A/N: Sorry for the late UD, I am really busy right now. I will give a hint about myself, I am still studying, becoming first year to be exact and our class has started. Sobrang stress lalo na at online class ngayon dahil sa pandemic pero laban lang talaga. Push na push. Thank you for waiting and this one is for all of you.Avril Chlea's POV
"Eya! Nandiyan na naman 'yong lima sa labas ng unit!" Inis na bungad sa'kin ni Match na siyang ikinangiti ko. "Arhg! Ayaw nilang papigil! Doon na ata nag kakampo ang mga 'yon eh!" Patuloy pa niya.
Napailing nalang ako at saka tinungo ang pintuan kung nasaan ang limang damuho na alam kong kanina pa naghihintay sa'kin.
Halos malaglag naman ang panga ko habang nakatingin sa kanila. Ang gagwapo nila sa uniform nila. Bagay na bagay. Pakurot naman, unahin ko lang si Cloud na halatang kanina pa inis na inis sa suot niyang uniform. Cute kaya. Pinaghalong crimson red at white na tela.
"Are you ready?" Nakangiting tanong ko na ikinasimangot nila.
Sinabihan ko kasi silang mag enroll muna sa ngayon habang naghahanap pa ako ng paraan para maibalik sila sa mundo ng mga tao.
Nakakalungkot mang isipin pero kailangan nilang bumalik sa mundo kung saan sila nababagay.
Delikado ang mundo namin. Lalo na pag nalaman ng Blackeria na may mga tao rito, isa iyon sa mga batas na nag-uugnay sa Blackeria at Whiteria. Hindi maaaring mag-alaga ng mga tao kundi maghahasik ng lagim ang mga itim na lobo at bampira.
Isa pa, hindi sila maaaring magtagal dito dahil mamamatay sila. Hindi makakatagal ang mga tao sa mundo ng mahika.
Mabuti na nga lang at hindi buhay ang diwa nila Cloud bilang tao nong mga panahong hindi pa nila ako nakikita. Tulog kasi ang diwa ng pagiging tao nila pag hindi nila alam na nasa ibang lugar sila. Parang hindi pa nila alam na hindi na sila nasa mundo ng mga tao. Kaso noon 'yon dahil alam kong alam na alam na nila ngayon na wala na sila sa mundo nila.
Mabuti nalang at nagawan ko ng paraan para maitago ang diwa nila bilang tao kung hindi, nagkakagulo na siguro ngayon sa akademya.
Nakakalungkot lang isipin na kahit ga'no namin kagusto, hindi maaari.
"I am warning you, Eya." Mapanganib na banta ni Drake na talagang ikina kabog ng dibdib ko. "Don't throw us away. Sinanay mo kami sa tabi mo kaya 'wag na 'wag kang magkakamaling itapon nalang kami basta basta."
Napabuntong hininga ako, "mag-uusap tayo sa garden. Hintayon niyo ako do'n at magpapaalam lang ako kina Match."
Sumimangot si Rhen at Louie sa sinabi ko, "what's the point of going here to fetch, Eya? Nagiging tanga ka na naman."
Sinamaan ko ng tingin at iningusan si Louie sa sinabi niya at pinagsarhan sila ng pinto.
Hindi pa man ako nakakapagsalita nang biglang lumitaw sa harapan ko si Edris na may ngiti sa labi, "aalis ka? Sasama ka sa mga bwesit na 'yon?"
Tumawa ako at tumango dahilan para sumimangot siya.
"Malaman ko lang na sinaktan ka nila talagang makakatikim sila!"
Napatawa ako sa naging reaksyon niya at nag paalam na sa tatlo.
Nang makarating ako sa garden ay nahuli ko ang lima na seryosong nag-uusap.
BINABASA MO ANG
MPLWTFB 2: Whiteria Academy
FantasyA Queen will be chase by the five hot and gorgeous men she left on earth. She's the Queen. She's the rule. She can do whatever she want. But... Kaya ba niyang maprotektahan ang lahat lalo na ang limang lalaking basta-basta nalang pumasok sa mundo ni...