvcking shit!"

"Putangina!"

"RIP. Villanueva. RIP."

"Shit! 'Wag kang malikot, Rhen!"

Kanina pa ako nagpipigil ng tawa habang nakikinig sa mga murahan at gulatan ng limang lalaking halos kunan na ng ulirat habang paakyat sa isang dragon.

"Sasakay ba kayo o hindi?" Pigil ang ngiting tanong ko.

Agad naman nila akong sinamaan ng tingin. "Eya, don't start." Brandon said using his firm voice.

Umirap ako, nagpipigil pa ring ngumiti, "kanina pa kayo diyan, kung wala kayong balak sumakay, maiiwan talaga kayo rito." Pananakot ko pa.

They all glared at me. Nagkibit-balikat nalang ako.

"This is a dragon, Eya! A dragon!" Sigaw ni Rhen sa harap ko na para bang hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

Inosente ko silang tinignan, "oo nga, wala namang nagsabing buwaya 'yan. Ang tanong ko, sasakay ba kayo o maiiwan kayo rito?"

They all groaned in protest that made me smirked.

Umirap nalang ako at saka hinarap ang dragon na sasakyan nila. Maamo ito at kulay pula.

"Mabait ka naman di'ba? Hindi ko naman sila ihuhulog sa itaas di'ba?" Pagkakausap ko pa sa dragon.

The dragon groaned in response, at dahil takot ang mga alaga ko sa dragon, nang sumigaw ang dragon ay agad silang kumaripas ng takbo at kaniya-kaniyang nagtago. Well, except pala kay Cloud na mukhang nawalan na ng malay habang nakatayo sa may kalayuan sa pwesto ko.

"Prinsesa, 'wag mo silang takutin." Sabi ni Iseiah sa'kin. Nakasakay na sila sa kaniya-kaniyang mga dragon.

Ready na kaming umalis, ang mga alaga ko nalang talaga ang problema.

"Hindi ah, kinakausap ko lang 'yong dragon. Malay ko bang sasagot siya." Inosenteng sagot ko.

"Mga prinsepe, hindi nananakit ang mga dragong ito kaya wala kayong dapat na ipag-alala." Nakangiting sabi naman ni Esiah.

"Eya!" Tawag ni Louie sa akin kaya hinarap ko siya ng may pagtataka.

"Oh? Bakit?"

"Sa'min ka sasabay kung gusto mong matapos 'to."

"'WAG KAYONG magulo please." Mahinahong sita ko sa lima.

Hindi nga sila tumigil sa pangungulit hanggang sa pumayag ako. Malaki naman ang dragon kaya kahit sampo ay kasya pero kasi... gusto kong magpalipad ng dragon na ako lang ang sakay. Pero mukhang malabo 'yon dahil dito sa mga kasama kong isip-bata.

"Eya! Malayo pa ba? Kailan ba tayo bababa?" Pangungulit sa'kin ni Rhen.

Nang tignan ko sila sa likod ay para na silang bondpaper sa sobrang putla. Gusto ko silang tawanan sa itsura nila pero baka ihagis nila ako paalis, 'wag nalang.

Tinignan ko ang harapan namin at napangiti nang makita ang isang isla na kulay purple.

"Malapit na malapit na..." Nakangiting sabi ko.

Nang makarating sa isla ay kulang nalang halikan ng lima ang lupa at para doon naka depende ang buhay nila.

"Please, sana sa pag-alis natin hindi na ganiyan ang gagamitin natin." Hirap na hirap na sabi ni Louie.

Ngumiti ang pitong prinsesa, "gagamit na tayo ng teleportation pag-uwi mga prinsepe." Sabi ni Bindra.

Naawa naman ako sa istura nila kaya tumayo ako sa harapan nila, itinaas ang kamay ko at saka kinausap ang kapangyarihan ng kapaligiran para pawiin ang nararamdaman ng mga alaga ko.

MPLWTFB 2: Whiteria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon