Chapter 42

520 33 5
                                    

A/N: Nagiging super duper slow ang update ni Author! Sorry po ng marami,  medyo busy lang. Anyway, sobrang malapit na po ang end ng story. I think hanggang chapter 45 lang po ito so... hahahha nakakaiyak sa parte ko. And ito atang story na to ang pinakamatagal natapos. I started writing it on june, march na ngayon so malapit ng mag one year. Brace yourself because of many surprises along the next chapters. Anyway, sino nga ulit nag request na may jealous part ang lima from previous chapters? Here it is po. Enjoy reading!

Edris' POV

"Ninuno... bakit hinayaan ng nasa itaas ang mangyari ito?" Magalang na tanong ko habang nakatitig sa berdeng buwan na malayang nakatunghay sa mundo ng mahika.

Ramdam ko ang bigat sa loob dahil kahit wala ako sa labanan ngayon, alam ko ang nangyayari at mangyayari pa.

Gusto ko mang pigilan, wala akong magagawa. Nakatakda ang lahat at nasa kamay ng nararapat ang basbas kung nanaisin pa ba niyang sundin ang nakatakda sa kaniya o lalabanan niya.

'Sana okay lang si Eya ngayon... siya ang pinaka naghihirap ngayon.'

"Tandaan mo, Edris. Hindi magbibigay ang nasa itaas ng isang pagsubok kung hindi ito malalampasan. Tiwala ka lang." Sagot ni ninuno.

Maliit akong tumango, "pero di'ba po, masyado ng maraming pinagdaanan si Eya? Hindi ba masyadong unfair na iyon kumpara sa pinagdaanan ni Chloe?"

Ngumiti si ninuno, "simple lang, dahil si Eya ang susunod na Reyna ng Whiteria at mamumuno sa buong mundo ng mahika."

Napaawang ang bibig ko sa nalaman. Ang akala ko kasi ay si Chloe dahil magiging Reyna naman si Eya sa kaharian nv Demongel bilang mate ni prinsepe Cloud na siyang susunod na Hari sa kaharian nila.

"Paano ang Demongel? Sino ang mamumuno?"

Mas lumawak ang ngiti niya sa tanong ko, "kaya nga sinabi ko, si Eya ang magiging pinakamalakas na nilalang sa mundong mundo dahil pamumunuan niya ang buong mundo ng mahika, hindi lang ang Whiteria kung maging ang Blackeria."

Halos mahulog na ang panga ko sa mga nalalaman. Umusbong ang paghanga at pangamba ko para kay Eya. Paghanga dahil sa magiging kapalaran niya at pangamba dahil sa kinahaharap niya.

Napalunok ako, "p-paano si Chloe? Ano ang pamumunuan niya? At paano kung hindi manalo si Eya sa laban na kinahaharap niya ngayon?"

Tumigas ang anyo niya, "si Chloe ay may nakatakdang pangyayari sa buhay niya kung saan mas nanaisin niyang sumuko nalang kung kaya't siya ay mawawala sa mundong ito pero dahil sa pakiusap ng kaniyang kakambal, si Chloe ay magiging isa siyang diwata na walang diwa at gagabay sa mga malalakas na nilalang na nandirito. Magtiwala ka kay Eya, Edris, malalampasan niya ang pagsubok na ito."

Napatungo naman ako, hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.

Ayoko mang mag-isip ng masama, hindi ko mapigilan dahil 'yon talaga ang nararamdaman ko.

Napaayos ako sa pagkakatayo nang marinig mula sa isip na pinapatawag ako ni prinsepe Cloud.

Tinignan ko ang aking ninuno at tumango siya saka ngumiti.

Tumango rin ako at umalis na sa lugar na iyon.

Nang marating ko ang battle area ay nakita ko si Eya na nakalutang sa ere at ang mga prinsepe naman ay mukhang handa ng lumaban.

Kinain ako ng kaba.

"Ayoko rin namang magamit pa ang katawang ito, masyadong mahina. Ang dali ko ngang makapasok eh. Tatapusin ko muna kayo saka ako aalis sa katawang ito, at syempre, papatayin ko ang walang kuwentang katawang ito." Sabi ni Eya na hindi ko na ikinagulat.

MPLWTFB 2: Whiteria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon