Chapter 13

768 42 7
                                    


Avril Chlea's POV


Dahang-dahan kaming naglalakad, nagmamasid naman ang pitong prinsesa pero ramdam ko ang sulyap nila sa pwesto namin.

Napapikit ako. Ayokong katukin ng konsensya ko. Gustong maging selfish para sa'kin at sa mga alaga ko. S-Siguro naman... maiintindihan nila ano?

Napabuntong hininga nalang ako at agad na napatigil sa paglalakad nang maramdaman ang lamig ng hangin na dumaan.

"Bakit prinsesa?" Takang tanong ni Esiah na sa amin ni Alteria nakatingin dahil sabay kaming napatigil sa paglalakad.

"Something's wrong?" Kunot-noong tanong naman sa akin ni Brandon.

Nagkatinginan kami ni Alteria at nasasalamin ang pagkakaparehas ng reaksyon namin.

"Maghanda!"

"Magtago kayo Rhen!" Sabay na sigaw namin ni Alteria.

"What? Why?" Takang tanong naman ni Louie pero pinandilatan ko sila ng mata kaya wala silang nagawa kun'di ang sumunod sa sinabi ko.

Pumosisyon ang pitong prinsesa palibot sa akin. Pumikit naman ako at saka dinama ang naramdaman ko kanina.

"Papalapit na siya..." Sabay na sabi namin ni Alteria.

Kunot-noong bumaling sa amin si Iseiah, "sinong siy--anong!" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang sa isang iglap lang ay nasa harapan namin ang isang nilalang na napapalibutan ng makapal na coat ang buong katawan.

"P-Pa'no nakarating ang isang Hadi sa lugar na ito?!" Sigaw ni Bindra dahilan para mag-angat ng tingin ang nilalang na nasa harapan namin.

Agad akong napaatras ng isang beses nang makita ko ang nanlilisik niyang mata.

"Kumusta ang pitong alamat na prinsesa? At sino iyang nasa gitna?" Nakakakilabot ang boses niya pero hindi 'yon ang nakakuha ng atensyon ko kun'di ang matinding galit na nababakas sa boses niya.

"Anong ginagawa ng isang Hadi sa lugar na ito!" Sigaw ni Hela at saka pumosisyon para protektahan ako, "kung may balak kang kalabanin kami, wala kang mapapala. Hindi gumagana ang kapangyarihan mo sa lugar na ito. Itong lugar ang mga kabaliktaran ninyo!"

Pasimple akong nilingan ni Esiah, "magtago ka kasama ng mga alaga mo. Maaaring walang laban ang isang Hadi sa lugar na ito pero hindi tayo dapat magpadalos-dalos ng desisyon lalo na't gusto mong itago sa lahat ang pagkakakilanlan mo. 'Wag na 'wag kang kakausap na kahit ano sa lugar na ito. Alam mo ang nagagawa ng lugar na ito"

Gusto kong umiling at tumulong sa kanila pero tama siya, iniingatan ko pa ang tungkol sa sikreto ko kaya mas mabuti ng ganito.

"They will fight that creature?" Tanong ni Drake nang makalapit ako sa pinagtataguan nila.

Tumango namana ako.

"What? 1 versus 7? That's unfair!" Louie groaned in protest.

Mahina ko siyang tinulak, "edi samahan mo 'yong nilalang na 'yon kung naaawa ka!" Pairap na sabi ko.

Alam ko namang sa mabuti na sila ngayon, sadyang hindi maiiwasan ang sama ng ugali nila.

"What kind of creature he is?" Natahimik kaming lahat nang magtanong si Cloud na tahimik lang na nakatingin doon sa nilalang na ngayon ay mas lalo kong naramdaman ang kakaibang tensyon sa kaniya.

Napabuntong hininga ako, "Hadi, ang mga nilalang na may kakayahang kunin ang kapangyarihan mo pag nasa isang labanan kayo. Isa sila sa mga may malaking respeto dahil importante ang kakayahang taglay nila pero base sa narinig ko, may nangyaringb trahedya kaya nawala ang tribu nila sa mapa ng Whiteria. Simula noon, nagkahiwa-hiwalay ang mga Hadi. May ibang napunta sa Blackeria para magpaalipin sa Dark king, may iba namang mas pinili ang lumayo sa dalawang lugar kung saan ang gulo. Ang iba naman ay mas pinili ang Whiteria at pinagpatuloy ang mabuting gawain. Ang isang 'yan, ramdam ko ang galit niya kaya nasisiguro kong hindi siya kakampi." Mahabang paliwanag ko.

MPLWTFB 2: Whiteria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon