Chapter 6

1.3K 66 26
                                    

Hello! Sinong gusto ng dedication next chap? Comment below lang po.

Avril Chlea's POV

"EYA! Bilisan mo na! Kanina pa siguro 'yon nagsimula!" Bugnot na sigaw ni Match sa'kin na sinagot ko lang ng mahinang tawa.

"Sige na, mauna ka na. Actually, wala naman akong planong sumama, marami akong bagay na mas kailangan kong gawin." Naiiling na paliwanag ko.

Umirap siya sa hangin, "sige na nga. Bahala ka basta pag nagbago ang isip mo alam mo kung nasaan kami." Agad na nagliwanag ang mukha niya pagkatapos niyang sabihin 'yon at agad na umalis.

Napabuntong hininga naman ako. Anong nangyayari?

Well, bali-balita na bumalik na ang limang prinsepe galing sa mundo ng mga tao at may dala raw ang mga ito na masamang balita.

Bakit hindi ako sumama kina Match na salubungin sina Dominus? Simple lang, dahil nandito sila mismo sa kwarto ko.

"Kumusta ang pinapagawa ko sa inyo?" Seryoso kong tanong.

Agad naman silang lumitaw sa paningin ko. Kanina pa sila nandito, hindi lang sila nagpakita dahil nandito pa si Match.

Umiling-iling si Philip, "ayaw maniwala ni Bethel na wala na talaga ang prinsesa tulad ng pinag-uutos mo."

Napabuntong-hininga ako. Nang araw na nakaharap ko si Bethel, 'yon 'yong panahon na bumalik din ang mga prinsepe sa mundo ng mga tao upang maghanap daw kuno ng prinsesa tulad ng utos ni Bethel.

Ewan ko, hindi maganda ang kutob ko sa Bethel na 'yon kahit na minsan na rin siyang nai-kwento ni Ina sa'kin.

Nakakapagtaka lang kasi na alam niya kung saan ako susunduin gayong sa pagkakatanda ko ay wala siya sa palasyo nong panahong lumusob ang Dark king kaya pa'no niya nalaman na nando'n ako sa lugar na 'yon at parang siguradong-sigurado siya na buhay ako.

Kaya inutusan ko ang mga prinsepe na bumalik sa mundo ng mga tao para maghanap ng mga kasamahan ng Dark king, gusto kong malaman kung may koneksyon ba ang Bethel na 'yon sa masasamang magician.

Ang buong akala ni Bethel ay naghahanap ang mga prinsepe sa mundo ng mga tao iyon pala ay para malaman ang totoo niyang katauhan.

Kaya lang, walang nakuhang impormasyon ang mga prinsepe kaya inutusan ko silang bumalik dito sa mundo namin. Inutusan ko silang sabihin kay Bethel na wala na ang prinsesa, namatay sa mundo ng mga tao ngunit tulad ng sabi ng mga ito, hindi naniniwala si Bethel.

Napangisi ako. Mas lalo lang niyang pinapatunayan sa'kin na may alam siyang malaking sekreto at 'yon ang aalamin ko.

Napabuntong-hininga ako, "nakumbinsi niyo ba siya?" Tukoy ko sa isa pang utos ko sa kanila. Ang kumbinsihin si Bethel na manatili nalang sila rito para magsanay kaysa ang maghanap pa sa prinsesa eh nandito na nga ako.

Tumango si Dominus, "yes but she order someone to take our mission. Basically, finding on you still on going."

Napatango ako, "mas mabuting nandito kayo dahil nagsisimula na ako sa pagsasanay."

Nagtaka ako nang tignan nila ako ng kakaiba, "oh? Bakit kayo ganiyan makatingin?" Agad nakahumang tanong ko.

"We heard that your 5 pets are here." Ingos ni Firus.

Napailing ako nang sabay-sabay silang napangiwi.

"Ayaw nilang umuwi," mula sa seryosong tinig ay napalitan ito ng pag-aalala. "Mapapahamak sila sa mundo natin. P-Pero..."

MPLWTFB 2: Whiteria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon