Chapter 37

551 32 4
                                    



A/N: Lame update ahead!

Someone's POV

"Tumigil ka!" Galit kong sigaw sa nilalang na basta nalang pumasok sa aking kaharian at nagwala.

"Hindi ako titigil hangga't buhay at ngumingiti pa ang babaeng 'yon!" Malakas niyang sigaw pabalik at nagwala na naman.

Itinaas ko ang aking kamay at saka nagwika ng kataga upang makontrol ko ang pag-iisip ng nilalang na ito.

Nang kumalma siya gamit ang kapangyarihan ko ay hinarap ko siya ng may matigas na anyo.

"Ano ang nangyari?"

Huminga siya ng malalim saka sinabi sa akin ang mga nalalaman niya. Nang marinig ang sinabi niya ay nag-apoy ako sa galit.

"Hindi niya puwedeng pigilan ang plano ko!" Malakas na sigaw ko.

Puno ng galit na ngumisi sa akin ang nilalang na ito, "puwes, huli ka na dahil nakuha na niya ang dapat ay matagal na nating pinatay."

Mabilis na kumilos ang nilalang na nasa gilid ko at sinakal ang nilalang na nasa harapan ko.

"Ang usapan natin ay hindi natin papatayin ang anak ko... hindi niyo puwedeng patayin si Edris!" Galit na sigaw niya at saka dahan-dahang pinakawala. Maling galaw ang ginawa niya dahil mabilis siyang tumilapon sa malayo sa isang kisap-mata lang.

Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa mga nagagawa ng nilalang na ito na malaki ang konektado sa akin.

Tumawa siya ng may panunuya, "sino ka ba para pakinggan ko?"

Mabilis siyang lumapit sa nilalang na kakatayo palang mula sa pagkakatilapon at saka pinahirapan ito gamit ang apoy niyang kapangyarihan.

"Ikaw at ang anak mo ang dahilan kung bakit hindi na naaayon ang mga plano ko!"

Sinenyasan ko ang mga kawal ko na ilabas na ang kawawang nilalang.

Galit na galit na tumingin naman sa akin ang nilalang na kanina pa nagwawala.

"At bakit wala kang ginagawa diyan? Alam na ng apo ng orakulo ang lahat ng mangyayari at isang tanong lang ng babaeng 'yon, kakanta 'yon."

Umiling-iling ako, "papunta palang sila, pabalik na ako. Huwag na huwag mong tatanungin ang kaya kong gawin."

Hindi naman na ito nakaimik pero matalim pa rin ang titig sa akin.

***

Cralitos' POV

"Pakawalan niyo ko rito!" Sigaw ng babaeng nagngangalang Edris na ngayon ay nakagapos sa isang sulok.

I looked at her with amusement. She was different to the girl I saw a days ago, when I am doing my training. She was nice and gentle but now, she became tigress as of the moment.

"Ikaw!" She yelled at me and then stared at me intently, "kaano-ano mo si Eya?! Nakita kita sa panaginip ko!"

I looked at her with disbelief, "what are you saying?!"

"Nakita kita, sa pagdating ng berdeng buwan, ikaw ang magkokonekta sa dalawang nilalang na hindi maaari. Bakit mo gagawin 'yon?"

I looked at her full of questions written in my face.

"What the fvck are you saying?"

Sinamaan niya ako ng tingin, "wala ka ba talagang alam o ayaw mo lang malaman ng lahat ang plano niyo ni Eya?! Delikado ang gagawin niyo! Itindhana man sila Eya at Cloud, hindi pa rin iyon maaari sa batas ng mundong ito!"

MPLWTFB 2: Whiteria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon