Chapter 16

699 40 19
                                    


A/N: Since malapit na ang pasabog ng story, I want to know your thoughts. Sino ang nababagay kay Eya?

Avril Chlea's POV

Napabuntong-hininga ako nang makalapag kami sa isang tagong lugar mula sa Dunion island.

"Bakit, prinsesa? Parang hindi ka masaya?" Pukaw ni Esiah sa akin.

Umiling-iling lang ako saka ngumiti, "namimiss ko lang ang Ina ko. Bakit nga pala hindi nalang tayo dumiretso sa whiteria academy?" Tanong ko kanina pa 'yan umiikot sa utak ko kung bakit kami huminto dito.

Ngumiti sila at tinignan ang limang alaga ko na ngayon ay titig na titig sa mga iniligtas naming mga nilalang.

"Mamaya na ang kabilugan ng buwan... ang pinaka hinihintay naming lahat." Mahinang sabi ni Alteria dahilan para matigilan ako.

"Kung nagtataka ka kung bakit tayo rito huminto dahil dito prinsesa ang ligtas na lugar para sa ating lahat. Kilala namin ang Cralitos na 'yon, tuso 'yon. Kanina, nawala siya at akala namin may pipigil siya sa'tin sa pag-alis pero walang katawan niya ang humabol kaya alam kong may binabalak siya kaya nagpasya kaming hindi tumuloy sa whiteria."

"Pero paano ang whiteria? Paano kung sila ang puntahan?" Nag-aalalang tanong ko.

Kung gano'n nga ang iniisip nila ay mas kailangan namin ang pumunta sa Whiteria pero.. napatingin ako sa mga alaga ko na nakatingin sa mga hari at reyna, mamaya na raw ang kabilugan ng buwan.

"Nakapaghanda na ang headmistress sa mga nangyayari, prinsesa. Ligtas ang mga nilalang na 'yon sa ngayon." Sagot ni Alteria. "Ngayon, nais kong sabihin mo sa mga prinsepe ang mga sinabi namin. Kami ay aalis muna at gagawin ang paghahanda para mamaya."

Nang umalis na silang lahat ay naglakad ako sa puwesto ni Rhen.

"Why aren't they waking up, Eya?" Salubong na tanong sa'kin ni Rhen.

Ngumiti naman ako, "magigising sila maya-maya, masyadong silang nahirapan sa sitwasyon doon sa ilalim ng lupa pero hindi naman malala kaya huwag na kayong mag-alala." Sabi ko.

"May sasabihin ako sa inyo." Seryosong sabi ko.

Nakuha ko naman atensyon nilang lima.

Huminga ako ng malalim at saka sila pinakatitigan, "mangyayari na mamaya ang kinaaasam ninyong lima, ang kabilugan ng buwan. Wala akong alam sa mga mangyayari mamaya pero isa lang ang maipapayo ko, magpakatatag kayong lahat at lumaban kayo para sa buhay niyo." Saka ako ngumiti ng malapad at saka idinipa ang mga braso ko, humihingi ng yakap sa kanila.

Agad naman nilang tinawid ang pagitan namin at saka yumakap, hindi pa sana sasali si Cloud nang hilahin siya ni Drake at nagpatianod naman siya.

HINDI MAWALA ANG kabog ng dibdib ko habang nagmamasid sa pitong prinsesa na inihahanda ang mga gagawin para mamaya. Ilang oras nalang... kumakagat na rin ang dilim.

Kahit sila Rhen ay sinabihan na nila kung ano ang gagawin mamaya.

Napabuntong-hininga ako saka tinignan ang mga hari at reyna na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Pumikit ako at saka kinalma ang isipan pero hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nang magising ako ay nakita ko ang lima na nakaporma ng pabilog.

Nagsisimula na? Bakit hindi ako ginising?

Lukot ang mukha na tumayo ako at naglakad sa pitong prinsesa na ngayon ay tahimik na nagmamasid kina Rhen. Maliwanag ang mukha nila at parang naiiyak.

Natigilan ako... m-magtatagumpay ba sila?

Nag-aalalang tinignan ko ang mga alaga ko at nakitang nakapikit sila. Akmang tatawagin ko sila nang pigilan ako ni Bindra.

MPLWTFB 2: Whiteria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon