A/N: As what I had said in the last chapter, I will edit some chapters and found many errors and loopholes. At dahil gustong gusto kong mag update ngayon kahit hindi pa ako tapos sa pag-e-edit, I will make some clear statements nalang muna. Blackeria ang tawag sa lugar na kalaban nila Eya while Whiteria naman sila. I've read some chapters na tinawag ko itong 'Darkeria' which is wrong. Blackeria po talaga. So far, 'yan palang ang nakita kong error na medyo big deal. For now! Here's the update, Happy new year everyone and keep safe! Enjoy reading!
Avril Chlea's POV
"Hindi nga ako nagkakamali nang maisip ko na may iba pang nilalang sa katawan ko. Sino talaga kayo? Anong pakay niyo sa katawan ko? At bakit ako?" Tagis bagang na tanong ko sa apat na babae na lumitaw sa harapan ko.
Nagtataka nga ako dahil kanina lang nakikipaglaban ako sa mga lobo at bampira dahil talagang napakatigas ng mga ulo at ayaw sumunod sa akin. Ang Demongel kasi ang hinuli kong puntahan at ito nga, napa-away ako. Pero kanina 'yon dahil bigla nalang akong nawala sa labanan at ito nga, nandito ako sa madilim na lugar at basta nalang lumitaw ang apat na babae na 'to sa harapan ko.
Nang tanungin ko sila kung sino sila, iisa lang ang sagot nila, sila raw si Eya. Ako at sila raw ay iisa. Nasa iisang diwa. Nasa iisang katawan.
Hindi ako naniwala nong una dahil baka nililinlang lang nila ako. But not now that they let me see what really happened on that night when I lost consciousness in the middle of the forest.
At ito na nga, naiinis na ako dahil sa mga nalaman ko. Wala silang karapatan na basta nalang pumasok sa katawan ko ng hindi ko nalalaman. Mas lalo na kung hindi ko alam kung anong gagawin nila sa'kin.
"Ako si prinsesa Aleah, ang diwata ng mga tubig." 'Yong kanina pa ngiting-ngiti sa akin na akala mo may nakakatuwa sa mga nalaman ko.
"Ako naman ang pinaka-nakakahalina na prinsesa sa lahat ng mundo, prinsesa Heliah, ang magandang diwata ng hangin." Sabi nong babaeng akala ko mataray pero mukhang may inilalabas na...landi?
"Ako naman si Sefeyah, diwata ng apoy." Seryosong sabi nong isang babae na mukhang walang humor sa katawan.
Siguro kung magjo-joke ka sa harapan niyan, magiging abo ka dahil hindi siya natatawa.
"Ako naman si Jeiya, ang diwata ng lupa." Mataray na sambit nong isa.
Napangiwi ako, 'Attitude ka gurl?'
BINABASA MO ANG
MPLWTFB 2: Whiteria Academy
FantasyA Queen will be chase by the five hot and gorgeous men she left on earth. She's the Queen. She's the rule. She can do whatever she want. But... Kaya ba niyang maprotektahan ang lahat lalo na ang limang lalaking basta-basta nalang pumasok sa mundo ni...