Third Person's POV
Napuno ng pangamba ang buong whiteria academy at maging ang nangyayring práklis évodama ay piniling itigil muna dahil sa gulong nangyayari sa loob ng paaralan.
"Ms. Ells," tawag ng headmistress sa kaniyang kanang kamay na guro sa paaralan. "Gather all the students and calm them down."
Mabilis namang tumango si Ms. Ells at ginawa ang iniutos sa kaniya.
Napabuntong-hininga nalang ang headmistress at pumasok sa opisina niya. Doon naman niya nakita ang pitong prinsesa at ang limang prinsepe.
"You all knew her plan yet no one stop her from that craziness." Malamig na pananalita ni Cloud.
Nagbuntong-hininga ang headmistress, "you have your own problem, prince Cloud. Face your own business. The five of you don't have any rights to be there." Nahahapong sabi niya para tigilan na siya ng mga ito.
Ramdam niyang galit ang mga ito sa kaniya, sa kanila pero ang galit ng mga ito ang nasa pinakahuling bagay na gusto niyang pagtuunan ng pansin.
"Cloud!" Sigaw ng lahat nang basta nalang magbago ng anyo si Cloud, naging lobo ito at galit na galit na sinakmal sa leeg ang headmistress.
Umalulong ito ng sobrang lakas nang subukang gamitin ng headmistress ang kapangyarihan niya para makawala sa pagkakasakmal ni Cloud.
"Ilayo niyo siya rito!" Sigaw ng pitong prinsesa sa apat na prinsepe na mukhang nagdadalawang isip pang lumapit sa kinarororonan ni Cloud.
Gamit ang kapangyarihan ng apat ay napatulog at napakalma nila si Cloud.
"Ano ba kasing nangyayari? Bakit kumalat ang maling balita na 'yon?" Tanong ni Drake.
Nagpakawala naman ang buntong-hininga ang pitong prinsesa.
"Hindi 'yon maling balita mga prinsepe." Mahinahong sabi naman ni Drana.
Agad namang nagbago ang emosyon ng apat sa narinig. Tila hindi makapaniwala na ang kumakalat na tsismis ay totoo pala.
"No way!" Sigaw ni Louie. "Eya can't do that. She's not a traitor!" Pagpapatuloy nito.
Tumawa naman ng pagak si Brandon, "after everything she have done? She left us in earth just to be here, she stay away from us to protect us and this school, she remained silent even if it is too much to handle all by herself. She sacrificed a lot and then you gonna say she is a traitor?" Ramdam ang galit sa tono ng boses niya.
"Wala kayong alam sa mga ginawa ni Eya!" Madilim ang mukhang sigaw ni Rhen.
"Huminahon kayo mga prinsepe. Hindi gano'n ang ibig sabihin ni Drana." Singit ni Hela.
Sinuntok ni Drake ang lamesa ng headmistress dahil sa sobrang inis, "then tell us what is happening now, damn it!"
Sumenyas ang headmistress na umupo ang lahat at kumalma. Kahit na hirap ang apat na kumalma ay mas pinili nalang nilang gawin ito.
"Isa ako sa mga may alam ng lahat ng nangyayari tungkol sa prinsesa Chlea. Kapatid ko ang Reyna ng whiteria kaya sa lahat ng pagkakataon ay dapat nasa tabi niya ako." Nagulat ang apat na prinsepe habang wala namang reaksyon mukha ng pitong prinsesa.
"Mula ng umibig siya sa isang binatang hindi niya dapat ibigin o gawing kaibigan ay doon nagsimula ang kalupitan ng mundo sa kaniya. Nasasaktan ako habang iniisip ang naging kapalaran ng kapatid ko ngunit tulad ng sinabi ng orakulo, nakatakdang mangyari sa kaniya iyon. Umibig siya sa anak ng hari ng Blackeria, naging maganda ang samahan nila kahit na palihim ito hanggang sa hindi na nagpakita pang muli ang lalaking iyon. Akala ng aking kapatid nagkaproblema lang sa kaharian ng mga ito pero nalaman niya mismo sa orakulo ang planong gustong gawin ng lalaking kaniyang iniibig, ang Dark king."
BINABASA MO ANG
MPLWTFB 2: Whiteria Academy
FantasíaA Queen will be chase by the five hot and gorgeous men she left on earth. She's the Queen. She's the rule. She can do whatever she want. But... Kaya ba niyang maprotektahan ang lahat lalo na ang limang lalaking basta-basta nalang pumasok sa mundo ni...